Kabanata 10

52 2 0
                                    

[Kabanata 10]

Nandito parin ako ngayon sa kwarto upang mapag-isipan ko ng mabuti ang nangyari kahapon, nag English pa talaga ako sa harapan ni Joaquin ah, ready na talaga akong tumanggap ng Weirdest Person in the Philippine History Award sa ginawa ko nakakahiya talaga wahhh......

Laura, hindi ka na nag-iisa sa pagtanggap ng award. HAHAHAHAHA....


Makalipas ang ilang oras sa pag iisip bigla akong tinawag ni Donya Esmeralda sa ibaba, "Laura anak, gusto mo bang turoan kita kung paano magluto ng Sinigang De Baltazar gaya ng ipinangako ko sa iyo noong nakaraang araw?" wika niya sa akin.

Buti na lang ay pina-alala ni Donya Esmeralda sa akin na totoruan niya akong magluto upang makalimutan ko ang lahat ng iniisip ko, kasi kahapon pag dating pa ako na mo-moblema tungkol sa mga pinanggaga-gawa ko sa buhay haystt...

"Bago kita turuan hija pwede mo ba ako samahan sa kabilang bayan upang bumili ng mga sangkap sa lulutuin natin" tugon naman ni Donya Esmeralda na tinanguan ko lang upang pumayag sa kaniyang sinabi.


Tapos na kaming magbihis dalawa ni Donya Esmeralda at sumakay na sa kalesa upang magpahatid doon sa tabing ilog at tumawid papunta sa kabilang bayan upang bumili ng mga sangkap na ka-kailanganin namin para sa aming lulutuin mamaya ni Donya Esmeralda.

Nakatawid na kami ngayon sa ilog at patungo na kaming dalawa sa palengke, pag dating namin ay tinulongan ko si Donya Esmeralda na mamili ng mga sangkap at tinulongan ko din siyang dalhin ang mga dala-dala niya.

Nang matapos na kami at nabili na namin lahat ng mga kinailangan namin sa pag luluto ng Sinigang De Baltazar ay umuwi na kami kaagad.


Ngayon ay kakarating lang namin ni Donya Esmeralda sa bahay at sinabihan niya ako na mag uumpisa na kami sa pagluluto.

Tinulongan ko siyang mag hiwa ng mga sangkap at doon namin iyon lulutuin sa palayok na di-gaanong malaki at di-gaanong maliit sakto lang.

Tinulongan din ako ni Donya Esmeralda kung paano pinag ha-halo ang mga sangkap sa palayok at kung paano lutuin ang baboy na aming hinawa-hiwa, tinuruan niya din ako king paano pinapakuluan ang baboy para hindi maging matigas kapag kinagat mo na.

Nalaman ko na din kung ano ang sekretong sangkap ng sinigang na espesyal sa pamilyang Baltazar ito ay ang pagmamahal.

Sabi pa ni Donya Esmeralda 'Kung gusto mong ihain ng pagkain ang iyong pamilya o kung sino man na importante sa iyo ay ibuhos mo doon ang iyong pagmamahal sa mga taong lulutuan mo niyon para matikman at nam-namin nila ang sarap ng iyong pagmamahal na ibinuhos mo sa iyong nilutong pagkain'

Makalipas ang ilang minutong pagsa-ulo lahat ay nakabisado ko na ang mga gagawin at alam ko na din kung paano timplahan ng sakto ang aking niluluto nilagyan ko naman ito ng siling labuyo upang umanghang at maging mas masarap pa ito.

Siguradong masasarapan sila nitong luto ko, sigurado 'yan walang halong pandududa. Mahusay kasi ako eh. Hehehe...

Inihain na namin ni Donya Esmeralda ang masarap naming niluto, tinawag na rin namin si Don Antonio at si Olivia.

Bumaba naman sila kaagad pag tawag namin sa kanilang dalawa, "Antonio, Olivia tikman niyo ang niluto ng ating bunso siguradong masasarapan kayo nito" natutuwang tugon ni Donya Esmeralda, tinikman naman nila itong dalawa ng sabay.

"Ang sarap nga Laura marunong ka na talagang magluto ng Sinigang De Baltazar" excited na sabi ni Olivia at tinanguan lang ako ni Don Antonio upang sumang-ayon sa sinabi ni Olivia sa aking niluto.

Sabay-sabay na kaming umupo at mag umpisang kumain, "kung andito din si Emilia siguradong masasarapan din siya sa niluto mo Laura" dagdag pa ni Olivia.

"Bukas na bukas ay sasalubongin natin ang inyung kapatid sa daungan dahil babalik na siya dito, dahil salamat sa Diyos ay wala ng sakit ang inyung Tiya Flora" masayang wika ni Donya Esmeralda na ikina-ngiti naming dalawa ni Olivia.

Yes! Kompleto na din ulit kaming tatlo.

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na ni Olivia ang mga pinggan na aming pinag-kainan at tinulongan ko naman siya, hinugasan namin ng sabay ito.

Umangal ang mga kasambahay na sila na daw pero pinagpahinga na namin sila, andami na kasi nilang nagawa kaya kailangan nila ng pahinga.

Pumunta na ako ngayon sa kwarto dahil wala akong ganang lumabas nakakahiyang makita si Joaquin hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kaniya baka kapag nagkita kami tatawanan lang niya ako o aasarin.


"Hija bumangon ka na upang maligo at magbihis dahil sasalubongin niyo na ngayong araw si Emilia" tugon ni Manang Ofelia, "sige po Manang Ofelia babangon ako mamaya" sagot ko naman sa kaniya at umalis na siya.

Ngayong araw namin sasalubongin si Emilia sa daungan galing Cebu at excited na akong makita nanaman siyang muli.

Bumangon na ako sa kama at dali-daling naligo at nagbihis, pagdating ko sa ibaba ay nakita ko sina Don Antonio, Donya Esmeralda at Olivia na naghihintay sa akin upang sabay na kaming sumakay sa kalesa.


Pag dating namin sa daungan ay hindi pa dumating yung barkong sinasakyan ni Emilia mukhang napa-aga kami ng dating, maka lipas ang ilang oras naming pag hihintay dumating na ang barkong nanggaling sa Cebu at maraming tao ang bumaba sa isang malaking kahoy na barko na ang ganda tingnan sa labas at ng lumiit na ang mga tao na bumababa nakita na namin si Emilia na kumakaway papalapit sa amin, sinalubong naman namin siya ng yakap at matatamis na mga ngiti.

"Anak kamusta ka naman doon sa Sugbo (Cebu), naa-lagaan mo ba ng mabuti ang iyong kalusugan anak?" tanong naman ni Donya Esmeralda sabay himas sa ulo ni Emilia, lumapit naman si Emilia sa aming dalawa ni Olivia at nag group hug kaming tatlo at nakangiti lang ng malaki sina Don Antonio at Donya Esmeralda habang nakatingin sa aming tatlo na nag-yayakapan.

Ang saya namang isipin na ang ganda ng buhay dito sa sinaunang panahon dahil ngayon lang talaga ako naka-ranas na may kapatid dahil ako lang ang nag iisang anak nina Mommy and Daddy.

Makalipas ang ilang minuto ay oras na para umuwi at sumakay na kami sa kalesa pati na din ang kaniyang mga bagahe isinakay na din ng aming cochero, "Ate Olivia, Laura pumasyal naman tayong tatlo bukas" masayang tugon ni Emilia sa aming dalawa.

"Sige, Ate Emilia ako ay sumasang-ayon sa alok mo" sagot ko naman sa kaniya at masayang tumango-tango lang si Olivia dahil nagustohan din niya ang ideya na sinabi ni Emilia.

Sobrang hindi na ako makapag hintay na pumasyal na kaming tatlo lang ang mag kasama, siguradong masaya silang kausap at kasama.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon