Kabanata 23

21 1 0
                                    

[Kabanata 23]

Pagkapasok ko ka-agad kong nakita ang isang ginang na parang galing sa phone call dahil gulat siyang napatingin sakin.

"I'm Lucas-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang ngumiti at hinatak ako papasok ng room.

I saw a woman lying at the hospital bed. Pale lips, maraming tubo ang nakakabit at hinang-hina ang katawan. But overall she's beautiful.

Tinitigan ko ang babae ng mataimtim hanggang sa mamukhaan ko siya. Kinusot ko ang mata ko para ikompirma pero totoo talaga di ako namamalikmata.

She's....she's.....hell no! this is not happening

Oh my goodness.... Siya ba yung babae na napanaginipan ko kagabi?... Yung babaeng tinatawag akong 'Mahal ko' at 'Asawa niya'.... I don't understand... What's happening here.

Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako habang nakatingin sa babae ng biglang tinapik nung ginang ang aking balikat.

"Ayos ka lang ba, Hijo? bakit ka naka-tulala?" tanong niya sa akin.

Tinanguan ko lang siya at nginitian ko ng bahagya. Ilang minuto akong nasa tabi ni Mary Ann dahil bumaba muna yung ginang na nagbabantay sa kaniya kasi wala pa itong kain at bigla naman siyang gumising at tumingin sa akin.

"L-Lucas..." mahina at nakangiti nitong sabi sa akin.

"How are you?" tanong ko sa kaniya at ngumiti siya ulit.

"Ayos lang ako tutal nabibilang nalang yung araw ko dito sa mundo" ng sinabi niya iyon para akong nag-alala ng husto sa kaniya.

"H-hindi mo ba talaga ako kayang... p-pakasalan?" nauutal niyang salita at napayuko nalang ako.

Bigla niyang hinaplos ng mahina ang pisngi ko at iniharap sa kaniya.

"P-Pwede.... bang k-kahit bantayan m-mo lang ako dito... hanggang sa huling hininga ko? p-pwede ba?" habang pinapaki-usapan niya ko ay may mga namumunong luha sa kaniyang mga mata.

Tumango lang ako at para akong nasiglahan ng hindi niya ako pinilit na pakasalan siya.

"Friends?"

"F-Friends..."

Ilang oras din kaming nag kwentohan ni Mary tungkol sa aming buhay at kahit mahina ang kaniyang boses ay nagawa pa din niyang tumawa kahit kaunti, bigla nalang dumating ang ginang na nagbabantay kay Mary at nagpaalam na ako dahil meron pa kaming klase bukas at sinabihan ko siyang babalik ako bukas pagkatapos ng aming klase tumango naman siya at nagpahinga na ulit.

Nang maka-uwi na ako sa bahay ay hindi pa din ako makapaniwala na ang babaeng napanaginipan ko ay kamukha ni Mary at hindi din mawala sa aking isipan kung bakit niya ako tinawag na asawa.

Hayssttt.....

Humiga ako ka-agad dahil sa sobrang pagod at oras na din upang magpahinga dahil wala naman akong gagawin ngayon.

"Binibini, labis ang pangungulila ko sa iyo dahil hindi kita nakita ng ilang araw" nahihiya kong tugon at bigla namang ngumiti ang babae na sobrang labo ng mukha.

"Pasensya ka na Ginoong Joaquin, pero sobrang saya ko na dito kita makikita sa tagpuan natin" nakangiti nitong tugon kahit na malabo siya.

"Naiintindihan kita, Mahal ko alam kong maraming tutol sa ating relasyon pero naging matatag pa din tayo hanggang ngayon" yayakapin na sana ako ng babae ng biglang may pumutok na sobrang lakas.

Bigla nalang akong nagising dahil sa nangyari, kinakabahan at pinapapawisan ako sa hindi ko malamang kadahilanan.

Napanaginipan ko na naman siya pero bakit malabo ang kaniyang mukha hindi ba't kamukha iyon ni Mary.

Naalala ko ulit yung mga nasabi ko parang kung may anong nag kontrol sa akin at nasabi ko iyon lahat at habang lumalabas sa bibig ko ang lahat ng aking mga sinabi ay sobrang gaan ng loob ko sa kaniya.

Na para bang tunay at matagal na akong nangungulila sa kaniya at gusto ko siyang makita.

Hindi din mawala sa isip ko kung ano na ang nangyari pagkatapos nung may narinig kaming malakas na putok at nakaka-sigurado ako na malaking baril iyon.

Nang matauhan na ako sa lahat ng mga iniisip ko, hindi ko namalayan na malapit na akong ma late sa klase, may exam pa kami ngayon at kailangan ko ng magmadali.

Naligo, nagbihis at hindi na ako kumain sa bahay kasi ayaw kong mahuli baka pagalitan ako ng Prof. namin.

Pagdating ko sa school ay muntik na akong ma late buti nalang ay hindi pa dumating si Prof. kaya nakapag study ako ng kaunti.

After class dumiretso na ako sa Canteen upang kumain kasi nagugutom na ako, ang kasabay kong kumain ngayon ay ang mga tropa kong sina George, David at Jerome.

"Bro, did you visit her?" tanong ni David at tumango naman yung dalawa na pareho lang ang mga tanong sa akin.

"Yes, we've talked a lot about life and batid niyang hindi ko pa gustong ikasal kaya naintindihan niya naman ako at pinakiusapan din niya akong bantayan siya hanggang sa huli niyang hininga" pag-e-explain ko sa kanila.

"That's good to hear, Bro Congrats" sabi ni George at ngumiti.

Later on may tumawag sa akin at hindi ko iyon pinansin kasi busy akong nakipag usap sa mga tropa ko.

"I think kailangan mo yang sagotin baka emergency" nag-aalalang sagot ni Jerome.

"Yeah Bro, Jerome's right you should answer that" dag-dag pa ni David at George.

Pag-sagot ko ng tawag may babaeng humahagolhol sa phone.

"L-Lucas, Hijo wala na si M-Mary.... W-Wala na siya....." diyan ko lang na realize na yung tumawag pala sa akin ay yung Ginang na nagbabantay kay Mary sa Hospital.

Hindi ako makasagot sa kaniya dahil bigla akong natulala dahil ang bilis ng mga pangyayari, binaba ko na yung tawag at may tumulong luha sa aking mga mata.

"Hey Lucas, are you okay? what's happening?" nag-aalalang sambit ni Jerome habang niyu-yugyug ang aking mga balikat.

"I need to go kayo na bahala dito" nagmamadali kong tugon sa kanilang tatlo.

"You need to go? to where?" tanong ni David.

"To the Hospital"

Tumakbo ako ka-agad sa kotse at pinaharorot iyon papuntang Hospital kung saan naka-admit si Mary.


Nang makarating ako sa room niya pumasok ka-agad ako at nakita ko si Mary na tinatakloban ng mga nurse ng isang puting kumot at para akong na trauma dahil sa nangyari sa mga magulang ko.

"Wait, can you leave us alone" tugon ko at tumango naman sila lahat pati na yung Ginang na kanina pa humahagolhol sa iyak.

Dahan-dahan akong lumapit kay Mary ng makalabas na sila lahat.

"Hey, I'm sorry that I am late hindi man lang ako nakapag goodbye ng maayos sa'yo" habang hawak-hawak ko ang kamay ni Mary.

"Thank you kasi hindi mo ako pinilit na pakasalan ka, at thank you din kasi naging kaibigan kita kahit saglit lang kitang naka-usap"

"Sobrang swerte sana ng mapapangasawa mo kung hindi nila plinano ang lahat at higit sa lahat kung buhay ka pa lang sana, gusto pa talaga kitang makilala ng lubos bilang kaibigan"

Nai-iyak na ako ngayon dahil, huli na ang lahat kasi hindi ko man lang siya naka-usap kahit sa huli niyang mga sandali, pero parang gumaan din ang loob ko dahil hindi na siya mahihirapang mabuhay dito sa mundo.

"May your soul rest in peace, My friend see you soon" pabulong kong tugon sabay taklob sa kaniya yung puting kumot.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon