Kabanata 6

73 4 0
                                    

[Kabanata 6]

Linggo ngayon ng umaga and it's been 2 weeks since napunta ako dito sa panahong ito, ngayon ay sabay-sabay kami ng pamilya ni Laura upang mag simba.

Bago lang ako natapos sa pag bibihis at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin upang pag masdan ng maigi ang katawan niya, napangiti nalang akong bigla dahil nagugustohan ko na dito ng kaunti, pero hindi parin nawawala sa aking isipan ang pangungulila ko kina Mommy at Daddy sana ayos lang ang lagay nila dun.

Huwag kayong mag-alala Mommy at Daddy pagkatapos ko rito babalik at babalik ako sa inyu at yayakapin ko rin kayo ng mahigpit kapag magkita tayo muli, pangako.



Ilang saglit pa ay tinawag na nila ako upang bumaba na at sumakay na sa kalesa upang pumunta na sa simbahan.

Hindi kami kompleto ngayon dahil si Emilia ay bumalik na sa Cebu upang alagaan si Tiya Flora dahil may sakit daw. Kami lang dalawa ngayon ni Olivia sa kalesa at nasa kabila naman ay lulan doon sina Don Antonio at Donya Esmeralda.

Tumingin ako ngayon sa bintana at may nakita akong maraming bulaklak ng gumamela at talagang namangha ako sa ganda, bango at sa kulay niya hindi ko namalayang naka ngiti na pala ako ng todo at nakita ako ni Olivia.

"Nakakatuwa naman na makita ang bunsong kapatid ko na masayang pinag mamasdan ang mga bulaklak na gumamela, alam mo ba ang alamat ng bulaklak na iyan Laura?" nakangiti niyang tugon, napa iling-iling naman ako dahil hindi ko pa narinig ang alamat ng gumamela.




"Mahilig sa mga bulaklak si Mela. Sa katunayan, ang paligid ng bakuran nila ay punung-puno ng mga halamang namumulaklak. Siya ang nagtanim sa lahat ng iyon. Araw-araw, makikita ang napakaraming mga,paruparo, bubuyog at tutubi sa halaman ni Mela. Katuwaan na ng mga bata at maging ng mga matatanda na panoorin ang mga iyon habang palipat-lipat sa pagdapo sa mga bulaklak. Dahil nalilibang siya sa paghahala-man, hindi na pansin ni Mela na nagkakaedad na siya. Bagamat may mga manliligaw ay gusto pa niyang ibuhos ang panahon sa pagpaparami ng mga tanim kaysa usapin ng kanyang puso. Isang araw, may bakasyunistang na ligaw sa halamanan ni Mela. Natuwa rin ito at naaliw sa maraming mga tutubi, mga paruparo at mga bubuyog na masayang nagliliparan sa mga bulaklak. Nakipag kilala si Rommel, ang binatang taga Maynila kay Mela. Mula noon, araw-araw nang panauhin ni Mela si Rommel at ikinainggit ito ng ibang manliligaw ni Mela. Isa na rito si Goyong, pinakamahigit niyang mangingibig. Minsan ay hinarang ni Goyong si Rommel at pinagbantaan. Ipinagkibit-balikat lang ni Rommel ang banta. Nagpatuloy siya sa pagdalaw kay Mela. Ang totoo ay natutuhan na niyang mahalin si Mela. Lalong nagalit si Goyong nang isang umaga ng makitang kasama ni Rommel si Mela galing sa pagsisimba. Walang sabi-sabing inundaya nito ng saksak ang binata ngunit hindi nito inasahan ang ginawa ni Mela. Biglang iniharang ng dalaga ang katawan kaya siya ang tumang-gap ng saksak na para kay Rommel. Agaw-buhay agad si Mela subalit bago nalagutan ng hininga ay inamin kay Rommel na mahal niya ito. Gayon na lang ang panggigipuspos ni Rommel. Matapos ilibing ang dalaga sa gitna ng halamanan nito ay hindi na bumalik ng Maynila ang lalaki. Siya ang pumalit kay Mela sa pag-aalaga ng mga halaman nito. Nais niyang ipadama sa pamamagitan noon na mahal na mahal niya ang dalaga. Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni Rommel na iyon ang paraan ng dalaga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata. Ang bulaklak ay tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela."





"Ngayon ko lang po nalaman na meron palang isang malungkot na kwento ang gumamela dahil hindi sila nag kasama ng matagal sa minamahal niya ngunit naging masaya din kasi kahit wala na siya ay pinaparamdam pa din ni Rommel ang pagmamahal niya kay Mela at gayun din si Mela kay Rommel" sabi ko naman sa kaniya na ikina ngiti ni Olivia ngunit nalungkot pa din ako dahil sa naging sitwasyon nilang dalawa.


Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa simbahan at sabay-sabay kaming pumasok at nakita namin si Madam Valeriana at nag bow kami sa kaniya at tumabi sa upuan nina Don Antonio at Donya Esmeralda.

Pagkatapos na ng misa ay lumabas na kami ng sabay at bigla kong nakita si Joaquin sa labas at naka titig din pala siya sa akin.

Kahit nasa kalayoan siya nginitian naman niya ako at ganun din ang ginawa ko sa kaniya buti nalang ay walang nakapansin sa aming dalawa.

Ito nanaman ba tayo ha puso ang traydor mo tumatambol ka nalang ng tibok bigla riyan....

Ngayon ay nag uusap na naman sina Madam Valeriana, Don Antonio at Donya Esmeralda pero na bored na ako kaya nag sinungaling lang ako na masakit ang ulo ko at nahihilo ako kaya sinabihan ni Donya Esmeralda si Olivia na mauna na kaming umuwi upang pag pahingahin ako.

Bagong dating lang namin ni Olivia dito sa bahay at hinatid niya ako sa kwarto, pinahiga sa kama at nilagyan nang kumot.

"Masakit pa ba ang ulo mo Laura?" tanong ni Olivia na may pag aalala sa mukha.

Ayan tuloy nako-konsensya na ako sa pagsisinungaling ko.

"Opo, pero hindi na ako masiyadong nahihilo Ate Olivia" pag sisinungaling ko na naman ulit sa kaniya at tumango na lang siya at sinabihan na mag pahinga muna upang mawala ang pagod ko at lumabas na siya sa kwarto.

Jusko naman Cassandra, napaka sinungaling mo na talaga.

Paglabas niya ay dali dali akong bumangon at tumayo ako sa tapat ng bintana upang ma hanggap ang napaka sariwang hangin.

Ang swerte naman ng mga tao sa panahong ito dahil ang sariwa ng hangin at bango ng paligid ang kanilang mga nilalanghap parati di kagaya sa panahon ko ang baho na at napaka raming usok ang paligid kaunti nalang ang sariwa at bango ng hangin.

Ilang minuto ay naka ramdam na rin ako ng antok at kinuha ko ang upuan na nasa tabi ng aking lamesa at itinapat ang upuan sa bintana at napag desisyonan ko na doon mag pahinga at matulog.

Sobrang nakaka-kalma lang talaga ang masariwa at mabangong paligid.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon