Chapter 8.

84 52 24
                                    

Nagising akko sa isang kuwarto na puro puti ang nakikita ko.
Maaring nasa hospital ako dahil may dextrose ang kabila kong kamay.

Naalala ko na ang nangyari sa akin doon sa simbahan.)) Bigla na lang dumilim ang aking paningin habang kaharap ko sina Miss Lexi.
Baka nawalan ako ng malay kaya nandito ako ngayon sa kuwartong ito.

Bumangon ako at binunot ang dextrose na nakakabit pa sa kamay ko.
Kailangan na makaalis na ako at makauwi sa bahay.

Kahit nahihilo pa ako at masakit pa ang aking katawan ay pinilit kong na lumakad patungo sa pintuan.

Ayo kong maabutan nila ako.
Alam ko na sila ang nagdala sa akin dito sa hospital.

Nang mabuksan ko ang pinto, mabilis akong lumabas at dalidaling lumakad palayo sa kwarto.

Pero muntik na ako matumba kung hindi ako nahawakan ng tao na nasa likuran ko.

Lumingon ako sa likuran ko at tumampad sa'kin ang isang napakagwapong doktor.

"Hi, why did you come out from your room?"

"Ahh, ha?" tila humurong ang dila ko.
Ano ba ang idadahilan ko sa kanya?

"Please, bumalik ka na sa kuwarto mo dahil kailangan mo pa ang magpahinga!"

"Ay, eh dok, okay na ako at gusto ko ng umuwi,"

Tumaas ang kilay niya. "Are you sure?"

"Oo, maayos na ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko sa kanya pero ang totoo ay masakit pa ang aking katawan at nahihilo pa ako.

"Actually, I'm a doctor. Alam ko kung magaling na o hindi ang mga pasyente ko!"

"Pero dok, gusto ko ng—" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong umangat sa hangin.

Napatulala ako sa ginawa niya at ang bilis ng tibok ng puso ko!

pumasok kami sa loob ng kuwarto na buhat niya ako.
Maingat niya akong pinahiga sa kama habang hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng doktor na ito.

Bakit ginawa niya ito?

Bakit binuhat niya ako?

Bakit parang naging abnormal yata ang pagtibok ng puso ko?

Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango at tila lutang ang isip ko na nakatingin sa kanya.

"Hey! Baka matunaw na ako sa titig mong iyan ha!"

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya imiwas ko ang aking paningin sa ibang direksyon.

Pero naramdaman kong may kamay na humahawi ng ilang hibla ng buhok ko na bahagyang nakatakip sa aking mukha.

Nilingon ko siya at nasalubong ang kanyang mga titig!
Iba siya kung tumitig, tila sinusuri niya ang aking buong pagkatao.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko mang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

"Ay! Ahh, ano ang g-gagawin  mo sa akin d-dok?" kinakabahan kong tanong.

Ramdam na ramdam ko na ang init ng hininga niya sa gilid ng ulo ko!;!

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon