Kabanata 2

204 5 0
                                    

[Kabanata 2]

Pagising ko hindi ko namalayang umaga na pala at nasa kwarto na ako.

Ang naalala ko lang kagabi ay madaling araw na kami naka uwi ni Liza at hinatid ko siya sa kanilang bahay at naglakad ako papauwi tapos iniligtas ko ang isang matanda sa pag tawid at may biglang isang sasakyan na mabilis ang andar papalapit sa akin at bigla nalang akong natumba at nawalan ng malay, hindi ko na din alam ang nangyari sa susunod kung ano na nangyari sa matandang babae

pero bakit parang hindi ito yung room ko.

"where the hell am i?" sabi ko habang nagtataka kung nasaan ako napatingin nalang ako sa damit na sinusuot ko.

Bakit naka baro't saya ako nasaan ba talaga ako anong lugar to.

May sumagi namang alaala sa aking isipan baka nandito ako sa......

S-sinaunang panahon tulad ng makaluma ?!

Ahhhhhhhh!!!!

Nasaan ako?!!

Bigla nalang akong may narinig na tumatakbo papasok sa kwarto na magandang babae at ang kinis pa ng balat niya mukhang nasa 27 yrs old lang siya.

"Anong nangyari sayo Laura? Bakit ka sumigaw ayos ka lang ba?" sabi niya habang humihingal sa pag takbo ng mabilis.

"Who are you? and why are you calling me Laura? where am i?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya at nagtataka ako kung bakit naka suot din siya ng baro't saya.

"Laura bakit hindi ko batid ang iyong mga tinoturan?" tanong niya na parang nagtataka kung anong mga pinag sasabi ko dahil hindi niya ako maintindihan

"Ah..este sino ka? at nasaan ako?" tanong ko sa kaniya na patuloy paring nagtataka "hindi mo ba ako kilala o nagbibiro ka lang?" balik tanong naman niya.

Nagtaka ako at nag isip ng mabuti kung sino siya o kung kaano-ano ko siya, tinignan ko nalang siya mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo ba alam ang nangyari sayo kahapon?" tanong pa niya sakin mag sasalita na sana ako pero bigla niya akong inunahan.

"Nagpa-alam ka samin kahapon na pupunta ka sa tabi ng ilog upang magbasa ng libro at magpahangin pero dahilan iyon upang madulas ka at biglang lumalim ang tubig at muntik ka ng malunod buti nalang ay narinig ka ni Mang Carding at dali-dali siyang tumakbo at inligtas ka" kwento niya pa sa akin.

"Nakalimotan mo ba ang pangalan ko dahil sa pagkalunod mo? Ako ang iyong nakatatandang kapatid na si Olivia" sabi niya at napailing.

"Oh.. siya tayo ay humayo na at bumaba dahil naghihintay na sila ina at ama upang tayo ay mag almusal ng sabay" sabi pa niya at sinabayan niya ito ng pag ngiti sa akin.

Magkasama na kaming bumaba pagdating namin ay may mag asawa at isang babaeng ang ganda din katulad ni Olivia na parang nasa 25 yrs. old lang, baka kapatid din namin siya at yung mag asawa ay di pa masyadong matanda at pareho silang mestizo at mestiza na nakasisigurado akong may dugo silang kastila.

"Maayos naba ang pakiramdam mo anak?" tanong ng mag asawa sa akin at baka sila ang mga magulang namin.

"O-opo I-Ina at A-Ama maayos na ang pakiramdam ko" sagot ko naman na nakangiwi dahil sa mga pinagsasabi ko at pilit na nginitian ko silang tatlo.

"Sobrang nag alala kami sa nangyari sayo kahapon Laura pero masaya ako na maayos na ang iyong pakiramdam ngayon" tugon naman ng babaeng maganda na hindi ko pa alam ang pangalan.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon