Kabanata 9

46 2 0
                                    

[Kabanata 9]

Maaga akong gumising kasi alam ko na makikita ko na mamayang tanghali ang lalaking gustong gusto kong makita sa araw-araw.

Wahhhh..... Ang harot naman pakinggan. pero ok na din. HAHAHAHA....

Dali-dali akong bumangon sa kama, naligo at nagbihis ng magarbong baro't saya, bumaba na ako at nabigla si Donya Esmeralda dahil ang aga kong nagising nandito siya sa kusina nagluluto ng aming almusal.

"Anak, aba ang aga mo namang nagising at ang laki ng mga ngiti mo, mukhang may magandang dahilan ang iyong masayang mukha, Laura ano ba ang dahilan na iyan?" pang-eechos na tanong ni Donya Esmeralda.

Napangiti lang naman ako at hinalikan ang pisngi ni Ina para ibahin ang sitwasyon, "tikman mo ang luto ko, Laura kung masarap na ba" ani naman ni Donya Esmeralda.

At tinikman ko ang ang kaniyang luto na sobrang bango, pagtikim ko ay nalasahan ko ang sarap at asim ng Sinigang na Baboy na niluto ni Donya Esmeralda na iba kaysa sa mga ibang sinigang na akin ng natikman.

"Ang sarap naman po ng iyong niluto Ina, ano po ba ang tawag niyo rito?" nagtatakang tanong ko kay Donya Esmeralda.

"Anak, nakalimotan mo ba na ito ang sekretong pagkain ng ating pamilya na nanggaling pa sa mga ninuno natin, ito ang 'Sinigang De Baltazar' na tayo lang ang nakaka-alam sa mga sekreto nitong sangkap" nakangiting tugon ni Donya Esmeralda at sinabayan niya din ng kindat.

"Ina, kung may oras po kayo pwede mo po ba akong turuan kung paano lutuin ang Sinigang De Baltazar?" tugon ko kay Donya Esmeralda na ikina-ngiti niya pa ng sobra.

Ang sosyal naman ng pamilya ni Laura may specialty pang mga pagkain, gusto kong matuto sa pagluluto ng specialty nila at para din may malaman din ako sa pagluluto ng mga pagkain.


Ilang oras ay natapos ng magluto si Donya Emeralda, at inisa-isa kong tawagin sina Don Antonio at Olivia, agad naman silang bumangon at nagbihis para mag almusal kami ng sabay.

Pagkatapos ng almusal ay pumunta muna ako sa kwarto at hinintay kung mag tanghali upang pumunta na sa pinagkasunduang lugar namin ni Joaquin.

Pagtanghali bumaba na agad ako upang magpa-alam kina Don Antonio at Donya Emeralda na magpahangin lang sa labas at pumasyal.

Totoo naman talagang papasyal ako pero ang pinagkaiba nga lang ay may kikitain ako. Hehehe.

Pinayagan naman nila ako kaagad sa isang kondisyon hindi ako lalayo at pumayag naman ako sa kanilang kondisyon dahil hindi naman kalayuan sa aming tahanan ang Puno ng Sambag.

Pagdating ko sa lugar na sinabi ni Joaquin nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at parang may hinihintay, malakas ang kutob ko na si Joaquin iyon.

Kaya nagdahan-dahan akong naglakad dahil gusto ko siyang asarin at takotin, ilang hakbang nalang ako papalapit sa kaniya ng maabot ko na siya.

"Bulaga!" tinulak ko ka-agad siya ng mahina at bigla naman siyang napatalon sa takot, tinawan ko lang ng malakas yung reaksyon niya dahil sobrang nakakatuwa yung mukha niya.

Binigyan niya lang ako ng nag pa-pout na mukha at ang cute niyang tignan....

Dugdugdugdugdug

Kyaaaahhhh.....

Ano na naman to binigyan niya lang ako ng ganoon na mukha tumibok kaagad ng ganon kalakas itong puso ko.

Mukhang magiging dahilan pa ng pagkamatay ko ang mukha ni Joaquin na palaging ngumingiti ahh... Wala na talagang takas itong puso ko sa lalaking 'to.

"Patawad Ginoong Joaquin diko sinasadya na takutin ka" hingi ko ng tawad "ayos lang iyon Binibini wala kang dapat na ihingi ng tawad" at sinabayan na naman niya ito ng ngiti.

"Bakit dito mo gustong makipag kita Ginoong Joaquin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Gusto lang kasi kitang makita at maka kwentohan at meron din sana akong gustong ibigay sa iyo" malakas na loob niyang tugon sa akin at parang nakahinga siya ng maluwag ng masabi niya ang gusto niyang i-wika sa akin.

Dug.dug.dug.dug.dug

Jusmeyo iyan na nanaman anong puso ba meron si Laura bakit palaging tumitibok ng malakas sa pinagsasabi ni Joaquin.

"Teka lang binibini parang may narinig akong tumitibok" wika ni Joaquin na dahilan upang mataranta ako ng labis.

Haaaaaa... n-na..ririnig niya puso... k-ko? waahh... tulongan niyo ko.....

"D-Do you hear it? My heart!?" pasigaw kong tanong kay Joaquin na may pangiginig sa aking boses, "paumanhin binibini ngunit hindi ako marunong mag salita at maka intindi ng wikang Ingles, at hindi naman tayo tinuruan ng ganiyang wika ng mga taga Espanya saan mo naman iyan natutonan?" nagtatakang tanong ni Joaquin.

Hala Cassandra ano yun ba't ka nag English ayan tuloy ginawa mong mas komplekado sitwasyon mo kyaahh!!

Lupa pwede mo na talaga akong lamunin ng buo.

Minsan talaga sa buhay ang sarap maging hatdog, hayyy... walang hiya ka Cassandra. HUHUHUHU!

"A-A-Ahh wa..la lang, mauna na ako baka hinahanap na ako nina Ina at Ama!" tumakbo na ako ka-agad.

"Teka lang binib-" hindi na niya natapos ang kaniyang sinabi dahil inunahan ko siya.

"Paalam!" pasigaw na tugon ko habang tumatakbo ako papalayo sa kinatatayoan niya at hindi ko na siya nilingon pa ng dahil sa kahihiyang iyon.


Pagdating ko sa bahay dumiretso ka agad ako sa kwarto, tumalon sa kama upang maka-higa ako kaagad, pinalo-palo ko yung unan dahil sa sobrang nahiya ako kanina kay Joaquin wala na talaga akong gana lumabas, hindi pa ko handa na makita siya.

Sobrang tanga mo talaga kanina Cassandra. Pasensya ka na Laura napahiya ko katawan mo, hindi nako magtataka na ilalagay nila sa history book na ikaw ang pinaka weird sa lahat ng tao noon. Sareyy...

Habang nag iisip pa ako ng malalim kung paano ko siya makakausap at makikitang muli na umarte ng normal lang.

Nandito pala sa aking kamay at hinahawakan ko pa din ng mabuti ang napakagandang paru-parong ipit na ibinigay sa akin ni Joaquin.

Saan kaya niya ito nabili wala naman akong nakitang ganito ang desinyo nung nandon kami sa kabilang bayan upang bumili ng mga aksesoryang gustong bilhin ni Maria, kung hindi lang sana tumibok ng ganoon kalakas ang puso ni Laura sana nag uusap pa kami ngayon sa ilalim ng Puno ng Sampalok.

Kasalanan to ng puso mo, Laura ayan tuloy wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya dahil sa hiya. Tskkkk....

**********

Dear diary,

Patulong naman riyan ohh.. kung paano ko siya haharapin na parang wala lang nangyari, hindi ko na talaga alam kung ano sasabihin ko kapag makaharap at maka-usap ko siyang muli....

Kinakabahan,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon