Hindi kinikibo ni David si Anica mula ng nag away sila. Mabigat ang pakiramdam niya ng malaman niya umiinom pala ito ng pills sa lihim. Gusto pa naman niya magkaanak na. Matagal narin sila nag ipon ni Anica pero sa apat na taon sa pag iipon nila wala naman pinagbago si Anica.
Parang mas lumala pa nga ito eh. "Sorry Miss" hingi niya ng paumanhin. Hindi niya namalayan nakabangga na pala siya dahil siguro sa lalim ng iniisip ni David.
"It's okay" sabi nung nakabangga niya. Pag angat niya ng tingin sa nakabangga niya. Bigla bumilis ang tibok ng puso niya at natulala nakatitig sa babae sa harapan niya.
"Hi I'm David" pakilala niya sa sarili niya ng nakatingin sa nakabangga niyang babae. Ang ganda lang kasi sa suot nitong charcoal baby light color. Bagay na bagay sa kanya ang kulay ng damit niya.
"I'm Sheena" saka binigay ni David ang kamay niya. Pakiramdam niya uminit ang mukha niya. Siguro hindi naman nahahalata nito baka kasi namumula ang mukha niya.
"Nice meeting you David" sabi ni Sheena na hindi mawala ang mga ngiti nito sa mukha niya.
"Likewise" sagut din niya.
"Hey kanina kapa nakatingin sakin ah. Kung yelo pa ako baka natutunaw na ako" sabi ni Sheena.
Ngumiti si David. "Walang kupas ang ganda mo" sabi ni David ng mahina.
"May sinabi ka ba?" Tanung ulit ni Sheena kay David.
"Ah hehe wala ang sabi ko bagay sayo ang suot mo. Lumulutang ang ganda mo" yun ang totoo talaga.
Napatingin si Sheena sa damit niya. "Thank you" pasalamat niya na may ngiti.
Hindi parin tinitigil ni David ang pagtitigil kay Sheena.
"I have to go. Baka hinanap na ako" sabi ni Sheena sabay talikod kay David.
"Si-sige ingat" yun lang ang nasabi niya habang nakatalikod si Sheena. Nilingun siya nito.
At binigyan ng isang magandang ngiti pagkatapos umalis na. Nakatingin parin si David sa papalayong babae na bago niya kakilala.
"Pre, kanina pa kita hinanap" hindi umimik si David nanatili itong nakatingin sa dinaanan ni Sheena kanina.
"Teka sino ba yang tinitingnan mo diyan? Bakit parang Kanina kapa nakatingin tsaka wala naman tao?" Pagreklamo ni David.
"'Tara na nga kanina kapa hinanap" tumalikod narin si David at sumunod sa kasamahan niya.
"Sino yung tinitingnan mo pre?" Kyuryus na tanung ng kasama niya.
Patuloy parin sila sa pagliligpit ng mga gamit nila hatinggabi na kasi.
"Bakit may nakilala ka ba Pre sa party?" Kyuryus din na tanung ni Rijan.
Tahimik lang si David at napangiti ng hindi niya. Pakiramdam niya ang sarap ng pakiramdam parang nakakagaan at hindi niya alam kung bakit.
"Wala yun. Kaibigan ko lang yun aksidenti lang kami nagkita sa party nila" dahilan ni David.
Pero ang totoo sinadya niya talaga makipagkilala kay Sheena kanina. Iwan ba niya parang may nagtulak sa kanya kanina.
"Wow ganun Pre? Pakilala mo naman kami diyan" sabi ni Rijan.
"Wag na baka paghiritan niyo lang" depinsa ni David. Alam naman kasi niya na babaero si Rijan. May dating naman ito pero para sa kanya hindi pwede.
Pagkatapos dumiretso narin si David sa bahay nila ni Anica. Masyado ng malalim ang gabi sa pag uwi niya. Pagbukas niya ng gate walang ilaw. Ibig sabihin hindi pa nakauwi si Anica. Binuksan niya ang pinto saka pinailaw ang maliit na sala nila.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
General FictionBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)