Kabanata 38

21 1 0
                                    

A/N: Muli nating balikan ang paglalakbay ng ating bidang babae sa sinaunang panahon... Maligayang pagbabasa sa lahat!

-PNR

[Kabanata 38]

"Tulong! Tulong!" sigaw ko habang may mga lalaking humawak sa akin ng sobrang higpit na nakakasiguro akong mga tulisan.

Kanina lumabas ako ng bahay upang pumunta sana sa palikuran dahil sobrang nai-ihi na ako, pero ng papasok na sana ako biglang may humila sa akin ng napakalakas at tinakpan ang aking mukha.

Sobrang kinakabahan na ako habang hawak-hawak nila ako ng mahigpit, na-aninag ko ang limang mga lalaking naka-itim at nakasuot ng pang magsasaka na damit at nakatakip ang mukha na tanging ang mga mata lang nila ang nakikita.

Sigaw lang ako ng sigaw pero parang walang nakakarinig sa akin at patuloy pa din nila akong hinahatak.



Pagkalipas ng ilang minuto naramdaman kong dahan-dahan na silang nag-lalakad kaya balikwas ako ng balikwas para mabitawan nila ako pero bigla nalang nila akong tinulak at muntik na akong napasubsob sa sahig buti nalang ay na kontrol ko ang aking katawan.

Napa-upo ako sa isang hindi gaanong basang sahig at madaming mga bato sa paligid, naririnig ko ang mga mahinang tunog ng mga insekto at mga mahinang patak-patak ng tubig mula sa ibabaw.

Nasa kweba ba ako? Anong gagawin nila sa akin? Kinakabahan na ako ngayon...

Don Antonio, Donya Esmeralda, Ate Olivia, Ate Emilia at Joaquin iligtas ninyu ako.... Please.... Parang-awa niyo na...

Sa mga oras na ito gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko dahil kailangan kong maging matatag at alam kong makakalabas din ako dito... Sana nga.



Ilang minuto pa ay may narinig akong yabag ng kabayo na papalapit at huminto pagdating sa labas ng kuweba.

Narinig ko din ang pagbaba nito at nararamdaman kong lumalapit sa kong saan ako naroon.

"Sa ngayon huwag niyo munang saktan ang babaeng 'yan may sasabihin lang ako" pabulong na sabi ng isang boses lalaki na nakasisiguro akong may edad na.

Pabulong lang iyon pero ginawa ko padin ang lahat para marinig ko ang kaniyang sinabi na ikinakaba ko pa lalo.

"Masusunod po, Senyor" narinig kong tugon ng isang lalaki.

Senyor? Sino siya? Anong pakay niya sa akin? Anong kasalanan ko sa kaniya?

Napakaraming mga tanong ang bumabagabag sa isip ko pero hindi ko man lang iyon magawang sagutin kasi hindi ko din alam ang sagot.



Nararamdaman ko ang mga yabag ng paa na papalapit sa akin kaya umusog ako para lumayo pero tinawanan lang ako ng huli.

"Oh... Binibini huwag kang lumayo hindi naman kita sasaktan.... Hindi pa sa ngayon" tugon ng lalaki na may katandaan na ang boses na alam kong siya yung tinawag nila kaninang Senyor.

"Anong kailangan mo sa 'kin?! Pakawalan nyo 'ko!!! Tulong! Tulong! Iligtas nyo 'ko" patuloy kong pagsigaw wala na akong pake kung mamaos man ako ang importante ay makawala at makatakas ako dito.

Narinig ko ang malakas at sarkastikong tawa ng Senyor na tinatawag nila kanina pero nagpatuloy padin ako sa pag-sigaw.



Ilang segundo akong sumigaw ng sumigaw hanggang sa bigla akong sinampal ng malakas ng isang kamay, napatigil ako sa pag-sigaw dahil sa sakit na dulot ng sampal na iyon.

Nakalasa ako ng dugo gilid ng aking labi pero isina-walang bahala ko lang 'yon pero nakatanggap na naman ako ng malakas na sampal sa kabilang pisngi kaya dalawang labi ko na ngayon ang masaganang dumurugo.

"Huwag kang maingay o ipapatay kita, ay hindi 'yong minamahal mo nalang na si Joaquin Martinez ang aking ipapapatay" natulos ako sa kina-uupuan ko ng marinig ang binulong niya sa akin kaya kahit natatakot na ako ng sobra ngayon sa mga gagawin niya nagsalita pa din ako pabalik ngunit pabulong din.

"Sino ka?" matigas kong tanong sa kaniya.

Pero mas lumapit pa siya sa tenga ko at nagsalita na mas ikina-gulat, at ikina-tulos ko na halos wala ng lumabas na mga salita sa bibig ko at puro malalakas na tambol lang ng puso ko, ang mga tubig na pumapatak sa paligid at ang mabagal at malakas niyang tawa ang mga naririnig ko.

"Huwag kang magkamaling itigil ang kasal ninyu ni Ginoong Isagani kung ayaw mong mamatay si Joaquin at maging miserable ang iyong magiging buhay sa makabagong panahon.....  Binibining Cassandra"




JOAQUIN'S POV

Narito ako ngayon sa kabilang bayan upang bumili ng mga kagamitan para sa mga bata, dahil araw-araw ay may mga batang sumasali sa aking klase dahil gusto nilang matuto at mahasa ang kanilang mga kaalaman sa mga bagay-bagay kaya sobra akong nasisisyahan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipili ng tumambad sa aking harapan ang pagod at hinihingal na si Isay ang katulong na itinuring ni Laura na kaibigan.

"G-Ginoo.... S-Si Binibining..... L-Laura po" humihingal at nauutal siyang nagsasalita kaya pinahinga ko muna siya para makapagsalita siya ng maayos.

Nag-uumpisa na akong mangamba ng marinig ang pangalan ni Laura sa pangungusap na sinabi niya kanina.



Ilang minuto nakita kong kumalma na siya at inaabangan ko na din ang mga susunod niyang sasabihin.

"Si Binibining Laura po nawawala" para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa nalaman ko.

"Ano? A-Anong nangyari?" nauutal kong tanong at pilit na pinapakalma din ang sarili ko upang alam ko ang mga dapat at susunod kong mga gagawin.

Hindi din mawala sa aking isipan ang mga katanungan tulad ng...

Bakit siya nawawala? Ano ba ang nangyari? May dumukot ba sa kaniya? Kung meron sino at paano?

"Ikwento mo sa akin ang nangyari Isay" dag-dag kong tugon at tumango naman siya.



"Ganito po kasi ang nangyari, kanina pumunta ang Binibini sa palikuran dahil na-iihi na daw siya tapos nagtaka po kami kung bakit hindi na siya nakabalik kaya sinundan ko po siya sa palikuran at tatawagin ko na sana siya ng makita ko ang isang bakya niya na naiwan kaya nagsimula na akong mangamba at tumakbo ako sa loob dala-dala ang bakya niya at sinabihan ang kaniyang mga magulang at kapatid"

"Kaya pareho kaming natatakot at natataranta na ngayon sa paghahanap kung nasaan ang aming Binibini"

"Pati narin ang pamilya ni Ginoong Isagani ay alam na din po kaya napag-desisyonan kong ipa-alam din po sa inyu dahil karapatan niyo po iyon bilang kasintahan ni Binibining Laura" dag-dag niya pang kwento hininaan niya lang ang boses niya para walang ibang makarinig.



"Nagpapasalamat ako sa iyo Isay dahil sinabihan mo ako huwag kang mag-alala gagawin ko ang aking makakaya para iligtas at iuwi ko siya sa kanilang tahanan na ligtas" binigyan ko siya ng munting ngiti para siguradohin siyang ililigtas ko talaga si Laura, dahilan para gumaan ang pakiramdam niya at ngumiti din ng bahagya.

"Maraming Salamat ho ulit, Ginoong Joaquin sige po mauna na po ako baka hinahanap na nila ako doon sa mansiyon. Mag ingat po kayo sa pagliligtas kay Binibining Laura" yumuko siya bago umalis tumango naman ako sa kaniya.

Huwag kang mag-alala aking mahal, pangakong hahanapin, ililigtas at iuuwi kita sa iyong pamilya.... Hintayin mo ako.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon