Kabanata 28

17 1 0
                                    

[Kabanata 28]

Huma-hagol-hol, umiiyak at hapong-hapo na habang tumatakbo sa ulan na bumubuhos na ng malakas ngayon maka-alis lang at malayo ako sa kinaroro-unan ni Joaquin.

Hindi ko na kaya pang tumahan dahil sa paghihinagpis na nararamdaman ko ngayon.

Nang marating ko ang pinto ng bahay ay bigla akong kumapit sa pader at hinawakan ang puso kong sobrang naninikip na ngayon hindi na ako makahinga bigla nalang din tumigil ang mundo ko at nawalan na ng lakas ang aking katawan at tila dumilim ang buong paligid.



"Iyon ang aming ikinaba-bahala dahil ngayon lang namin siya nasaksihan na palaging tumatangis mag-isa sa gabi, hindi din namin batid kung ano ang masakit sa kaniya" naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Ama, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Naaninag ko si Ama na nakatayo sa tabi ng kama, nakatayo din ang isang matangkad na lalaki sa tabi ni Ama.

Nandito din si Ina habang hawak-hawak ng mahigpit ang aking kamay at nasa likod niya sina Ate Olivia at Emilia.

"Tatlong araw na siyang walang malay. Ilang doktor na rin ang aking tinawag ngunit pare-pareho ang kanilang sinasabi. Nasobrahan daw sa pagod at pag-iisip ng mga suliranin ang aking anak kung kaya't tuluyan siyang nanghina nang ganito" patuloy ni Ama, nanlalabo pa din ang aking paningin.

"Anak, ika'y nagtungo lamang sa ilog ng buhay ngunit bakit ka tumatakbong umiiyak habang pauwi? ano ang nangyari? nakita ka naming nakahandusay sa sahig kaya dali-dali ka naming inalalayan. Sobrang nag-aalala kami sayo, Anak" sunod-sunod na wika ni Ina, sinubukan kong hawakan ang aking ulo ngunit maging ang kamay ko ay hindi ko na maramdaman.

Naupo ang doktor na nagngangalang Ginoong Tomas sa kabilang gilid ng aking kama saka sinuri ang aking mata at pulso.

"Kailangan pa ng kaunting pahinga ni Binibining Laura bago manumbalik ang kaniyang sigla" wika nito, saka sinabi ang mga gamot na kailangan kong inumin.

"Sa aking pagsusuri ay mahina ang iyong puso Binibini at tila kulang ka sa dugo" patuloy niya na ikinagulat ko.

"May sakit ho ba kayo sa puso Don Antonio? O sinumang kamag-anak na may ganoong karamdaman?" tanong ni Ginoong Tomas.

"Walang ganoong karamdaman ang aming salinlahi ngunit ako ay mahina ang puso" tugon ni Ama dahilan upang matulala nalang ako sa kanila.

Batid kong hindi ko dapat pahirapan ang aking sarili, oras na para bumawi at oras na din para bumangon.

Napatingin ako kay Ina, "Ina maari nyo ho ba akong gupitan ng buhok?" nagtataka silang nakatitig sa akin ngayon.

Nalaman kong si Ina ang gumugupit sa buhok ng magkapatid na Baltazar mula pa pagka-bata dahil nagpa-gupit si Ate Olivia noong nakaraang linggo at sinabihan niya ako tungkol sa pag-gupit ng buhok nila noon pa. Kaya siya ang pinagka-katiwalaan kong gumupit sa aking buhok dahil siya naman ang Ina ni Laura.

"Laura, kay tagal mo ng ayaw pagupitan ang iyong buhok dahil gusto mong pahabain pa ito, ngunit bakit nag-iba ang iyong isip?" takang tanong ni Olivia na tinanguan lang ni Emilia.

"Ah– Ate gusto ko lang po gupitan na ang aking buhok dahil sobrang haba na at para din umaliwalas ang aking mukha" palusot ko ngumiti lang siya at pinanggigilan ang aking pisngi ganoon din si Emilia.

"O'siya atin iyang gugupitin anak sa gusto mong haba, pero bago ang lahat ika'y magpahinga muna ng maayos" wika ni Ina sabay halik sa aking noo, umalis na sila lahat sa aking kwarto upang makatulog ako muli.


Nandito na ako ngayon sa harap ng salamin habang inilugay ko ang aking mataas na buhok na hanggang beywang, kanina pa ako nagising at tapos na din akong magpahinga.

Sinusuklay ko ang aking buhok ng marahan dahil oras na para gupitin ko ito, at oras na din upang gupitin ko na ang mga ala-ala na naka konekta kay Joaquin.

Baka hindi talaga siya ang taong hinahanap ko dito sa panahog ito.

"Laura? Laura? Laura?" narinig kong pangatlong may sumambit ng aking pangalan dahan-dahan akong napalingon at nakita ko si Emilia na naka-upo na sa aking kama.

"Ayos ka lang ba? Anong masakit sa iyo? Kapatid ko?" sunod-sunod nitong tanong sa akin

"Kanina pa ako kumakatok sa labas ngunit walang tumugon sa katok ko kaya pumasok ako sa loob at nakita kitang nakaharap sa salamin na parang may malalim na iniisip at parang hindi mo rin napansin ang aking pagdating kaya tinawag ko ulit ang iyong pangalan hanggang sa ika'y matauhan" dag-dag nito at halatang halata na sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.

"A-Ayos lang ho ako Ate Emilia" sagot ko na hindi tumingin sa kaniya, bigla naman siyang lumapit at niyakap ako sa likod, pareho nadin kami ngayon na nakaharap sa salamin.

"Laura, mahal kong kapatid alam mong pwede mo akong lapitan kahit kailan kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin ang mga pinagdada-anan mo dahil nandito lang ako para sa iyo pati na din si Ate Olivia" tugon niya sabay halik sa aking ulo na ikinagaan ng aking pakiramdam.

"Salamat po Ate" nilingon ko na siya at niyakap ng mahigpit.

"O'siya maghanda kana riyan dahil dadating na maya-maya si Ina upang gupitan ka" saad niya at nginitian ako at umalis na.



Ilang minuto ang lumipas ng dumating si Ina habang dala-dala niya ang mga kagamitan sa pag-gupit.

"Anak, saan ang gusto mong haba ng iyong buhok?" tanong niya habang dahan-dahang sinusuklay ang aking buhok.

"Sa balikat ho, Ina" tugon ko na ikinatigil niya.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan, Anak? ayos ka lang ba talaga?" nag-aalala siyang nakatitig sa akin ngayon sa harap ng salamin, humarap ako sa kaniya at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

"Ina, sigurado po ako sa aking desisyon at huwag ho kayong mag-alala sa akin dahil ayos lang naman ako at gusto ko din pong gupitan ang buhok ko sa ganoong haba dahil sobrang naiinitan na po ako dahil sa sobra nitong haba" pagda-dahilan ko at nginitian siya ulit.

Kailangan kong putulin ang mga pasanin sa aking buhay upang makapagsimula muli, dahil sa dali kong pagkahulog kay Joaquin ay nahihibang na ako at handa na akong bumangon at magsimula muli malayo sa pagkahibang na iyon.

"Anak, handa ka na ba?" tanong ni Ina tinanguan ko siya mula sa salamin.

Nakatayo siya sa aking likuran at handa na niyang bawasan ang aking mahabang buhok. Mahalaga na mahaba ang buhok ng isang babae at iyon ang palaging sinasabi ng mga matatanda. Ngunit ibig kong ipaputol ito ng kaunti dahil ibig kong magsimula ng bagong buhay at pangarap para sa aking sarili.

Sabihin man nila na mababaw ang aking ginagawang ito ngunit para sa akin ay sapat na ito upang kalimotan si Joaquin at ipaubaya kay Maria.

Nilinis at iniba ko din ang desinyo ng aking silid upang simbolo ng aking pagbabagong buhay.

**********

Dear Diary,

Gagawin ko ang lahat upang makalimutan si Joaquin at mas pagtuonan ng pansin ang aking misyon para makalabas na ako dito sa panahong ito at makabalik sa panahon ko.

Nagsisimula,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon