23:.

17 0 0
                                    

Ela's POV:

"Wow, ang sarap naman ito Manang," saad ni Zev habang kumakain.

"Salamat dok, na miss mo agad ang luto ko ha!"nakangiting sabi ng matandang katulong.

Napahalakhak si Zev. "Oo nga Manang. Na miss ko ang mga sariwang gulay lalo na ang mga prutas at mga native food na nandito Manang," pagkatapos magsalita ay napabaling ang tingin niya sa akin.

Nangunot ang noo niya nang makita na halos hindi ko nagalaw ang mga pagkain sa akin harapan.

"Ah, hindi mo ba na gustuhan ang pagkain Ma'am?" tanong ng katulong habang nakatingin din sa akin.

Mabilis na umiling ako at ngumiti. "G-Gusto ko po. Kaya lang medyo sumasakit lang ang ulo ko."

"Mahal, kumain ka ng kahit kunti lang." Malamlam ang mga matang tumitig si Zev sa akin. "Gusto mong subuan kita?"

Napakurap ako at gumapang ang init sa aking mukha. "H-Hindi na Zev," pagkasabi ay agad kong kinuha ang kutsara na may lamang pagkain at isinubo sa bibig ko.

Sumilay ang ngiti sa mga mapupulang labi ni Zev. "Pagkatapos mong kumain, pwede kang magpahinga sa guess room. Alam kong pagod ka sa biyahe."

Marahan akong tumango at tahimik na kumain. Pero napaangat ako ng tingin sa pintuan ng kusina dahil sa isang babae na biglang pumasok, nakatalakbong siya sa itim  na jacket.
Nang inilis niya ito ay  umawang ang mga labi ko sa pagkabigla. Tumambad sa akin ang maamo niyang mukha at nakasuot ito ng above the knee na sky blue shirt-dress, galing siya sa likod ng bahay.

Uminit ang gilid ng mga mata ko. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib. Mabilis ang tibok ng puso ko.

"Oh, hi!" bati ni Zev na agad naman nagpaliwanag sa mukha ng babae.

Napatayo si Zev at humakbang para salubungin ang babae. Napatawa si Zev nang dambahin ito ng babae ng mahigpit na yakap.

"Ay, akala ko hindi ka na babalik?" Sumimangot siya. "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

Kumilos siya mula sa pagkakayakap sa babae at pagkatapos ay ginulo ang basang buhok nito. "Gusto ko mang magpaalam sa iyo pero sinabihan ako ni Ian na tulog ka pa at puyat raw!"

Humaba ang nguso  ng babae pero kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

Nangangatog ang tuhod na tumayo ako at marahan na lumapit sa kanya. "L-Lexi..." mahina na tawag ko sa kanya.

Natigilan siya nang marinig ang boses ko na tumawag sa kanyang pangalan.

"A-Ay, E-Ela?" Natigalgal siya at parang hindi makapaniwala. " Totoo ba ang narinig ko o guni-guni lang?"

"Totoo, L-Lexi..." Nanubig ang mga mata ko. "Nandito ako!"

Hindi ko na pigilan ang aking sarili, nilusob ko siya ng mahigpit niyakap.
Gumanti siya at mahinang napahikbi
Sa unang pagkakataon ay nayakap ko siya na hindi tumututol at hindi niya tinaboy.

"A-Ela... totoo nga nandito ka..." Pumiyok ang boses niya. "S-Sorry, sorry sa pinakita kong hindi maganda sa iyo noon!"

Hinagod ko ang likod niya. "Tahan na Lexi. 'Wag ka nang umiyak! Okay lang iyan sa akin. Naintindihan kita, hindi ako galit sa iyo at kahit ilang beses mo pa akong itataboy ay hinding-hindi ako lalayo sa iyo!" garalgal na sabi ko.

Biglang tumikhim si Zev. "Huminto na ang malakas na ulan pero mukhang babaha pa yata rito ng mga luha ah!"

Kahit may mga luha ang mga mata namin ay gumuhit pa rin ang ngiti sa mga labi namin ni Lexi dahil sa biro ni Zev.
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Lexi at tumitig ako sa luhang mga mata niya habang marahan na umiling.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon