Pumasok si Sheena sa departmenstore. Tingin tingin lang muna siya sa mga nakadisplay na mga damit ng napunta siya sa may dulo banda. Damit panglalaki kagaya sa mga shirts and polo ng napahinto siya ng may nakita siyang isang likod ng lalaki.
Nakaupo ito sa gilid at sa gilid nito ang mop. Tiningnan niya ng mabuti. Baka mali lang ang hinala niya.
Kumunot ang noo niya sa nakita niya.
"Hi! Masyado pang maaga para sa problema. Ganun ba yan kabigat?" Sabi ni Sheena ng may ngiti sa labi.
Napatingin si David sa nagsalita. Nakangiti ito nakatingin sa kanya. Gumuhit sa labi niya ang isang ngiti na hindi niya nababantayan. Pakiramdam niya gumaan ang pakiramdam niya.
"Sabi ko okay ka lang ba?" Ulit sa kanya ni Sheena sa tanung.
"Okay lang ako. Ka-kamusta kana?" Tanung niya sa babae. Matagal tagal rin hindi niya ito nakikita kaya subra niya itong namimiss.
"Sigurado ka? Bakit iba ang nasa mukha mo?" Hindi nakapagsalita si David sa tanung ni Sheena.
"Di bali na nga, ikaw kamusta ka na? Ako kasi okay lang" sagut ni Sheena.
Nanatili lang si David sa pagtitig niya kay Sheena..
"Hey may dumi ba ang mukha ko?" Tanung ni Sheena sa kanya. Pero hindi parin kumibo si David.
May kinuha si Sheena sa bag niya at sinulat ito. "Ito kapag may problema ka tawagan moko." Sabay bigay sa papel kay David.
"Kung anu man yan problema mo wag mo na isipin. Magiging okay din ang lahat" sabi ni Sheena sabay talikod kay David.
"'Sandali lang" nilingun siya ni Sheena.
"Pwede ka ba bukas?" Kinabahan si David baka kasi umayaw si Sheena.
"Bukas? Hmmn? Sige text mo nalang ako kung anung oras" sabi ni Sheena sabay talikod nito sa kanya.
Bumili si David ng bagong damit niya at nag ahit ng balbas niya. Kinabukasan excited na siya para sa meet up nila ni Sheena. Kahit nakikita niya ito sa mall kung saan siya nagtatrabaho iba parin kasi pag hindi working time.
Umupo si David sa bakanteng upuan sa terminal ng mga bus. Hinihintay niya si Sheena at may halong kaba at excited ang nararamdaman niya. Panay tingin niya sa cellphone ngunit di naman nagtext si Sheena.
Lumagpas na ng alas otso ng umaga at kinabahan na siya mas lalo dahil baka hindi darating si Sheena.
"Hi! Kanina kapa? Sorry medyo traffic lang kasi" napaangat siya ng tingin ng dahan dahan ng nakita niya may nakatayo sa harapan niya.
Suot nito ang simpleng skinny jean fitted na dark blue at ang paris nito isang simpleng blouse na kulay itim at nakatuck in ito sa pantalon ni Sheena. Napatitig si David. Siguro kung walang tao malamang kanina niya pa niyakap ang babae na nasa harapan niya na miss na miss na niya.
"Huy! Para ka'ng nakakita ng multo. Multo ba ako?" Takang tanung ni Sheena na nakangiti.
"Ta-Tara na" sabi ni David sabay talikod kay Sheena. Ngayun magkasabay na sila naglakad naghanap ng masasakyan.
Nakahinto sila sa highway at si David panay tingin kay Sheena. "Hindi kaba nagdala ng payong?" Tanung ni David.
Masyado na kasing mainit ang sikat ng araw at masakit na sa balat ang tama nito pero si Sheena mukhang hindi naiinitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/227569184-288-k977407.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
General FictionBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...