Nang dumating ako sa kumpanya ay nakita kong abalang-abala ang mga empleyado sa kani-kanilang mga trabaho.
Bawat madaanan kung empleyado ay bumabati sa'kin habang sila'y nakangiti.
Halos hindi din ako makapag-pahinga sa dami ng mga papelis na pepermahan ko.Halos magkakamdarapa ako sa paghahabol sa kabi-kabilang meetings na dinadaluhan ko, parang matutuyo na ang lalamunan ko dahil sa pakikipag-usap ko sa mga ka-meetings ko.
Ilang linggo rin na abalang-abala ako sa kumpanya. Pero ngayon ay maayos na ang mga schedules ko.
Pero nandito na naman ako sa opisina ko at nag-rereview ng mga files at mga emails ko, puro Business matter lang naman ang laman nito.Na hinto ang ginagawa ko nang may kumatok sa pinto ng aking opisina.
"Yes, come in," pormal kong sabi.
Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa'kin ang napakaaliwalas na mukha ng aking ama.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"O God Dad I miss you so much!" parang maiiyak kong sabi.
"Hey baby! bakit
Parang maluluha ka diyan ha?" nangingiting sabi ni Daddy sabay yakap din sa'kin."Ikaw kasi Dad eh, sa pitong buwan mong na wala rito, ay akala ko hindi mo na ako babalikan!"
"Hindi mangyari iyan, ikaw lang ang nag-iisa kong anak at nag-iisang prinsesa ng buhay ko!" sabay niyang ginulo ang buhok ko.
"Ay naku binubula mo na naman ako Dad eh!" Natatawa kong sabi.
Pagkatapos ay umupo kami sa table chair at pinag-usapan namin ang tungkol sa pakay ni Daddy kung bakit siya pumunta sa U.S.
Bukod kasi sa Business namin na naroon at pagbisita niya kay Grandma, ay may mas mahalagang pakay pa siya doon.Iyon ay ang kasunduan ng aking pamilya sa isang mas mayamang pamilya at kilala sa iba't-ibang bansa kung negosyo ang pag-uusapan.
Sa katunayan ay isa sila sa may pinakamalaking shares sa kumpanya namin.Pero ang kasunduan na iyon ay hindi ko sinang-ayunan.
"Dad please! Kakarating mo pa lang, pwede bang huwag muna natin pag-usapan ang bagay na iyan?" mahinahon kong sabi.
"Baby I know you do not want it but,"
"Tama na Dad please!" pagputol ko sa iba pa sana niyang sasabihin.
Alam naman ni Dad na kung ito ang aming pag-usapan ay lagi kami nagtatalo.
Ayo kong sumunod sa kanilang kasunduan, kahit ano man ang mangyari ay hindi ako papayag."I'm doing it for you, gusto ko lang na mailagay ka sa mabuting kamay," paliwanag pa niya.
"Pero wala akong nakikita na kabutihan sa kasunduan na iyan! Higit sa lahat wala akong pakialam kong ano man ang pinag-usapann ninyo noon!" pasigaw kong sabi sabay hampas ng aking kamay sa mesa.
Nagulat naman si Daddy sa ginawa ko at namumula na rin ang mukha ko dahil sa inis.
Nakikita ko si Dad na hinihilot niya ang kanyang sintido at tila kinapakalma ang sarili.
"I'm sorry Dad kung nasigawan po kita kanina! Pero PPlease pabayaan mo na ako na mag-disisyon para sa sarili ko, hayaan mo na ako ang pumili sa tao na makakasama ko sa habang buhay!" umiiyak kong pakiusap kay Daddy.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dad na parang sumusuko.
Naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ni Daddy at hinahaplos ang aking likod.
Ramdam ko na mahal na mahal ako ni Daddy! Kahit pa noong bata pa ako, kapag-umiiyak ako noon agad niya ako yayakapin at punasan ang luha sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...