Kabanata 25

24 1 0
                                    

[Kabanata 25]

Ika-3 na ng Marso 1894 ngayon, ilang buwan na din akong nandito sa panahong ito, at wala pa ding improvement yung misyon ko haystt....

May kumatok ng bigla sa pinto at bumugad naman sa akin si Emilia na parang mapupunit na ang mukha kakangiti.

"Laura, merong ipinadala sa iyo ang nobyo mo" pang-aasar pa niya sabay abot sa akin ng isang baol, binuksan ko iyon at nakita ko ang isang sulat.

Nahihiya akong buksan ang sulat na iyon dahil alam kong mas aasarin pa ako ni Emilia, tiningnan ko lang siya habang hawak-hawak ang hindi pa nabubuksang sulat galing kay Joaquin.

"Sige na nga lalabas na ako" anito habang nakasimangot na di kala-unan ay natawa dahil sa akin.

Binuksan ko na ng dahan-dahan ang sulat na ini-abot sa akin ni Emilia at nakaka-sigurado ako na galing iyon kay Joaquin dahil sa reaksyon niya kanina.

Mahal kong Laura,

Kumusta ka na? Pwede ba tayong magkita sa ilog ng buhay? Doon lamang ako maghihintay sa iyo dahil alam kong walang makakakita sa atin, masisiyahan ako kapag ikaw ay dadating.

Nagmamahal,
Joaquin

What... Paano niya nalaman yung sikreto naming pasyalan... Kailangan ko ng pumunta doon like now na Cassandra.

Pagtayo ko sa kama bigla namang pumasok si Emilia "kapatid ko, sabay na tayong pumunta doon upang ihatid kita at magkikita pa kami ngayon ni Alejandro sa plaza, alam na ito ni Ate Olivia kaya tara na" pabulong nitong sabi.

Nakapag-paalam na din kami kay Don Antonio at pumayag naman ito, ng makarating na kami sa tapat ng Doraemon Door (sikretog pinto sa likod ng malaking puno)

Doraemon Door nalang itatawag ko dun total hindi naman kasi nila sinabi pangalan non eh....

Umalis na si Emilia at nagtungo na sa plaza dahil magkikita sila ngayon ni Alejandro ang nakatatandang kapatid ni Joaquin.

Habang gumagapang na ako papasok ay nagulat ako ng may biglang tumulong sa akin at sa hindi inaasahan ay si Joaquin na pala iyon.

Nagkatinginan kaming dalawa at sobra talagang nakaka-silaw ang kaniyang kagwapohan... Wahhhhhhh......

Dugdugdugdugdug

Jusko.... Ito nanaman tayo sa kilig-kilig na iya. huhuhuhu!!!

Ayan na naman puso ano ba...

Umiwas na ako sa patingin-tingin niya sa akin baka sasabog na puso ko kakatibok ngayon.

Inalalayan na niya ako patayo at doon pina-upo sa tabi ng ilog katabi niya.

"Binibini, pasensya ka na kung bakit palagi kitang gusto makita kahit alam ko na nahihirapan kang lumabas sa inyu dahil sa nangyari"

"At hindi ko din alam kung bakit ako nagkaka-ganito sa iyo, baka nga nangungulila lang talaga ako ng sobra sa iyo" dag-dag pa niya habang tinitingnan ako ng diretso sa mata.

Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil kitang-kita sa mga mata niya ang pagiging tapat.

Gusto ko nang sabihin sa kaniya na mahal ko siya at hindi din ako nakaramdam ng ganito sa ibang mga lalaki kundi siya lang, siya lang talaga.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito, Ginoo" pag-iiba ko ng usapan para hindi niya mapansin ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon.

"Dito kasi minsan nagkikita si Kuya Alejandro at iyong Ate Emilia, at minsan na din akong nakapasyal dito ng mag isa at ngayon hindi na dahil kasama na kita" anito.

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng dahil sa sinabi niya.

Harot naman ng lalaking to, ngunit bakit nagustohan ko yung sinabi niya? nung na experience kong sinabihan ng ganun sa panahon ko para akong nababadoyan dahil sobrang makaluma na ang style, pero bakit ngayon....

Wahhhhh..... Bakit naman..... Ano na nangyari, at sobrang lakas naman ng tama ni Joaquin sa akin.

Nabigla ako ng may isang paru-parong pumatong sa balikat ko at tinawanan lang ako ni Joaquin, kinurot ko naman ang braso niya dahilan para mapa-aray siya sa sakit.

Kaya kinuha ko ang kaniyang braso at akin itong inihipan habang hinimas-himas dahil namumula ito.

"Pasensya na hindi ko lang talaga na kontrol ang sarili ko kasi naman eh... pinagtatawanan mo ako" sabi ko pa sa kaniya at hindi naman siya umimik.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginawa ko sa kaniya ay bigla siya napayuko sa akin, at dahan-dahan ko namang tinataas ang aking ulo at sa hindi inaasahan ay biglang nagtagpo ang aming mga mata.

Dugdugdugdugdug

Hindi ko na pinansin ang malakas na pagtibok ng puso ko, dahil sa mga oras na ito gusto kong makita niya sa mga mata ko ang sinseridad at gusto ko na malaman niya galing sa mga mata kong mahal ko na siya.

JOAQUIN'S POV

Habang tinitigan ko ang mga mata niya, ay punong-puno ito ng mga emosyon na nararamdaman niya, emosyon na hindi kayang sabihin ng kaniyang bibig.

Gusto ko sanang tanungin sa kaniya ang totoo niyang nararamdaman ngunit bigla siyang umiwas sa pagtingin ng diretso sa mga mata ko at yumuko.

"Pasensya na, dahil nadala lang din ako sa emosyon ko ng asarin kita" paghingi ko ng tawad at tumango lang siya na ngayon ay nakayuko pa din ang ulo.

~Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo
San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'sahan di mag kalayo~

~Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik~

~Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw
Malayo ka man sana'y maalala mo
Kailan man pangako di magkalayo~

Nakauwi na ako ngayon sa aming tahanan habang dala-dala ko pa din sa aking isipan kung ano nga ba talaga ang totoong nararamdaman ni Laura sa pagkakataong iyon.

"Joaquin, bukas na bukas ay meron tayong importanteng pag-uusapan kasabay ng mga Enriquez tungkol sa inyung dalawa ni Maria" tugon ng aking ama dahilan para matauhan ako at nandito kami ngayong lahat sa hapag.

Para akong kinakabahan sa sinabi ni Ama dahil tungkol daw sa amin ni Maria. Tumingin naman ako kay Ina, Kuya Alejandro at Constancia para malaman ang nangyayari ngunit naka yuko lang sila lahat at kumakain.

Ano kaya ang pag-uusapan ng aming dalawang pamilya bukas?

May mali ba akong nagawa?

Alam na naman nila lahat, na wala na akong pagtingin kay Binibining Maria...

Dahil si Laura na ang laman ng aking puso't isipan. At hinding hindi iyan magbabago

**********
[Hiling: Jay-R Siaboc]

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon