Bigla tumawa si Danica.
"Anu napaniwala ba kita sa kwento kwento ko sayo? Isa kang malaking tanga Michaela. Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni David. Dahil sa simula palang kami na ang nagmamahalan at ikaw? Ume-eksena ka lang. Gets mo?!"
Saka tumawa ulit si Danica. Bumuntung hininga nalang si Mikay sa lihim. "Siguro nababaliw na siya". Sabi ni Mikay sa isip niya kaya tumayo siya at iniwan si Danica.
Naglakad si Mikay papasok ng elevator ng tinawag siya ni Danica at nilingun niya ito.
"Siguro ang akala mo nakipagbiruan ako sayo. Kaya gumawa karin ng mga kwento mo. Sige. Sayo yan eh. Pero ang sinabi ko sayo na wala na si David totoo yun. Pero kung ayaw mo maniwala eh di wag. Kung gusto mo bumisita kay David puntahan mo siya sa seminteryo" saka pumasok na si Mikay sa loob ng elevator.
"Anung tingin tingin niyo diyan? Umalis kayo!!" Pagsisigaw ni Danica pagkatapos lumabas na siya sa building.
Bumuntung hininga si Mikay sa nalaman niya. Hindi rin siya sigurado kung totoo ang sinabi ni Danica sa kanya dahil nga galit ito sa kanya.
Napatingin siya sa cellphone niya na nagriring. Si Andrie.
"Hi" sagut niya sa kabilang linya.
"Anung oras ka uuwi mik?" Tanung ni Andrie.
"Siguro mamaya pa bakit?" Tanung ni Mikay.
"Hmmn wala naman" sagut ni Mikay.
"Hey! Anything? Something wrong? Bakit malungkot boses mo?" Takang tanung ni Andrie.
"Wala naman. Medyo masakit lang ang ulo ko" sagut ni Mikay. Ayaw na rin niya sabihin kay Andrie ang nangyayari sa araw niya.
"Sige uminom ka ng gamot. Okay. Hindi pa kita mapuntahan dahil busy pa ako i'm sorry babe" sabi ni Andrie.
"Thank you sa always mo pag alala sakin. Sige iinom ako ng gamot mamaya." Sagut ni Mikay. Pagkatapos binaba na nila ang tawag.
"Manang si Andrie?" Tanung ni Mikay kay Manang.
"Hindi pa ho dumating ma'am. Ako na ang sasagut" sabi ni manang. Tumunog kasi ang telepono nila.
"Anu ho? Sige. Saan ho nahospital? Ah sige salamat pupunta kaagad kami diyan" sabay baba sa telepono.
Tumingin siya kay Mikay na puno ng pag aalala. "Bakit manang? Sino ba yung tumawag?" Takang tanung ni Mikay.
"Si-sir Andrie ma'am Mikay nasa hospital. Naaksidente" sabi ni Manang.
"Anu ho? Saan na hospital ho? Tara na" kaagad sila pumunta ng hospital sa sinabi ng tumawag sa kanila.
Dali dali sila pumasok pagkarating nila at dumiretso sa counter desk. "Nurse saan yung dinala dito yung bagong naaksidente.?" Tanung ni Mikay.
"Nasa emergency room pa ma'am. Umupo muna kayo" sabi ng nurse.
Tahimik lang si Mikay. Naglakad lakad sa gitna ng lumabas ang isang doctor galing emergency room.
"Sino ang kamag anak dito?" Tanung ng doctor.
"Ah doc girlfriend niya po ako. Kamusta na ho si Andrie? Anung kalagayan niya?" Kinabahan na tanung ni Mikay.
"Sa ngayun Miss wala pang malay ang boyfriend mo. Pero kailangan namin siya dadalhin sa o. r (operating room) dahil kailangan siya operahan sa bandang gilid niya may nasira kasi na buto niya at kailangan yun tanggalin."
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Ficção GeralBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)