24:

15 0 0
                                    

Pagkapasok ko sa silid ay hindi mawala ang ngiti ko. Napuno ng kasiyahan ang puso ko.

That's my first kiss.

Lumawak ang pagkangiti ko nang mapansin ang pink na backpack na dala ko kanina. Maayos itong nakapatong sa kama.

Naupo ako sa gilid ng kama at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng silid.
Ang laki ng Guestroom na ito. May walking closet at may malaking kama sa loob. May bedside table na may nakapatong na White lamp at sa uluhan ng kama ay may malaking abstract painting na nakasabit sa dingding.
Napatingin ako sa isang sliding door na malapit lang sa pintuan ng banyo.
Tumayo at lumakad ako patungo sa sliding doors palabas ng balcony. Doon ay tanaw ang batis sa labas. Habang nakatingin doon ay nakaramdam akong pamimigat ng dibdib.
Iniwas ko ang aking paningin doon at  tinuon ang tingin sa paligid ng bahay hacienda.
Meron silang malaking espasyo sa likod ng bahay. May mga tanim na iba't ibang bulaklak at herbal plants at meron ding maliit na bahay. Iyon siguro ang tinatawag na servants quarters.

Napahugot ako ng hininga at napatingala sa langit na ngayon ay dumidilim na. Pilit kong winawaksi ang bigat na naramdaman.
Pero napahugot ako muli ng hininga at napanguwi dahil sa pagkirot ng aking ulo.
Napahawak ako sa railings ng balcony.
Nakagat ko ang aking labi at mariing napapikit dahil sa sakit.
Lalong humigpit ang pagkahawak ko sa railings dahil tila naririnig ko ang boses ni Tita Marie na nagrereplay sa utak ko.

Dahan-dahan na iminulat ko ang aking mga mata at pilit pinakalma ang sarili habang hinihilot ang ulo.
Pero pagmulat ko ay nanlaki ang aking mga mata at napaatras dahil tumampad sa akin ang mukha ng aking INA...

Nakatayo siya sa ilalim ng balcony sa harap ng servants quarter.
Malamlam ang mga mata niya habang may gumuguhit na ngiti sa mga labi niya.

Halos lumuwa ang mga mata ko at hindi makakilos, parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa pinaghalong imosyon. Nanginginig yung mga labi ko. Pumatak na ang mga luha ko.

"N-NAY..." garalgal na sambit ko.

"Ay... Ma'am Ela! Ano ba ang nangyari sa inyo diyan?"

Umawang sa pagkabigla ang mga labi ko. "Ah, M-Manang Ada..." nangangatal na wika ko.

Gusot ang noo ni Manang Ada habang nakatingala sa balcony. "Napaano po ba kayo diyan Ma'am? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Natigilan ako at napakurap-kurap. Hindi ko na magawang sagutin ang mga tanong ni Manang Ada dahil kusang umatras ang mga paa ko pabalik sa loob ng silid.

Pagdating ko sa loob ay agad akong napasalampak sa sahig dahil namamanhid na ang aking buong katawan.
Napahikbi ako at sumubsob sa aking mga palad. Lahat ng naramdaman ko ay ibinuhos ko sa pag-iyak. Nanginginig ako at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Nanay Marina at wala sa sariling nagsasalita sa kawalan.

"Alam kong masaya ka na ngayon Inay dahil nandito na ako. Sinunod ko ang gusto ni Tita Marie na marahil iyon din ang gusto mo.
Handa na akong harapin sila, handa na akong sabihin ang lahat at magpakilala sa kanila.
Bahala na kung ano ang mangin reaksyon nila. Ang mahalaga ay masabi ko ang katotohanan bago mahuli ang lahat..."

Tinipon ko ang natitira kong lakas at pilit na bumangon.
Napahawak ako sa kanto ng side table dahil pakiramdam ko ay mauubos ang hininga ko.

Hinila ko ang aking backpack at kinuha sa loob ang pink na pouch."
Agad ko na hinugot ang painkiller na lagi konginiinom kapagsinusumpong. Kinuha ko rin ang natira na mineral water na baon kanina sa biyahe.
Pero muntik na ako mabulunan nang bigla na lang bumukas ang pintuan at bumungad ang nag-alalang mukha ni Zev.

" are you OK Mahal?"

Pasempleng isiniksik ko ang aking pouch sa alalim ng unan saka pilit na ngumiti.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon