MCH 4 🖤 Alam niya magluto

2.4K 60 4
                                    

Pinaandar ni David ang tv pero mahina lang ito dahil may natutulog.

Nagising si Michaela sa pag aakala niya na may tao nag uusap. Napatingin siya sa tv umaandar paglingun niya sa kabilang upuan si David na tahimik at nanunuod ng tv kaya napabangun siya bigla.

"So-sorry, nakatulog ako David" hingi niya ng paumanhin kay David pero tahimik lang ito.

"Sandali ka na ba? Sandali ipaghanda ko ang mesa. Dali dali siya tumayo at hinanda ang mesa. Tahimik parin si David nanunuod ng tv. Kinuha narin ni Michaela ang ulam na niluto niya kanina. Pinah init narin niya yung sabaw naiwan kanina madami pa naman.

Nilagay niya sa lalagyan ang ulam at sinunod niya ang isang ulam. Napatayo si David sa naamoy niya ang bango lang kasi sa ulam pagkakita niya sa ulam.

"Anung klaseng ulam ito?" Nagtataka siya dahil ito ang unang beses nakita niya sa pagkaluto.

"Steam fish tawag diyan David, yung isa lapu-lapu fish and yung isa tilapia fish. Same lang yan naka steam ang pagkaluto pero magkaiba. Try mo masarap yan." Inisip ni David na paano kainin yun.

"Ganito yan, kumuha ka tapos isawsaw mo sa fish sauce o sauce niya" kumuha rin si Michaela. Magkaiba ang pagkagawa niya sa steam fish.

Napatingin siya kay David kumuha rin at sinawsaw sa fish sauce. "Sino nagturo sayo magluto nito?" Takang tanung ni David. Kumuha narin siya ng kanin.

"Wala ako lang" tipid na sagut ni Michaela.

Yun lang pinag usapan nila hanggang sa natapos si David sa pagkain. Napangiti si Michaela na nakatitig kay David parang Prinsipe ang nakita niya sa subrang gwapo nito.

Tumayo na si David at sa kauna unahang pagkakataon first time ni David nakaubos ng maraming kanin. At busug na busug siya sa kinain niya.

May kinuha si Michaela sa ref isang lemon juice. "Ito inumin para mawala narin ang ubo mo" kumuha ng baso sa drawer si Michaela.

Binigay ni Michaela kay David ang isang baso. Napatingin si David asawa niya. Kinuha niya narin ang baso.

"Anu? Kamusta ka na? Okay ka na ba? Masakit pa ba ulo mo? Anu mainit kapa?" Sunod sunod na tanung ni Michaela sa asawa niya.

"Okay na ako" tipid na sagut ni David saka dinala ang isang baso na juice sa kwarto niya at iniwan si Michaela.

'Hindi ba siya marunong magpasalamat? Kahit thank you man lang? Di bali nalang kagustuhan ko naman to at kasalanan ko." Sabi niya sa sarili. Napatingin siya sa pinto ng kwarto sa asawa niya.

"Hindi rin naman ito magtatagal, mapapakasalan mo rin si Anica" sabi niya sa sarili.

Humiga na si David sa kwarto niya at ang dalawang kamay niya nasa likod ng ulo niya ginawa niyang unan. Humiga siya na tumihaya at ang mata nasa kisame nakatitig.

Sa totoo lanh kasi bago lang niya nakilala si Michaela, o mas madaling sabihin na hindi gaano kabago lang. Nakilala lang niya si Michaela sa birthday ni Anica isang beses sa bahay nila ni Anica. Unang kita palang niya kay Michaela ang bigat ng loob niya sa babae nahuhuli kasi niya ito na nakatitig sa kanya at kung mahuli niya kaagad naman ito nakatingin sa iba. Hanggang sa isang araw nagulat nalang si David na classmate na sila ni Michaela sa isang subject. Isang subject lang naman ito. Kaya ng minsan na sila nagkasalubong sa hallway hindi siya pinansin ni Michaela dahil hindi rin naman niya pinansin si Michaela. Madalas ang kasama ni Michaela ang friends nila ni Anica pero ng nalaman nila na may gusto si Michaela kay David nagbago ang lahat nilalayuan na siya ng mga ito.

Dahil bakit raw sa dami dami ng lalaki sa buong mundo si David pa ang nagustuhan niya? Mataas daw ang pangarap niya na hindi naman siya bagay kay David, wala naman siyang ginawa kundi magmahal lang pero bakit ganun?

