Buong gabi ay payapa ang tulog ni Lexi kaya nang magising ito ay maaliwalas ang kanyang pakiramdam.
Wala siyang ano mang naramdaman na takot o kaba. Kumportabli siya na nakahiga sa kama pero nang akma siyang gumalaw ay natigilan siya.Bigla na lang nanigas ang katawan niya nang may mainit na hangin na tumatama sa kanya leeg
"TSK. TSK totoo ba ito o panaginip lang?" Kahit nakakunot ang noo dahil sa pagtataka ay nagsisimula na rin siyang kabahan. "Parang nangyari na ito sa akin noong nasa mansyon pa ako!"
Sinubukan niyang gumalaw pero nahihirapan siya dahil bukod sa nananakit pa ang kanyang katawan ay tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan.
Natutop niya ang kanyang bibig sa takot at pagkagulat.
Hindi siya maaring magkamali. Totoo ito at hindi isang panaginip.Marahan siyang nagpakawala ng malalim na hininga para mapakalma ang sarali.
Kahit medyo kinakabahan at may pagdududa sa isip ay unti-unti niyang binaba ang kanyang kanang kamay para makapa ang ano mang bagay na nakadagan sa kanyang tiyan.
Gusto niyang masiguro kung tama ang hinala niya na baka may katabi siya ngayon dito sa kama.Pero wrong move yata ang dalaga dahil iba ang nahawakan niya.
Napasinghap ang babae nang may mahaba at matigas na bagay siyang nahawakan.
Himpit siyang napatili nang tumayo ito na tila sumasaludo pa sa kanya!...
dahil sa pagkagulat ay nahampas niya ito.Boses naman ng lalake ang himpit na napatili sa sakit at bumagsak ito sa sahig.
Sapu-sapo ni Ian ang ulo na tumama sa sahig at dumadaing sa sakit ng kanyang ano.
Namimilog ang kanya mga mata na tumingin sa paligid.
Habang si Lexi ay mabilis na nakatalakbong sa kumot na nakapa niya sa gilid ng kama.Bigla na lang bumukas ang pinto ng silid at iniluwal ang naalipungatan na si Zev.
"Anong nangyari?"pupungas pungas na wika nito pagkapasok sa silid.
Napakagat labi ang dalaga habang mahigpit na nakahawak sa kumot na nakatakip sa kanya.
Parang gusto niya na lang na lamunin siya ng kama na hinihigaan niya dahil sa hiya.
Kahit bulag siya ay alam niya kung ano ang bagay na iyon. Hindi pa naman niya ito nakita o nahawakan sa personal noong makakita pa siya pero sigurado siya na maling bagay ang nasagi niya.."Oo, nasagi ko lang iyon at hindi sinasadya.." iyan ang pilit niyang sinisiksik sa kanyang isip. "Hello! Bulag naman ako at malay ko ba na iyon ang mahawakan ko? "
Hindi ko naman sinasadya iyon at wala akong balak sadyain iyon.
Gusto ko lang naman na tiyakin kung totoo bang may nakatanday sa akin.""Hey, kailan ka pa nagka-interest na humiga sa matigas na sahig Bro?" gusot ang mukha ni Zev habang nagtatanong kay Iann.
Salubong ang kilay ng lalake habang hawak ang gitna ng dalawa niyang hita.
Pilit itong tumayo at napaharap kay Zev na may matalim na mga mata.Nginisian lang siya ng kaibigang doktor.
Napabaling naman ang tingin ni Ian sa kama kung saan nakatalakbong ng kumot ang babae.
Umikting ang panga niya habang nakatitig sa babae pero 'di nagtagal ay bigla siyang namutla habang si Zev ay lumaki ang mga mata sa kanilang nakita.
Ang puting kumot na nakatabon sa dalaga ay unti-unting naging pula.
Mabilis niyang binuklat ang kumot at at tumampad sa kanya ang namumutlang mukha ni Lexi at tumatagos ang dugo mula sa kanyang ulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/182531290-288-k988674.jpg)
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...