3 months after
Nakatayo sa harap ng malaking salamin na full body si Michaela.
"Hey"
Tawag sa kanya ni Andrie may dala naman itong isang bouquet ng flowers. Halos nalang araw araw siya binibigyan ni Andrie.
Nilingun siya ni Michaela na may ngiti. "Ikaw palagi mo nalang ako binibigyan ng ganito. Baka masanay na ako nito Andrie" sabay halik sa pisngi nito.
"Nasa sayo yan." Sagut ni Andrie na nakatingin sa mata ni Michaela.
"Thank you, thank you sa lahat. Sa lahat lahat. And thank you kahit alam kung nahihirapan ka sa sitwasyon ko nandyan ka parin sa tabi ko hindi moko iniwan" pasalamat ni Michaela sa lalaki nasa harapan niya.
"Kaya ko naman maghintay Sheen, at nangyayari na. At salamat din dahil dumating ka sa buhay ko" sabi ni Andrie sabay yakap sa kanya.
Humiwalay ang dalawa sa pagkayakap. "Anu ready ka na?" Tanung ni Andrie sa kanya. Nalaman niya kasi doon nagtrabaho ang ex ni David.
Bumuntung hininga si Sheena. "Ready na. Isa pa wala naman akong magagawa" sagut niya.
Paikot ikot muna si Sheena sa harap ng salamin. "Okay na ba ang suot ko?" Umikot ulit si Sheena.
"Maganda ka naman kahit anung suotin mo" sagut ni Andrie.
"Dito tayo ma'am" sabi ng isang empleyado na sumundo sa kanya sa labas. Sumunod narin siya.
Napataas ng leeg si Avery na nakatingin sa likod ng dalawang babae. Kumunot ang noo niya ng may naalala siya.
"Paktay na" sabi ni Avery sa sarili niya. Agad siya tumayo at sinundan ang dalawang babae na naglalakad sa malaking hallway.
Napatakip ng bibig si Avery at huminto. "Paano na? Baka magkagulo. Pero imposible siya yun matagal na siyang patay at kung siya nga yun hindi ko na problema. Manunuod nalang ako ng show kung meron man." Sabi ni Avery sa sarili niya at nagkibit balikat pa ito. Saka tumalikod at bumalik sa dressing room niya.
"Okay girls tapos na kayo? Bilisan niyo dali!" Sabi ng isang organizer.
Agad naman lumabas ang mga model at nagmadali pumila. Kasama na si Anica. Si Avery naman tahimik lang nakiramdam kung anung mangyayari kapag nakita ni Anica si Michaela at kilala bilang Sheena.
"Okay girls" sabi ng isang nag organize sa kanila.
"Ah Miss Sheen ito na sila" sabi ng organizer at tumabi. Dahan dahan naman si Sheena lumapit sa mga model at tiningnan ng mabuti. Iniisa isa niya ito para sa gagawin niyang cover photo ng isang magazine. Madalas naman niya ito gawin na siya mismo ang pumipili para sa mga model at kasama nito sa picturial.
Napahinto si Sheena sa isang babae na nakayuko at inaayus ang damit niya. Tiningnan ng mabuti ni Avery kung anung magiging reaksyon ni Anica.
"Anica!" Sita sa kanya ng organizer kaya napaangat siya ng tingin sa organizer ng may nahagip ang mata niya.
Nilingun niya ito ng mabuti at tinitigan ng mabuti.
"Ikaw?!"
Laking gulat ni Anica sa nakita niya.
"Anung ginawa mo dito!? Paalisin niyo siya dito ngayun na! Ngayun na mismo. Wala kang hiya pagkatapos inagaw mo sakin si David at ngayun may mukha ka pang humarap sakin?!" Nanlisik ang mga mata niya sa mga sinasabi niya.
Agad nahawakan ni Sheena at pulso ni Anica na sasampalin sana siya.
Ngumiti si Sheena, "bakit Anica yan ba ang paniniwala mo na inaagaw ko sayo si David?" Sabay taas ng kilay ni Sheena na sinamahan niya ng isang ngiti na matamis.
"Bakit? Bakit hindi ba totoo? Kung hindi totoo patunayan mo sakin ibalik mo si David!"
Tahimik si Sheena na binitawan ang kamay ni Anica.
"Anica! Anung ginawa mo? Hindi ka ba nahihiya sa bisita natin? Tumigil kana!" Sabi ng organizer sa kanya. Naiinis kasi ito sa inasal ni Anica.
"Wow! Ako pa ang nahihiya samantalang siya ang may kasalanan sakin.! Hindi niyo ba alam itong babae nato nilandi niya ang boyfriend ko ng hindi ko alam. At ngayun hindi ko na alam kung saan na ang boyfriend ko na dapat magpapakasal na kami"! Pinanlisikan ng mata ni Anica si Sheena habang nagsasalita siya. Tahimik ang lahat na nanunuod sa ginawa ni Anica kay Sheena.
"Ang landi landi mo" sabay angat sa isang kamay ni Anica para sampalin si Sheena. Madaling nahawakan ni Sheena ang pulso ni Anica dahilan natigil ito sa ere.
Ngumiti si Sheena kay Anica ng pagkatamis tamis sabay bitaw sa kamay ni Anica. "Ako malandi? Nilalandi ko ang boyfriend mo? Para sa kaalaman mo hindi ko nilandi si David at lalong hindi ko nilalandi ang boyfriend mo. Kung pumayag man si David sa gusto ko dati. Siya ang nagdesisyon at hindi ako" natahimik si Anica.
"Anu ba ang pinuputok ng botse mo Anica? Masakit ba sa mata na makita moko?"? Hindi kumibo si Anica.
Nilapit ni Sheena ang mukha niya kay Anica at ngumiti. "Anu ba ang sinabi sayo ni David Anica? May pinangako ba siya sayo? Kung meron man hindi ko na yan concern" saka tumalikod si Sheena at humakbang ng paalis na. Huminto ito at lumingun ulit kay Anica.
Nilapitan ulit ni Sheena si Anica. "Wag ka ng umasa sa hinihintay mo, masasayang lang ang oras mo" saka umalis na si Sheena.
Naiwan si Anica na tulala sa sinabi ni Sheena sa kanya.
Lumapit si Avery sa kaibigan niya na may ngiti. "Anung sinabi ni Sheena sayo Nics?" Tanung ni Avery.
"Anica sa office" sabi ng head nila. Hindi na sinagut ni Anica ang kaibigan niya at sumunod sa head office.
Dumiretso si Sheena sa puntod ni David. Binaba muna niya ang binili niyang bulaklak at nagsindi ng kandila.
"Hi David" umpisa niya. Bumuntunghininga muna siya.
"Kamusta kana David? Ako kasi ngayun hindi ko alam kung okay lang ba ang dapat kung sasabihin o hindi. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Alam ko kasi sa simula palang mali na ang nagawa kung desisyon at may tao akong naapakan at nasasaktan sa desisyon na yun." Tumayo na si Sheena.
"Thank you sa pakikinig" saka umalis na siya sa puntod ni David.
Dumiretso siya umuwi sa bahay ni Andrie. Saka pumasok sa kwarto niya at natulog.
"Hey! Wake up" niyugyug ni Andrie si Sheena na mahimbing natutulog.
Tinigil ni Andrie ang pag gising kay Sheena saka tinitigan niya ang magandang mukha ng babaeng minahal niya. At ngumiti siya. Nilapit niya ang bibig sa noo ni Sheena at hinalikan ng dahan dahan.
Napamulat si Sheena ng dahan dahan sa mata niya. "Hi" bati niya sa lalaki na nakaupo nakatitig sa kanya.
"Kanina kapa? Nako pasensiya na medyo nakatulog ako ng malalim" hingi niya ng pasensiya kay Andrie saka dali dali tumayo at pumunta sa banyo.
Dali dali siya naghilamos at nagtootbrush.
![](https://img.wattpad.com/cover/227569184-288-k977407.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Genel KurguBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...