Kabanata 4

103 5 0
                                    

[Kabanata 4]

Pag uwi namin sa bahay ay napag desisyonan ko na bukas ko nalang kausapin si Manang Ofelia baka ma istorbo ko pa siya kaya pumunta nalang ako sa kwarto upang mapag isipan ang misyon na dapat kong mapag tagumpayan.

Pinag mamasdan ko lang ng mabuti ang pulang rosas na ibinigay sa akin ni Manang Ofelia at pagkatapos ay humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata upang matulog na.

Pagising ko ay umaga na pala at may biglang kumatok sa aking pintuan at dahan-dahang pumasok.

"Cassandra hali ka na bumaba ka na roon upang mag agahan" tugon ni Manang Ofelia at binigyan ko siya ng matamis na ngiti dahil kahit sa panahong ito ako napunta may isang taong alam kung sino talaga ang totoong ako at kung saan ako nanggaling.

Bumaba na ako at binati nila ako ng Magandang Umaga at binati ko din sila pabalik para hindi ako mag mukhang isang huwad na Laura sa harap nilang lahat.

"Mamaya ay pupunta tayo sa bahay ng mga Enriquez dahil kaarawan ng iyong matalik na kaibigan Laura, siguradong masisiyahan siya kapag ikaw ay kaniyang makita kaya wag mo kalimutan na dalhan siya ng regalo" nakangiting sabi ni Don Antonio.

Wow.... Meron pala akong best friend sa panahong ito? sana naman ay kagaya din siya ni Liza na sobrang mapag kakatiwalaan at mabait.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta ako sa kwarto ni Manang Ofelia upang siya ay kausapin sa mga tanong na hindi ko masagot dahil wala akong alam sa mga nangyayari sa panahong ito.

Pagdating ko sa kwarto ni Manang Ofelia ay nakita ko siyang ngumiti, na tila ba ay alam niya na pupuntahan ko siya dito sa silid niya.

"Manang Ofelia bakit po ba kina susuklaman ni Don Antonio ang pamilyang---" hindi ko na natapos ang itatanong ko sa kaniya dahil bigla niya akong inunahan.

"Ang Pamilyang Martinez ay matagal ng kina iinisan ng iyong ama dahil lang sa isang hindi pagkakaunawaan, sila ay matalik na mag kaibigan simula pagka bata ngunit iyon ay nagbago nung dumating sa buhay nila si Esmeralda ang iyong ina silang dalawa ay parehong nahumaling sa isang babae ngunit si Antonio ang pinili niyang ibigin at hindi si Francisco, kaya sila ay nag away hanggang sa tumigil na si Francisco at ipana ubaya na si Esmeralda kay Antonio pero ang inis nila sa isa't isa ay hindi parin nababawasan" pag-kwento sa akin ni Manang Ofelia.

"So nag away sila ng dahil lang sa isang babae? Woww.. ang swerte naman ni Donya Esmeralda pinag aagawan ng dalawang lalaki sa totoo lang maganda naman siya pati ang ugali niya sobrang mapag mahal sa amin kaya hindi na nakapagtataka kung bakit siya pinag aagawan" sabi ko pa sa kaniya na mangha pa din sa mga nalaman ko.

"Pero kilala mo po ba yung isang lalaki na anak niya na may dimples sa pisngi? baka siya na po yung hinahanap ko alam niyo po ba ang kanyang pangalan?" sunod-sunod kong tanong kay Manang Ofelia.

"Hindi ko masasabi sa iyo ang kaniyang pangalan o ang kaniyang buong pagkatao dahil kung gusto mo siyang makilala at kung nararamdaman mo na siya ang iyong hinahanap ang maari mo lamang gawin ay sundin ng maigi ang iyong puso Cassandra" tugon naman ni Manang Ofelia at sinabayan pa niya ito ng isang matamis na ngiti dahilan para ako ay mapangiti din ng labis.

Lumabas na akong nakangiti sa kwarto ni Manang Ofelia dahil lang sa sinabi niya na "Sundin ng maigi ang iyong puso" at iyon ang gagawin ko upang mapag tagumpayan ang misyong aking gagampanan.

Nandito na ako ngayon sa kwarto upang mag bihis dahil pupunta daw kami sa kaarawan ng matalik kong kaibigan na si Maria at nag iisip pa din ako kung anong ibibigay ko sa kaniya, buti nalang ay meron akong nakitang isang paruparong ipit baka magustohan niya ito kaya napag desisyonan ko na iyon ang ibibigay ko sa kaniya kaya binalot ko na iyon sa isang papel dahil wala pa namang gift wrapper sa panahong ito.

"Laura anak tayo na upang hindi tayo mahuli sa kaarawan ni Maria siguradong hinihintay niya ang iyong pag dating" tugon ni Donya Esmeralda sabay himas sa aking buhok.

Naalala ko tuloy si Mommy Tessa kung kamusta na siya siguradong nag aalala na sila Daddy Robert sa akin sobrang miss na miss ko na silang dalawa hindi ko na mahintay pa na matapos itong misyon ko upang sila ay makapiling ko ng muli.

Magkikita din tayo ulit Mommy and Daddy, I'm just stuck here for a while but i promise to go back for the both of you.

Sumakay na kami ngayon sa kalesa at maya-maya pa ay nakarating na kami sa kanilang bahay sobrang ganda ng mga desinyong naka bitay sa buong bahay nila parang nasa museum kami, at habang nag lilingon-lingon ako sa paligid ay sa hindi inaasahan na makikita kong muli ang lalaking nakita ko noon sa bahay nina Gobernador Ernesto.

Dugdugdugdugdug

Ano bang nangyayari sa akin bakit bigla nalang tumitibok ang puso ko ng ganito ka lakas pag nakikita ko siya.

Pero buti nalang ay nailigtas yung puso ko ng tumogtog na ang orchestra at may isang babaeng bumaba na ng dahan-dahan sa hagdanan na nakasuot ng magarbong baro't saya na nakangiti, pumalakpak naman yung mga tao at sinunod ko nalang sila baka siya na si Maria ang sinasabi nilang matalik kong kaibigan ang ganda pala niya sa personal.

Bigla siyang lumapit sa akin na abot tenga ang ngiti at ako ay kaniyang niyakap ng mahigpit.

"M-Maligayang Kaarawan sa iyo Maria" naiipit kong tugon sa kaniya habang magkayakap padin kami "Sobrang saya ko Laura na nandito ka sa kaarawan ko" excited niyang sabi at inabot ko na sa kaniya ang regalo na aking inihanda at mas napangiti naman siya ng lubos ng binuksan niya ang regalo at agad siyang napatalon talon sa saya.

Baka nga sobrang lakas ng friendship nila sa totoong Laura dahil sa pag trato niya sa akin ay itinuturing niya talaga ako na kaniyang kapatid. Hayyy...... nami-miss ko na din si Liza sa lahat ng pinag daanan namin kaya namin iyon malagpasan basta magkasama lang kami.

Pagkatapos namin mag kwentohan dalawa ay pumunta na siya sa ibang mga bisita upang sila ay kausapin at ako naman ay nasa gilid lang at pinag masdan ang mga tao at hindi ko na din makita ang lalaking aking nakita kanina saan kaya siya nag punta.

**********

Dear diary,

Mapag tagumpayan ko kaya ang misyon ko dito sa panahong 'to? Para makabalik na ako sa panahon ko, pero saan ako magsisimula sa aking mga gagawin.... Ni hindi pa nga ako naka-plano.

Nagugulumihanan,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon