"Hinay-hinay lang Senyorita baka matumba kayo,"
"Kaya ko na ang aking sarali Manang," sabi ng dalaga habang lumalakad-lakad sa paligid ng bahay.
"Naku! Senyorita baka madulas kayo ang bilis mong lumakad!" humihingal na sabi ng matandang katulong na si Manang Ada habang nakabuntot sa dalaga.
Napangiti siya at hindi mapigilan na matuwa dahil sa wakas nakalabas siya sa bahay na hindi ang personal bodyguard ang kasama.
Mula kasi nang nagkamalay si Lexi at unti-unting humilom ang kanyang mga sugat at pasa sa katawan ay ang personal bodyguard o driver niya na si Ian ang umaalalay sa kanya para lumakad-lakad sa loob at labas ng bahay hacienda.
Kahit labag man sa kalooban niya na tanggapin na maging personal bodyguard muli ang binata ay hindi siya makatangi dahil ito ang gusto ng kanyang Ama nang makausap niya ito sa phone.
Isa pa, may malaking utang na loob siya sa binata kaya wala siyang magawa kung 'di tanggapin na lang ito."Bibitayin ako ni Sir Ian at doktor Zev kung malaman nila na lumabas tayo at pumuslit sa mga gwardya ng bahay hacienda," hamahangos na sabi ni Manang Ada sabay hawak niya sa kamay ng dalaga nang maabutan ito.
Kabilin-bilin ng dalawang lalake na 'wag siyang lumabas sa bahay kung hindi sila ang kasama. Pero ngayon nasa labas siya ng bahay hacienda na tanging katulong ang kasama.
Napapalatak si Lexi nang hilahin siya ng matandang katulong papasok sa gate ng bahay. "Sandali lang Manang, dito lang muna tayo sa labas. Ilang minuto pa lang naman tayo na lumalakad-lakad sa labas ah!"
Napahinto ang dalaga nang marinig ang mga yapak ng kabayo habang si Manang Ada ay nanlaki ang mga mata nang makita ang parating na dalawang lalake na sakay sa mga kabayo.
Hindi na sila makaiwas dahil malayo pa lang ay nakita na sila ng isang lalake na sakay dito.Mabilis na bumaba ang isang lalake mula sa kabayo nang huminto ito at seryoso na lumapit sa kanila.
Kahit hindi na umiimik si Mang Ada ay batid ni Lexi kung sino ang
dumating.
Alam niya na palapit na ito sa kanya dahil nalanghap niya ang familiar na pabango ng taong lagi niyang kasama."Bakit nandito ka sa labas ng bahay?" flat ang tono ng boses niya habang nagtatanong.
Napanguso ang dalaga. "Bakit bawal bang lumabas?"
"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Baka kasi mabanga ka at mapahamak," malumanay niyang sabi.
Napailing ang babae at lalong sumimangot. "Kaya nga ako nandito para masanay sa paligid!" inis siyang tumalikod sa lalake at lumakad. "Tingnan mo ako ha, ippapakita ko sa'yo na kaya kong pumunta sa pintuan ng bahay na mag-isa."
Lumapit sa kanya ang mga tauhan ng Daddy niya na nagbabantay sa paligid.
"Saan ba kayo pupunta Senyorita?" tanong ng isang tauhan nila.
Sumalubong ang kilay niya at marahas na nagpakawala ng malalim na hininga. "Pwede ba, pabayaan n'yo ako na lumakad na mag-isa? Kaya ko na ang aking sarili!"
Napakamot sa ulo ang tauhan nila at tumingin sa lalake na makatayo sa harapan ng dalaga. "Ay, ano po ang gagawin namin Sir?"
"Hayaan n'yo siya," buo ang boses na utos ng lalake.
Agad naman nagsibalikan ang mga ito sa kani-kanilang puwesto.
Napataas mg isang kilay si Lexi at nagtataka sa narinig. "Ano ang pinakain mo sa mga tauhan ni Daddy? Bakit kung tratuhin ka nila at kausapin ay parang Amo ka rin nila?"
Nagkibit balikat ito at hindi sumagot.
Nang wala siyang nakuhang sagut ay umirap siya sa hangin at bitbit ang sungkod ay nagma-martsang tinungo ang pintuan ng bahay.
Medyo may kalayuan ito mula sa gate pero diterminado ang babae na mapuntahan ito.
Ang totoo ay 'di siya sure kung natandaan niya pa ang papunta sa pintuan pero napasubo na siya kaya kailangan pangangatawan niya na lang ang kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...