Ng minsan umuwi si David sa kanila kinausap siya ng magulang niya na mag aasawa na daw siya dapat at ng makilala niya kung sino halos sinumpa niya si Michaela ng mga masasakit na salita, sinabi pa nga niya sa magulang niya na si Anica ang gusto niyang pakasalan at hindi ang bestfriend nito. Pero hindi pumayag ang magulang ni David kay Anica dahil ayaw rin naman nila kay Anica kaya sinabihan si David sa papa niya na dapat pakasalan niya si Michaela dahil kung hindi wala siyang makukuha na mana sa magulang niya kaya ang dating David na hindi lasinggero ngayun palagi na nag iinom.

Ilang oras na nakatingala sa kisame si David at ang nasa isip niya puro nagtatanung. Wala kasi sa postura ni Michaela na marunong siya magluto. Si Anica nga minsan na sila naglive in pero ni minsan hindi ito nakapagsaing ng kanin sa tinitirhan nilang bahay, ni pagluluto hindi nagawa ni Anica sa kanya. At siya pa mismo magluto sa kakainin nila ng hapunan. Ni pagprito ng isda nasusunog pa nga at ang layo ang liparan pag tinalsikan siya ng mantika. Masisira daw ang balat niya pero si Michaela?.

Heto siya busug na busug sa paghahanda ng hapunan nila. Ika nga material wife si Michaela.

Nagulat siya sa pag uwi niya sa bahay niya, pag alis niya dati pagbalik niya yun parin matataas na ang damo halos pumapantay sa bintana na pero ngayun. Nakalandscape ang labas at may mga bulaklak na. Sa loob din ang linis at ang bango, pinalitan ang mga kurtina parang masarap amuyin sa ilong ang bango sa loob ng bahay niya. Pagbukas niya sa ref kumpleto na ito ng laman at puno pa.

Napatingin siya sa pinto ng may kumatok at dahan dahan bumukas si Michaela pala.

"David nakainom ka na ba ng gamot?" Paalala niya sa gamot.

"Tapos na" kahit wala pa.

"Buti naman. Si-sige matulog na ako" saka sinara ni Michaela ang pinto.

Kailangan lang talaga niya pumasok sa kwarto niya dahil sumasakit naman ang gilid niya at ngayun heto siya namimilipit sa sakit. Kaagad niya kinuha ang gamot niya at ininom.

Gumising siya ng maaga dahil magluluto siya ng breakfast nila ni David. Chicken strip ang niluto niya, hotdog, fried egg na niluluto sa mainit na tubig, at french toast bread. Bumukas ang pinto at lumabas si David na halata kagigising lang.

Dumiretso ito sa banyo pagkalabas niya kaagad ito umupo sa mesa. "Kain ka na" sabi ni Michaela.

"David, aalis muna ako? Pwede? Uuwi muna ako samin kakamustahin ko lang ang pamilya ko" namimiss na rin niya ang pamilya niya.

"Sige" pagpayag ni David.

"Sa-salamat, uuwi rin ako mamayang hapun" excited na siya makita ang pamilya niya.

"Pwede rin hindi ka na babalik"

Napatulala si Michaela sa sinabi ni David sa kanya. "A-akala ko ka-"

"Akala mo hindi na ako galit sayo? Ganun ba yun kadali para sayo Michaela? Porket pinakasalan kita? Hoy Michaela wala kang maasahan mula sakin na pagmamahal dahil kahit kailan wala akong balak na mahalin ka, naiintindihan mo?! Si Anica lang ang pwede kung mamahalin, at ngayun hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na nakatali ako sa pesteng kasal na ito?!" Binagsak ni David ang baso pagkalagay sa mesa.

"Nakawala kang gana"saka tinalikuran siya. Pilit niya pinipigilan ang luha na pumatak.

"Hindi mo ba talaga akong kaya mahalin David? Kahit kaunti lang?" Pinigilan niya ang sarili na humagulhol. Napahinto si David at hinarap siya.

"Kahit kaunti? Michaela sa unang tingin ko lang sayo dati. Ayoko na sayo. Nakakadiri ka! Alam mo ba yun? May iba na akong mahal. At ikaw? Kahit mamatay ka pa hindi kita kaya mahalin at tanggapin" saka tinalikuran na siya ni David. Tuluyan na siyang humagulhul sa pag iyak.

"Patawad David, patawad kung minahal kita, patawad kung ikaw ang pinili at minahal ko, patawad kung kinuha kita sa bestfriend mo. Asahan mo darating ang araw na hindi mona ako makikita pa" saka niligpit niya ang pinggan at hinugasan pagkatapos lumabas siya sa gate.



My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon