Kabanata 12

41 2 0
                                    

[Kabanata 12]

Nandito ako ngayon sa hardin kasama si Donya Esmeralda, Don Antonio at si Manang Ofelia, kinalabit ko si Manang Ofelia "Manang, pwede ba tayo pumunta sa bayan? bibili lang ako nang santol dun" pabulong na tugon ko sa kaniya.

"Sige" sagot naman niya at lumapit naman si Manang Ofelia sa mag-asawa.

"Don Antonio, Donya Esmeralda maari ko bang isama si Laura sa bayan nababagot daw kase siya" pag papa-alam naman ni Mang Ofelia.

"Sige" sabay nilang sabi.

Nandito kami ngayon sa bayan humiwalay sakin si Manang Ofelia dahil may gusto daw siyang bilhin at baka mauna na daw siyang makauwi sa akin. Nang mabili ko na lahat nang gusto ko, hindi ko na hinanap si Manang Ofelia at naglakad na ako pauwi dahil alam ko naman kong saang direksyon ang pupunta papauwi sa bahay.

Habang naglalakad ako may naka bunggo sakin at yun ang dahilan para mabitawan ko ang dala kong bayong at matapon ang iilang laman nito.

"Paumanhin, Binibini" wika nang isang pamilyar na boses, tumingala ako kaagad para makita kung totoo ba ang hinala ko at yun totoo nga siya nga ang naka bunggo sa akin.

Sus.. kung di ko lang talaga 'to crush kanina ko pa 'to binugbog eh... HAHAHA.

"Pasensya kana Binibini, hindi ko iyon sinasadya" paghingi nito nang tawad.

"Ayos lang" maikli kong sagot sa kaniya, akmang bubuhatin ko na ang bayong nang maunahan niya ako.

"Ako na, kaya ko naman itong dalhin" pamimilit ko.

"Hindi bagay sa isang magandang binibini ang mag-buhat" wika nito na parang nag aasar at dahilan ng pagtibok nang puso ko.

Heart! umayos ayos ka riyan! chill ka lang jan okay!!!

Dugdugdugdugdug

"Binibini, namumula ang iyong pisngi, may sakit ka ba?" pag-aalala niyang tugon sa akin.

Nag-aalala nga ba? Mukha ngang nang-aasar eh. Ano ba kakainis naman 'to oh!!!

Alam ko naman eh, na namumula na ang pisngi ko kase mainit na iyon at ramdam na ramdam ko. Huwag mo nang ipa-alala.

"Ah.... wala lang ito, wag mo na itong pansinin pa, G-Ginoong Joaquin" palusot ko naman sa kaniya.

Tumango naman si Joaquin at hinayaan ko lang siyang dalhin ang bayong. Habang naglalakad kaming dalawa nagkwe-kwentohan kami at nagta-tawanan hanggang sa may sumalubong samin nang nasa tapat na ako ng hacienda.

"LAURA! Anong ibig sabihin nito?!" nagagalit na sigaw ni Don Antonio na ikinagulat naming dalawa ni Joaquin.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay ng dahil sa masayang kwentohan namin ni Joaquin, pero paano na 'to? hindi ko alam ang gagawin!!!

"A-ama?" nauutal kong sabi, hinablot naman ni Don Antonio ang aking braso na ikinagulat ko pa ng husto.

"Umalis ka na" madiing sabi ni Don Antonio kay Joaquin, ibibigay na sana ni Joaquin ang bayong ko nang bigla iyong hablotin ni Don Antonio.

"'Wag ka na ulit lalapit sa anak ko!" anito habang namumula na ang kaniyang mukha sa galit.

"A-ama, kaibigan—" di ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil naunahan na ako ni Joaquin sa pagsasalita.

"Paumanhin ngunit kaibigan ko lang ho ang inyong anak, Don Antonio" wika ni Joaquin habang may pangiginig sa kaniyang boses at nag umpisa na akong mag alala sa mga susunod na mangyayari.

"Wala akong pakialam, kung ikaw ay kaniyang kaibigan lamang oh.. hindi, ang akin lang wag kana lumapit sa kaniya, Entiendes (Understand)?" madiin nitong sabi at hinigpitan pa ang pag hawak sa aking braso at nag umpisa na itong mangalay napangiwi naman ako sa kirot niyon.

Yumuko lamang si Joaquin at tumingin sa akin sa huling pagkakataon bago nagpaalam habang ako naiwan ditong abot-abot ang kaba sa nararamdaman.

"Pumasok ka sa pamamahay at ika'y magpaliwanag" pagtulak niya sa akin buti nalang ay hindi ako na tumba sa sahig.

Pumasok naman kaagad ako at sinalubong ako ni Manang Ofelia na kasama si Olivia at Emilia "Ama, ano ang nangyayari bakit ka galit?" nag-aalalang tanong ni Emilia kay Don Antonio.

"'Wag niyo akong intindihin, may mahalaga lang akong sasabihin sa inyong kapatid na si Laura" anito.

Nang makapasok kami sa silid na ginagamit ni Don Antonio sa kaniyang pag ta-trabaho ay ka-agad na siyang umupo sa bakanteng silya na andoon.

"Diba sinabi ko na sa iyo na wag kang lalapit sa mga Martinez?" pag sermon niya sa akin.

"Ano po ang inyong ibig sabihin? Hindi ako lumalapit sa kanila" madiin ko namang sagot sa kaniya pero hindi ko iyon pinahalata

"Lumapit ka na!" sigaw nito "at kay Joaquin Martinez pa talaga! ha!" dag-dag pa niyang sigaw sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "Oo nga pala nakalimotan kong isa palang Martinez si Joaquin" bulong ko pero narinig padin iyon ni Don Antonio.

Alam ko naman iyon noong una kaming nagkakilala at nag-usap na din kami tungkol doon pero mukhang habang lumilipas ang araw na magkasama at nag kwe-kwentohan kaming dalawa ay nakalimotan ko na isa siyang Martinez. Nakalimotan naming magka-away ang aming mga pamilya.

"Bakit?!..... nakalimotan mo bang kaaway sila ng pamilya natin!" anito "at hindi ka lalabas nang bahay na ito hanggang di kita pinayagan na lumabas, naiintindihan mo ba, Laura?!" tanong niya sa akin na sabay sigaw.

"Pero, Ama—" pagreklamo ko sa utos niya pero hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla niya akong sinapawan.

"'Wag kanang pumalag, Laura" anito.

Ano na ang gagawin ko nito paano ko matatapos ang misyon ko kung hindi ako papayagan ni Don Antonio na lumabas ng bahay.

Parang napansin ko din kanina ang mukha ni Don Antonio parang hindi ko na siya kilala dahil sa galit niya ng nakita niya kami ni Joaquin na mag kasama, kasi ang unang kita ko palang kay Don Antonio sa panahong ito parang masayahin naman yung mukha niya pero nung kanina hindi ko ma paliwanag ang ginawa niya, baka nga ay hindi ko pa alam ang totoo niyang kulay.

Naiintindihan ko naman kaunti si Don Antonio dahil sa panahon noon hindi talaga pwede makihalubilo ang mga babae sa mga kalalakihan.

Sana naman talaga hindi din niya ako ikulong sa silid ko upang maka usap ko si Manang Ofelia dahil gusto ko talaga siyang tanungin kung totoo bang masama ang ugali ni Don Antonio, alam ba din ni Donya Esmeralda ang ugali niya o hindi pa.

"Wahhh!!!... Hindi ko na talaga alam nababaliw na ako sa kaka-isip ng mabuti" pabulong kong sabi sabay hawak sa ulo ko.

Nai-istress na talaga ako kakaisip ng mga dapat kong gawin!!!

**********

Dear Diary,

Hindi naba talaga ako makakalabas pa ng bahay kapag hindi ako pinayagan ni Don Antonio..... Send help Manang Ofelia!!!!

Natataranta,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon