Kabanata 14

34 0 0
                                    

[Kabanata 14]

Nang makarating na kami sa bahay ni Donya Flora ka-agad siyang nagpakuha nang maiinom namin at pinaupo niya kami at ganun din ang ginawa niya, at nang naibigay na nang katulong yung inumin namin tumingin sakin si Donya Flora "anong maiitutulong ko sa'yo Binibining Cassandra" sabi nito.

"Ahhh...Cassandra nalang ho, di ako sanay na tawaging Binibini" sabi ko sa kaniya na may pagkahiya.

Tumawa nang mahina ang Ginang "sige...Cassandra" at ngumiti "ang moderno ng iyong pangalan"

Napakamot ako sa ulo ko "Oo, nga ho eh...."

"Siya nga pala hija anong pangalan nang iyong ina?" tanong niya sa akin.

"Tessa Alcantara De Luna po"

"Tessa?" gulat nitong sabi.

"Opo"

"Siya ang iyong ina?" tanong nito at tumango lang ako "Siya din yung babaeng naghanap nang mamahalin niya at natagpuan niya si Roberto De Luna" madiin niyang wika sa akin na ikinagulat ko.

Bakit Roberto ang tinawag ni Donya Flora kay Daddy eh Robert naman yung pangalan niya?

Napantastikuhang napatitig ako sa kaniya "si Mommy? naranasan niya din to?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Tumango ang Ginang "Oo, at natagpuan niya ang iyong ama at sabay silang pumunta sa modernong mundo upang ipagpatuloy ang ang pagmamahalang kanilang inumpisahan"

Wow... just wow....

My parents are meant for each other? ano kayang struggle na pinagdaanan ni Mommy?

"Hija, paano nga pala kita matutulungan?" kuha ni Donya Flora sa atensiyon ko.

Tumikhim ako at tumingin kay Manang Ofelia, Si Manang Ofelia ang sumagot "kagaya nga nang sabi ko Donya Flora nung nasa Pier tayo, sa loob nang tatlong-daan at anim napu't-limang araw (365 days) kailangang mahanap niya ang taong mamahalin niya at para makabalik na siya sa mundo niya"

Ngumiti ang Ginang "matutulongan kita at sisimulan natin bukas" napangisi ako sa sinabi niya "talaga po! maraming salamat ho sa inyo"

"Walang ano man iyon Hija"

Kinabukasan nang magising ako kaagad akong naligo at nagsuot nang baro't saya. Bumaba kaagad ako sa hapag kainan at nakita ko doon si Manang Ofelia na hinahain ang kakainin namin "Magandang Umaga, Casey" bati nito sakin.

"Magandang Umaga din ho, Manang"

May biglang sumulpot na babae "ako hindi mo ba ako babatiin?" tumawa ako nang mahina "Magandang Umaga din ho sa inyo, Donya Flora"

"Hija, pag-usapan na natin ang misyon mo" anito at umupo.

Habang kumakain kami biglang nagsalita si Donya Flora "Hija, may mga senyales kana bang na-engkwentro?" tanong nito.

"Pero bago mo iyan sagutin, bakit ka pinadala rito nang iyong Ama?" dag-dag pa niya.

"Ahm....kase ho....nakita niya kaming magkasama ni Joaquin Martinez kahit sinabihan ko na siyang mag kaibigan lang kami" explain ko.

"Naintindihan kita, nagmana talaga 'yang Ama mo—ibig kong sabihin ang ama ni Laura, nagmana talaga yun sa aming ama na istrikto, matagal na namin kalaban ang mga Martinez, dahil yung ina ko ay kasintahan nang ama ni Don Francisco" nagulat ako sa sinabi ni Donya Flora.

So it means history repeats itself?

"At ganun din ang nangyari sa aking kapatid, nahulog ang loob niya sa Ina ni Laura at kasintahan noon ni Esmeralda ang anak nang isang Martinez" she paused "kaya ka pinadala nang ama ni Laura dito para mailayo ka kay Joaquin? ako ba ay tama, Cassandra?"

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon