Lexi's POV:
"Lola, baka magalit si Daddy kung umalis tayo na hindi magpaalam?" nag-alalang sabi ko.
"Huwag kang mag-alala iha, ako ang bahala kay Daddy mo. Isa pa nasabi ko na sa kanya noon pa na gusto kong magbakasyon sa hacienda na kasama ka," kampanteng sabi niya.
"Pero hindi po siya pumayag,"
Narinig kong huminto siya sa paglagay ng mga gamit ko sa maleta at umupo sa tabi ko.
"Oo, ayaw niya na dalhin kita doon pero wala siya magagawa kung gusto ko at clear naman ang lahat ng mga check up mo nang pumunta tayo sa hospital.
So, pwede ka na makabiyahe kahit saan ang gusto mo," seryosong sabi niya."Ah Lola, pwede ba akong magtanong sa iyo?"
"Hmm?"
"Ah eh, bakit parang ayaw ni Daddy na pumunta ako doon sa hacienda?" Bigla siya na tahimik. "Mula kasi noong bata pa ako ay hindi niya ako dinala doon.
Marami na akong narinig tungkol sa hacienda natin pero kahit kailan hindi ko na kita ang lugar na iyon."Bigla niya akong hinawakan sa braso ng mahigpit.
"Ano ang narinig mo tungkol sa hacienda ha?" mahina ngunit may diin sa kanyang tono.
Napangiwi ako sa sakit at nagulat sa ginawa niya. Bakit bigla na lang siya nagalit?
"Ah, Lola! nasasaktan po ako!" pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa akin.
Binitawan niya ako at niyakap na parang nahimasmasan.
"I'm sorry iha, P-please forgive me iha!" natataranta niyang sabi.
Hindi ko maintindihan si Lola, bakit biglang nagbago ang mga kilos niya?
Tinulak ko siya at lumayo sa kanya.
Sumiksik ako sa gilid ng kama ko at umiiyak. "Akala ko kakanpi kita? Pero isa ka rin sa kanila Lola!
Akala ninyo dahil bulag na ako ay hindi ko maramdaman na may tinatago kayo?""Ah iha, huwag kang magalit sa akin!" pakiusap pa niya.
"GET. OUT!"
"Ay, A-ano?" kanda utal utal na sabi niya.
" leave me alone!" malakas kong sigaw sa kanya.
Mabilis siyang lumabas sa kuwarto ko habang umiiyak.
Bumuhos ang mga luha ko at hindi mapigilan ang sarili na magwala!
Pinagbabato ko ang lahat ng mga gamit na makapa ko at mahawakan.
"What happened here?" boses ni Daddy ang aking narinig.
Pinigilan ni Daddy ang kamay ko nang akma kong i-bato ang nakapa kong figurine. "Pwede ba, bitawan mo ako!"
Kinuha niya sa aking kamay ang figurine at saka ako binitawan.
Napaupo ako sa sahig at napaiyak nang malakas!"Ahh, please baby! Tahan na alam mo na ako ang nasasaktan kung nagkakaganyan ka!" Niyakap niya ako at naramdaman ko na may mainit na likudo natumulo sa balikat ko. "Pangako ko sa iyo baby na gagawin ko ang lahat na maibalik ang nawala sa iyo!"
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...