Kabanata 39

22 1 0
                                    

[Kabanata 39]

JOAQUIN'S POV

Dalawang araw ng nawawala si Laura at hanggang ngayon hindi pa namin siya na hahanap.

Si Isay ang naging mata ko sa loob ng mansiyon nina Laura para malaman ko ang mga balita at mga nangyayari sa paghahanap nila sa kaniya.

Nabalitaan ko din galing kay Isay na sekretong pinag-hahanap ng mga guwardiya sibil si Laura at pinadag-dagan pa daw ng pamilya ni Isagani ng mga taohan para sa paghahanap kay Laura, walang ibang tao ang nakaka-alam na nawawala si Laura para hindi pagkaguluhan at pag-usapan ng mga tao sa bayan.


Dalawang araw na rin akong naghahanap sa kaniya at ngayon nandito ako sa likod ng Hacienda Baltazar kung saan malapit ang palikuran nina Laura.

Siguradong-sigurado ako na dito pumasok ang mga kumuha sa kaniya at dito din sila lumabas, pero dalawang araw na din akong naghahanap sa loob ng gubat kasama ang aking kabayo na si Ligaya pero wala pa din kaming mahanap.

Pero kahit na ganun ay hindi ako bibitaw at gagawin ko ang lahat mahanap lang si Laura.


Nasa kalagitnaan na kami ng gubat sa tabi ng ilog at pina-inom ko muna si Ligaya, umupo ako habang umiinom siya at ipinikit ang aking mga mata upang umusal ng dalangin.


Mahabaging Panginoon,

Tulongan ninyu sana akong mahanap ang babaeng mahal ko, huwag niyo ho siyang hayaang masaktan at iligtas niyo po siya sa kapahamakan gabayan niyo din po siya na huwag siyang panghinaan ng loob dahil ililigtas namin... ko siya, Maraming Salamat po Panginoon.

Amen...


Nag patuloy na kami ni Ligaya sa aming paglalakbay ng may makita akong isang armadong lalaki na umiihi sa gilid nagtago kami sa likod ng mga puno at halaman para hindi niya kami makita.

Itinali ko muna sa may kahoy si Ligaya dahil napag desisyonan kong sundan ang lalaking iyon.

Nagulat ako ng huminto ito sa isang kuweba na may dalawa ding armadong lalaki na nakabantay sa magkabila ng kuweba na iyon.

Lumapit ang dalawang lalaki sa taong sinundan ko kanina at may ibinulong sa dalawa na hindi ko marinig, tumango ang dalawa at mas hinigpitan pa ang kapit ng kanilang mga armas na rebolber at tumingin-tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

Naramdaman ba ng lalaki kanina ang pagsunod ko?

Sila ba ang kumuha kay Laura? Anong pakay nila sa kaniya?

Nandiyaan kaya sa loob ng kuweba si Laura?

Sa mga oras na iyon ang tanging makakasagot lamang ng aking mga tanong ay pasukin ang loob at alamin ang mga nangyayari sa loob ng kuwebang iyon.

At alamin kung nandiyan ba si Laura.




CASSANDRA'S POV

Narito parin ako sa sulok ng kuwebang ito, dalawang araw na akong nawawala, dalawang araw na din akong nakatulala at hindi kumakain.

Nasa harapan ko pa ngayon ang pagkaing hindi ko pa ginagalaw, tinanggalan na din nila ako nang takip sa mata kahapon.

Dalawang araw na ang lumipas pero mahapdi at namamaga pa din ang aking mukha na sinampal ng lalaking kanilang tinawag na Senyor.

May dalawang nagbabantay sa loob at sa pinakalabas ng kuweba, yung isa naman ay ang kanilang pinuno. Pero gusto kong malaman kong sino talaga yung misteryosong lalaki na tinatawag nilang Senyor.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon