Kabanata 35

30 1 4
                                    

A/N: Muli nanaman nating alamin ang mga pangyayari sa makabagong panahon at kung ano ang kanilang mga pinagdadaanan.

-PNR

[Kabanata 35]

DAVID'S POV

"Laura? Maari ba kitang maka-usap kahit sa huling pagkakataon man lang bago ako umalis" nahihiya kong tugon sa kaniya.

Nandito ako sa bahay nila dahil pinuntahan ko siya upang kausapin sa huling pagkakataon bago ako lumayo sa kaniya.

"Oo, s-sige" nakayuko niyang tugon.

Lumabas muna kami saglit at umupo sa kanilang hardin, pareho kaming nakatingin sa malawak na lupain at mga bulaklak ngayon.

Inilabas ko ang tangkay ng mga puting rosas at inabot sa kaniya, dahan dahan naman niya itong kinuha at tumingin sa akin ng diretso bago yumuko ulit.

"P-Patawad..... I-Isagani" nakayuko padin niyang tugon halos hindi na makatingin sa akin ng diretso.

Napabalikwas ako ulit ng bangon dahil nanaginip na naman ako ulit.

I always wake up at 3am in the morning everyday because that dream, that kind of dream always bugs my sleeps.

And i don't even understand, why am i dreaming about that kind of scene over and over again.

That girl Laura, her face is just so similar with the face of the woman i love... Cassandra.

Hindi ko alam kong ano talaga lahat ng detalye sa panaginip na iyon pero kumukirot 'yong puso ko sa tuwing napapanaginipan ko iyon.

Hindi pa alam ni Lucas na mukhang konektado talaga lahat ng mga panaginip naming dalawa, kaya hinahayaan kong magsabi si Lucas sa akin sa mga iba't ibang mga panaginip niya na pwedeng maikonekta sa panaginip ko at ang ginagawa ko lang para sa kaniya tuwing nagsasabi siya ay aasarin siya para hindi niya se-seryosohin iyon.

I suddenly stopped thinking when my phone suddenly rang and it reveals Lucas' name.

"Pre, siguradohin mong importante to kung ayaw mong ma pilay" pang-aasar ko pero ang totoo ay kating-kati na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga panaginip ko pero nahihiya ako.

"Nanaginip na naman ako, ulit" bungad ni Lucas sa akin.

"Ano ba Lucas, alas-tres palang ng umaga baka past life mo 'yang mga napanaginipan mo ng paulit-ulit"

Kagaya ko.

Gusto kong sabihin 'yon pero hindi kayang lumabas sa bibig ko ang mga bawat tunog ng salitang iyon.

Ikinuwento pa ni Lucas sa akin ang bawat detalye sa panaginip niya bago nag-paalam para mag ayos na dahil may klase pa kami ngayon.

LUCAS' POV

Heto na naman ako gumigising ng alas-tres ng umaga araw-araw dahil sa mga panaginip na hindi ko maintindihan kung totoo bang nangyari iyon sa akin o hindi.

Hindi ko alam pero sa tuwing nananaginip ako ng mga tungkol doon at nakikita ko sa panaginip ko si Laura parang nangungulila ako at gustong gusto ko siyang makita, mayakap at makasamang.... muli.

I need to find her, wala akong pakialam kung kailangan ko pang halughugin ang buong mundo basta makita lang siya. Iyon lang ang kailangan ko.

Tinawagan ko na din si David para sabihan siya sa mga napanaginipan ko mukhang hindi ko lang talaga kayang itago sa kaniya ang tungkol dito, kahit pa inaasar niya lang ako alam kong pinakikinggan niya lahat ng mga sinasabi ko.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon