Kabanata 18

28 2 0
                                    

[Kabanata 18]

"Manang Ofelia, ba't hindi pa nagigising si Cassandra? anong nangyayari sa kaniya?" naririnig kong wika ni Donya Flora pero nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Baka mahimbing lang ang kaniyang pagtulog, ganiyan talaga ang batang iyan" narinig kong sabi ni Manang.

Minulat ko ang mata ko ganun nalang ang paglaki nito ng makita ko ang silid ko sa sinaunang panahon.

Nakabalik na ako, diba?

Nilapitan ka-agad ako ni Donya Flora at hinaplos ang aking pisngi "Bakit hindi kita magising kanina, Hija?" nag-aalala niyang wika.

"Lah! kanina pa ako gising" bulong ko sa isip, ngumiti lang ako at tumikhim "ahm.... baka napahimbing lang po talaga ang pagtulog ko, Donya Flora" pag-sagot ko naman sa kaniyang tanong.

Bumuntong hininga ito at hinawakan ang aking mga kamay "alam mo bang hanggang ngayon hinihintay ka pa din ni Joaquin na gumising? siya ay nag-aalala sa iyong kalagayan" tugon naman ni Donya Flora.

"Ano? hinihintay niya akong gumising ba't naman pero kenekeleg ake.... enebe hehe" pang-eechos ko sa sarili.

"Nasaan po siya ngayon? bakit nag abala pa siyang maghintay sa akin?"

"Siya ay pinauwi ko muna at baka hinahanap na iyon sa kanila, di pa naman magkalapit ang ating mga pamilya" wika pa niya.

Panaginip lang ba iyon? yung bumalik ako sa mundo ko? bakit ang dali lang ng mga nangyari? hindi ko man lang matandaan ang ibang nangyari doon, bigla nalang akong natauhan ng magsalita si Donya Flora "mukhang malalim ata ang ini-isip mo, hija" pansin ni Donya Flora.

"Huwag niyo po akong intindihin ayos lang po ako, Donya Flora" naka-ngiti kong sagot sa kaniya.

"Siguro ay nami-miss mo na ang iyong mga totoong magulang, ikaw ay huwag ng mag-alala dahil makakabalik ka rin sa iyong mundo sa oras na magawa mo ang iyong misyon" pa-alala niya na ikina-ngiti ko ng sobra, at bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit.

__

JOAQUIN'S POV (FIRST POV)

Takip silim na ng makauwi ako sa aming tahanan at nakita ko ka-agad sa aming salas ang aking Ina na nag-buburda habang may ngiti sa labi. Lumapit ako sa kaniya at nagmano.

"Bakit ka ginabi ng uwi, hijo?" tanong niya.

Tumawa ako ng mahina "naglibot-libot lang ho ako at pinaglaanan ko muna ng maikling oras sa pagtuturo sa mga bata, Ina" sagot ko naman.

"Kailan mo ba balak na ligawan si Maria? matagal na siya ang tinitibok ng iyong puso" wika niya.

"Ina, hindi na po ngayon....hindi na...." pag-tatanggi ko naman sa kaniyang sinabi.

"Joaquin anak, ikaw ba ay nakikinig ng maayos sa aking mga sinasabi?" nagtataka niyang tanong.

"Ano ho ang iyong sinabi, Ina?"

Napailing ito at itinabi ang binuburda niya "ang sabi ko bakit napapadalas ang iyong pag-lalalabas, hindi ka naman ganiyan noon" pag-aalala niya sabay tapik sa upoan na katabi niya at umupo naman ako doon.

"Ina, gusto ko lang po talaga maglibot-libot at magturo ng mga bata" sagot ko sa kaniya na nakangiti.

"Ngunit alam mong kinakatakotan ang ating pamilya, hindi ba?" pag-papa-alala naman ni Ina sa akin "alam ko ho iyon" napatango-tango nalang ako kay Ina bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.

"Oh siya, matulog ka na na at baka ikaw ay napuyat pa sa iyong paglilibot-libot" mariin na aniya.

Kinakatakutan ang aming pamilya ay dahil sa mga ninuno namin noon na napaka makapangyarihan kaya inakala nilang ganuon din kami ngunit mababait naman talaga sa personal ang aking mga magulang at matutulongin din naman sila. Minsan lamang sila magalit ngunit kung maubos mo na ang kanilang pasensya ay hindi mo naman gugustohin silang makitang magalit ng husto.

Nagising ako sa may parang kumikiliti sa aking leeg kaya tinignan ko iyon at nakita ko ang aking alagang pusa na naglalambing sa akin.

"Magandang umaga sa iyo, Clarenet"

Humuni lang ito at mas sinik-sik pa ang sarili sa akin "ang lambing talaga ng aking alaga kaya ako'y nahuhumaling sayo" nang dahil sa sinabi ko ay mas naglambing pa ang aking pusa na ikinatuwa ko ng husto.

"Meowwww" paglalambing nito ulit.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon at pumasok doon ang aking kapatid na babae.

"Constancia, ano ang pakay mo sa akin ng ganito kaaga?" nagtataka kong tanong sa kaniya at kitang-kita sa mga mata niya na may malungkot siyang sasabihin sa akin.

"Kuya, ako ay ipinagkasundo ng ating magulang sa mga Hermano" tugon niya habang nakayuko ang kaniyang ulo.

Ang mga Hermano ay ang pangalawang makapangyarihang pamilya sa aming lugar... Kami naman ang sumunod at ang pinaka-una ay ang pamilya ng aking pinakamamahal na si LAURA.

"Kailan iyon nangyari?! Sino sa mga Hermano?!" nagtataka kong tanong dahil di ako makapaniwala sa kaniyang ipinag-tapat sa akin at hindi ko na din maiwasan na hindi magtaas ng boses.

"Si Rolando Hermano po kuya at nung isang araw po nila iyon sinabi sa akin" kaniyang pag-amin.

"Kaya pala palagi kang nagtatago sa iyong silid?" nag-aalala kong wika.

Tumango ito "ayokong magpakasal sa murang edad natatakot ako.... natatakot akong matali ang aking sarili sa mga taong hindi ko naman lubos na kilala at higit sa lahat ayaw kong maikasal sa taong hindi ko naman mahal, kuya"

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng dahil sa kaniyang sinabi pero hindi ko iyong pinakita sa kaniya.

"Constancia, ako'y gagawa ng paraan para mapigilan sila huwag ka ng mag-alala riyan" pagpapagaan ko sa kaniyang loob.

Yumakap sa akin ng mahigpit ang kapatid kong nangingilid ang luha "ako'y higit na nagpapasalamat dahil meron akong kapatid na kasing bait na tulad ninyo ni Kuya Alejandro"

"Bumaba kana at ako'y maliligo pa" tugon ko at ngumiti sa kaniya.

Kaagad naman itong kumalas sa pagkayakap sakin at lumabas na sa aking silid na naka ngiti.

Gagawin ko ang lahat upang iligtas ang aking kapatid sa pag-papakasal dahil wala pa ito sa tamang edad, at nag-aalala din ako sa kaniya kapag habang buhay ng matatali ang kaniyang sarili sa kamay ng pamilya Hermano baka masaktan lang siya ng mga iyon.

Hinding-hindi ko din hahayaang matulad ka sa akin, Constancia.... ayokong mangyari na ang mga magulang natin ang hahawak ng ating mga desisyon sa buhay at higit sa lahat kung sino ang taong ating iibigin.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon