21:

9 0 0
                                    

Hi! Merry Christmas every body!

*****

"Sige pa senyorita. kumain ka pa," saad ni Manang Ada sa akin habang kumakain ng hinog na mangga.

"Tamang-tama ang pagpunta natin dito kasi harvest ng mga taniman ninyo," si Mang Binoy.

"Subrang tamis ng mangga Manang, Mang Binoy. Hindi ko akalain na may mga taniman na mangga rito," nangingiting sabi ko habang kinakagat ang isang slice na mangga.

"Maganda ang mga produkto ninyo rito Senyorita. Sa katunayan ang mga prutas at mga gulay na galing sa hacienda ninyo ay ini-export pa sa iba't ibang lugar," dugtong ni Mang Binoy.

Lumawak ang aking ngiti. "Eh, ganoon ba. Noon pa man ay naririnig ko na ang tungkol sa aming hacienda pero hindi ko akalain na ganoon pala kasagana ng mga pananim dito."

Nandito kami ngayon nakaupo sa malapad na picnic blanket sa damuhan.
Naririnig ko ang masaya at tawanan ng mga tauhan namin sa hacienda na nasa paligid habang nagha-harvest.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa labis na tuwa. Pakiramdam ko nakikita ko ang mga ngiti ng mga tao rito.
Ramdam ko ang sariwang hangin at at ang bango ng paligid hindi lang dahil sa mga mangga na pinipitas nila kundi dahil din sa iba't ibang bungang-kahoy sa paligid.

"Alam mo ba Senyorita, mula sa kinaroroonan natin ay matatanaw dito ang malinaw na batis," masigla na sabi ni Manang Ada.

"Ah, oo nga Senyorita. Dahil sa lumalaking pangangailangan para sa irigasyon sa taniman ninyo ay ang batis ang ginamit para kunan ng tubig," sabi pa ni Mang Binoy.

Nagliwanag ang mukha ko at napatayo sa aking kinauupuan. "Batis? You mean, river? Punta tayo doon Manang," excited na sabi ko.

May biglang pumigil sa aking balikat. "Nakong, bata ka! Ang dali mo namang ma-excite. Upo ka muna diyan dahil abala pa kami sa pamimitas ng mga mangga."

Bagsak ang balikat kong napaupo muli sa picnic blanket na nilapag sa damuhon at saka napanguso.

"Huwag kang mag-alala Senyorita, makapunta ka rin doon balang araw," sabi ni Mang Binoy na tila hinaalo ako.

Mariin akong napapikit at natahimik.
Bigla na lang sumagi sa isip ko si Daddy.
Noon pa man ay gustong gusto kong pumunta sa hacienda namin pero ayaw ni Daddy.
Pero ngayong bulag na ako ay dinala niya ako rito.
Ngayon pa! Hindi ko na nakikita ang paligid at hindi ko na ma-appreciate ang ganda ng aming hacienda.

May pumatak na luha sa aking pisngi na agad ko namang pinahiran gamit ang palad.

Alam ko naman na dinala lang ako rito ni Daddy para i-tago sa mga dumukot sa akin. Naintindihan ko naman iyon
kaya lang, hindi ko maiwasan na magtampo sa kan'ya dahil hindi man lang niya ako hinintay na magising bago siya umalis.
Tanging sa cell phone ko lang siya nakakausap pero para sa akin hindi sapat iyon.

Buong hapon ang pagha-harvest nila samantala ako ay tila tinamad na.

Mabigat ang loob ko na umiwi sa bahay at nawalan ako ng ganang mamasyal.

"Ah, Senyorita gagawa ako ng mango float para may dessert mamayang hapunan," si Manang Ada.

"Ikaw ang bahala Manang. Oo nga pala, ayo ko nang kumain mamaya dahil busog na ako," tamad na sagot ko sa kanya at pagkatapos tinalikuran ko siya.

"Ay, bukas pala Senyorita maaga pa tayo aalis," pahabol na sabi niya pa.

Saglit ako napahinto. "Bakit Manang, saam tayo pupunta?"

"Sa batis. Tutulungan tayo ni Binoy na makapuslit muli sa mga bantay,"

Napabuntonghininga ako at saka marahang tumango.
Tinalikuran ko na siya muli at pumasok sa aking silid.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon