Katatapos lang sa kasal nila Michaela at David sa huwes kaya ito sila bumabyahe papunta sa bagong bahay na titirhan nila. Nagdadrive si David ng tahimik kahit kaunting lingun man lang sa asawa niya hindi niya nagawa.
"David hinay hinay lang baka mabangga tayo" kinabahan si Michaela sa ginawa ni David mabilis na kasi masyado ang pagmaneho nito.
Mas lalo pa tuloy binilisan ni David ang pagdrive sa kotse niya. Napapikit nalang si Michaela at napahawak sa seatbelt sa subrang bilis sa pagtakbo ng kotse. Kunti nalang lilipad na ito sa ere. Hindi sinagut ni David si Michaela. Lumiko si David sa isang subdivision. Hindi kalakihan ang mga bahay dito tama lang sa dalawang tao, tatlo o apat na tao sa bahay titira o mas madali sabihin na bumuo ng bagong pamilya. Color coadding ang mga balay na pinasukan nila. Huminto ang kotse at lumabas si David sa kotse. Tinanggal ni Michaela ang seatbelt saka binuksan ang pinto ng kotse. Pagkababa niya sa kotse napatingin siya sa paligid. Ang tahimik ng paligid at medyo mainit pa ang araw. Napatingin siya sa gate na binuksan ni David. Sinara niya ang pinto sa kotse. Sumunod siya kay David pumasok sa gate ng makapasok na siya sa loob sumunod siya kay David na binuksan ang malaking pinto saka pumasok sa loob.
Pagkapasok niya sa loob ng bahay. Inikot niya ang paningin sa loob ng bahay. Si David naman dumiretso sa kwarto niya at iniwan si Michaela na nakatayo sa sala.
Maganda naman ang nasa loob ng bahay may kurtina na terno na malaki sa dalawang bintana at ang wallpaint sa loob color grey kaya hindi mainit tingnan kumbaga napaka lamig tingnan sa mata. May aircon ang sala at may sofa na isang malaki at isa na katamtaman lang ang laki hindi din maliit. May lamesa na pang apat ang upuan.
Napatingin si Michaela sa bumukas na pinto. "Diyan ang kwarto mo. May ref, may mga drawer diyan na naglalaman ng mga gamit sa pangkusina," kumuha ng malamig na tubig si David sa ref.
"Pwe-pwede ba na sa kwarto mo nalang ako matutulog? Hwa-hwag kang mag alala wa-wala naman akong gawin sayo" kinabahan na sabi ni Michaela. Kaya niya lang naman niya nagawa ito dahil mahal na mahal niya si David.
Tiningnan siya ni David na galit. "Hindi ka pa ba nakuntento Michaela sa ginawa mo sakin sa pag agaw mo sa bestfriend mo?"
Napahigpit ang paghawak ni Michaela sa sintido ng damit niya at pilit pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya.
"Tapos ngayun gusto mo tumabi ka sakin? Hindi ka pa nga nakuntento sa ginawa mo, ngayun gusto mo may mangyayari satin?"
Anu ba? Anu ba dapat ang sasabihin niya? Hindi naman talaga yan ang gusto niya. Wala gusto lang niya makita si David natutulog.
"Sorry David alam ko galit kayong lahat sakin dahil sa ginawa ko. Mahal lang kasi kita at sorry kung minahal kita."
"Si-sige okay lang may kwarto naman na bakante" saka binuksan ni Michaela.
"Sandali lang"
Nilingun ni Michaela si David.
"Bakit?" Takang tanung ni Michaela.
"Starting tomorrow ikaw na ang bahala dito sa bahay," kinuha ni David ang wallet niya.
"Ito, ikaw na bahala sa lahat ng gastusin dito"
May nilapag na twenty thousand na pera sa ibabaw ng lamiseta. Agad naman kinuha ni Michaela ang pera. "Dito tayo titira?" Tanung ni Michaela kay David na papsok na sana sa kwarto nito.
Nilingun siya ni David "bakit may reklamo ka?"
Umiling si Michaela kaagad. "Hihindi naman sa ganun kay-"
"Kaya lang anu? Sa bahay ka titira? Hindi naman yun para sayo. Kay Anica naman yun" saka pumasok na ito sa kwarto niya. Pumasok narin sa kwarto niya si Michaela.
Sinara ni Michaela ang pinto. Lumapit siya sa kama at hinay hinay na humiga pabagsak at pinikit ang mata niya kasabay ang pagtulo ng mga luha niya na kanina pa pinigilan.
'Mahal kita David, mahal na mahal. Sana mapatawad moko' sabi niya sa isip niya.
Inayus niya ang gamit sa closet niya pagkatapos lumabas siya sa kwarto para uminom ng tubig. Pagbukas niya sa ref wala itong laman. May laman man puro can beer at mineral water lang. Kumuha ng isang mineral si Michaela at dinala sa kwarto niya kailangan na kasi niya uminom ng gamot niya. Saka humiga siya sa kama at pinikit ang mata niya.
Nagising si Michaela ng maaga. Kumulo kasi ang tiyan niya kaya bumangun siya ng maaga. Tiningnan niya ang mga cabinet kung may laman ba ito na bigas bibili nalang siya ng ulam.
Napabuntung hininga si Michaela ng wala talaga siyang mahanap na makakain. Kumuha siya ng pera sa binigay ni David sa kanya kagabi at nag ayus saka lumabas ng bahay ng napansin niya.
"Umalis pala siya" napabuntung hininga si Michaela saka nag umpisa naglakad naghanap ng tindahan para mabilhan niya ng pagkain. Ng makabili na siya umuwi na siya kaagad at nagsaing. Pagkatapos niyang kumain naligo muna siya pagkatapos uminom ng gamot niya. Pagkatapos niya nagbihis umalis siya ng bahay para mag grocery. Dumaan muna siya sa Water at kuryente. Binayaran niya pagkatapos dumaan siya sa palengke para makamura. Sinigurado niya una binili ang mga lamas at bilog bilog na mga gulay pagkatapos dumaan siya grocery.
Kinuha niya ang mga gagamitin niya sa pagluluto lahat lahat, at kumuha narin siya ng karneng baka, itlog at iba pa. Ng makabayad na siya iniwan niya muna ito sa baggage counter at tinungo niya ang departmenstore. Napatingin siya sa may botique sinuot ito ng maniquin. Isang square pants na short hanggang tuhod na kulay baby brown at isang polo shirt na baby yellow ang color nito tapos ang sa may banda na braso kulay itim. Puro ito plain at tamang tama sa kay David. Kinuha na ni Michaela pagkatapos umuwi na siya. Sinabihan rin siya kagabi sa lugar nito kaya hindi siya naligaw hindi naman kasi mahirap eh ang lugar.
Walang pahinga ang ginagawa ni David sa office niya, lahat ng dapat pipirmahan at pipirmahan pa lamang niya kinuha na niya ito sa secreatary niya, kanina nagpatawag ng meeting sa mga board niya, binasa niya ang budget para sa project na gagawin niya. Ni paglingun niya sa cellphone o pagtingin hindi niya ginawa.
Hindi niya kasi lubos maisip kung bakit ginawa ito sa kanya ng bestfriend ng girlfriend niya.?
"Hey is there a problem?" Napaangat siya ng tingin.
"H-hi" nauutal niyang sagut sa dalaga na nakatayo sa harapan niya.
"I miss you love" sabay hinalikan siya nito sa labi.
"Miss you too sweety, but wait. Bakit hindi ka tumawag na pupunta ka ngayun dito sa office?" Nasa lap na niya ito nakaupo.
"Tawag? David kanina pa ako tawag ng tawag sa cellphone mo peeo hindi mo sinasagut" may halong tampo sa sinabi ni Anica.
Napatawa si David. "O' i'm sorry love, madami kasi akong ginawa kanina. Love you" sabi niya kay Anica.
"Love you too David" sagut ni Anica saka nilapit ni David ang labi niya kay Anica at nagsimula ng maghalikan.
"Miss you Anica" sabi ni David kahit mahina pero rinig ni Anica.
Matagal na silang may relasyon si David at Anica at mahal nila ang isa't isa pero ni minsan hindi pa sumagi sa isip ni David na papasok siya sa panghabambuhay na relasyon and yes may plan naman siya to get married kay Anica but not now. Hindi pa panahon.
Nakahanda na ang mesa at ang hinintay ni Michaela si David ang asawa niya. Nagluto siya ng beef steak kahit hindi niya alam favorite ni David.
Tumayo naman siya ulit ng may huminto na sasakyan baka kasi si David na yun. Pero ng bumaba hindi pala kaya bumalik ulit sa pag kaupo niya sa sofa si Michaela. Humiga siya hanggang sa nakatulugan na niya. Napabangun siya bigla ng maalala niya baka kasi dumating na si David at tumuloy nalang ito ng deretso at hindi na siya ginising, kinatok niya ang pinto sa kwarto ni David pero wala itong sumagut. Ng binuksan niya ang pinto walang tao. Sinara niya ulit ang pinto at tinungo ang kusina. Tinakpan ng mga pinggan ang kanin at ulam at bumalik ulit siya sa paghiga.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
General FictionBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...