Pagkatapos sa paghugas ni Michaela ng pinggan. Tinungo niya ang kwarto ni David, matagal tagal rin niya itong pinag isipan. Nagbaka sakali narin siya kung papayagan siya. Siguro naman pagbigyan siya nito dahil hindi naman siya importante kay David.
Napahawak siya sa dibdib niya at napapikit ng mata niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. At ngayun lang ito nangyayari sa kanya.
Hindi parin sumagot si David sa katok ni Michaela kahit tatlong beses na ito. Pinihit ni Michaela ang door knob ng dahan dahAn at binuksan kaunti ang pinto. Napaawang kaunti at nakita niya si David tahimik nanunuod ng tv. Kaya nilakihan niya ang pagbukas ng pinto. Hindi parin siya pinansin ni David. Tumayo muna siya naghanap ng lakas ng loob niya baka kasi hindi papayag.
"What?" Tanung ni David pero nakatuon ang mata niya sa tv.
"A-anu kasi, ----- hmmn, magpapaalam lang kasi ako" umpisa ni Michaela. Sa tv parin nakatuon ang mata ni David.
"May pupuntahan lang kasi ako, ba-baka dalawa o tatlong araw ako mawawala.?" Napatingin si Michaela kay David. Tahimik lang ito parang may iniisip.
"Baka kasi hindi ko na ito magawa sa susunod" dagdag ni Michaela.
"Sino kasama mo?" Tanung ni David.
"Wala ako lang mag isa" sagut niya kay David.
"Kailan?" Tipid na tanung ni David.
"Sasamahan na kita" biglang sabi ni David. Napa isip rin kasi si David na kailangan niya ng pahinga sa opisina niya kahit sandali sa dami niyang trabaho.
Napaupo si Michaela sa gilid ng kama ni David. "Talaga David? Pero baka busy ka sa opisina mo. At hanapin ka ni Anica?"
Tahimik parin si David. Tumayo si Michaela at niyakap niya si David kahit nakaupo lang ito. Niyakap lang naman niya sa leeg at ulo nito. "Salamat David" pasalamat niya saka lumabas na siya sa kwarto ni David.
Ang laki ng ngiti niya ng makalabas na siya sa kwarto ni David at dumiretso sa kwarto niya. "Oh my ghad, sasama sakin si David? My ghad, my ghad. Thank you so much. Grabe ganito pala ang pakiramdam kahit samahan niya ako subrang saya ko na. Ang gaan sa pakiramdam" sabi niya sa sarili niya. Pagulong gulong pa siya sa ibabaw ng kama niya.
Walang mapaglagyan sa saya ni Michaela. Ang ngiti hindi niya hindi nawawala sa mga labi niya. Napapikit siya. 'Thank you so much God dahil binigay mo ang hiniling ko sayo. Kahit yun lang ang saya saya ko na. Maraming salamat' saka binuka niya ang mata at bumangun. Agad siya pumunta sa kusina at nagsaing ng kaunting kanin. Pagkatapos naghanap siya sa ref ng pwede niyang gawin na ulam nila david.
Kinuha niya ang karneng baka, hinugasan pagkatapos binabad niya sa tubig. Sinunod naman niya ang manok binabad sa tubig. Naghanda siya ng pwede ilagay sa ulam na gagawin niya mamaya. Habang ginagawa niya ang paghahanda hindi nawawala sa kanya ang mga ngiti sa labi niya.
Hinanda niya ang brocolli pagkatapos ang karneng baka. Ginawa niyang pangdalawahan ang pagluto bito. Inuna niya beef steak sa pagluto at nilagyan niya ng kaunting anghang para masarap siya kainin. Sinunod niya ang isang beef steak pagkatapos nilagay niya ang brocolli na pinakuluan niya kanina sa mainit na tubig.
Pagkatapos sa beef steak na niluto niya sinunod naman niya ang manok nilagyan niya lang ng pinya pagkatapos sa pagluto niya ng ulam hinanda na niya ang mesa. Sakto naman at malapit ng alas dose. Nilagay na niya sa mesa ang mga ulam. Napangiti siya sa nakita niya.
Agad niya pinuntahan si David sa kwarto. Kinatok niya muna ito at kagaya kanina hindi naman siya sinagut nito. Dahan dahan niya Pinihit ang doorknob. Nakita niya si David busy ito sa laptop kaya dahan dahan niya binuksan ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/227569184-288-k977407.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Fiksi UmumBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...