Kabanata 13

44 1 0
                                    

[Kabanata 13]

Nandito ako ngayon sa kwarto na nakahiga habang nakatingin sa kesami, dahil hindi din ako pinayagan ni Don Antonio na lumabas ng aking silid at sa bahay kung di niya ako pinayapayagan.

Ilang minuto ay may biglang pumasok sa silid ko at ito ay si Manang Ofelia "Cassandra, kumain ka na para may lakas ka" tugon niya sa akin habang dala-dala ang aking pag kain at inilagay ito sa tabi ko.

"Manang ayaw ko pa pong kumain hindi pa po ako nagugutom, iwan niyo po muna ako" suway ko naman sa kaniya dahil wala talaga akong gana kumain.

Tumango lang si Manang Ofelia at dumiretso ng lumabas sa kwarto at isinara iyon, humiga naman ako ulit at meron namang pumasok bigla sa kwarto.

"Manang ayaw ko pa pong----" hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng makita ko kung sino ang pumasok sa silid ko.

"A-Ama?....a-ano pong......ginagawa niyo dito?...." nauutal kong sabi.

"Nandito ako dahil napag desisyonan kong ipadala ka sa Sugbo doon sa Tiya Flora mo upang makalimutan mo si Joaquin at hindi kayo magkitang dalawa!!" madiin niyang tugon sa harapan ko, nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng madinig ko ang sinabi niya.

"P-Pero A-Ama... bakit naman po? ayaw ko pong pumunta doon..... sino naman po ang kasama ko?..." suway ko sa kaniya dahil di ko gustong umalis dito, at higit sa lahat may misyon pa akong gagawin.

"Pasasamahan kita kay Manang Ofelia para mahimas-masan yang utak mo na hindi ang mga Martinez ang karapat dapat sa iyo!!" pasigaw niyang sabi sa akin.

Parang nanluwag naman yung puso ko ng marinig ang sinabi niya na si Manang Ofelia ang sasama sa akin papuntang Cebu, lumabas naman ka agad si Don Antonio sa kwarto ko.

Paano ko mapag tagumpayan ang misyon na ito kung ipapadala ako ni Don Antonio sa bahay ni Tiya Flora at piliting kalimotan si Joaquin, mas nawalan ako ng gana kumain sa sinabi sa akin ni Don Antonio kanina.


Gabi na ngayon at natutulog na ang lahat kaya napag desisyonan kong lumabas ng kwarto at puntahan si Manang Ofelia sa kaniyang silid upang siya ay maka-usap, dahan-dahan akong lumabas at naglakad pababa para hindi nila ako marinig.

Nang naka baba na ako dumiretso ka-agad ako sa kwarto ni Manang Ofelia "Manang! buksan mo po yung pinto ako ito si Cassandra" pabulong kong sigaw habang kumakatok sa pinto ng silid niya, binuksan niya naman ito ka-agad.

"Ano ang ginagawa mo dito baka ma huli ka ni Don Antonio halika pumasok ka" wika naman ni Manang Ofelia at dali-dali niya akong pina pasok sa kaniyang kwarto.

"Manang Ofelia alam mo na po ba na ipapadala ako ni Don Antonio sa Cebu?" tanong ko sa kaniya tumango naman siya "at ako ang nag boluntaryo na samahan ka doon upang hindi ka mag isa" dag-dag pa niya, nakahinga nalang talaga ako ng maluwag sa nalaman ko.

"Pero Manang Ofelia, paano ko matatapos ang misyon ko kapag wala ako dito at wala naman doon sa Cebu si Joaquin?" nagtataka kong tanong sa kaniya at bigla naman siyang ngumiti na ikina-pagtataka ko.

Ano ba to si Manang Ofelia natataranta na nga ako sa kung ano ang gagawin, ngi-ngitian pa niya ako. Hayyy... Naalala ko tuloy yung mga ngiti ni Joaquin.

"'Wag kang mag alala Cassandra gagawan natin iyan ng paraan upang magagawa mo ng patuloy ang iyong misyon" anito.

Tutal may point naman talaga si Manang Ofelia, mag iisip ako ng paraan upang maipag patuloy ko pa din ang misyon ko.

Ngayong araw na kami aalis ni Manang Ofelia papuntang Cebu at mamayang hapon na kami pupunta sa daungan upang sumakay ng barko, tinulongan ako ni Manang Ofelia sa pag i-impake.

Nasa labas na kami ngayon ng bahay at inihatid kami nina Donya Esmeralda, Olivia at Emilia sa labas at inihanda na nila ang mga kalesa para ihatid kaming dalawa ni Manang Ofelia sa daungan, hindi na din sila pinayagan ni Don Antonio na ihatid kami sa daongan dahil kasama ko daw si Manang Ofelia.

Nakasakay na kami ngayong dalawa ni Manang Ofelia sa kalesa at kumakaway na sa amin silang tatlo habang papalayo na nang andar ang kalesa, malungkot mang isipin na hindi ko sila makikita ng ilang araw, buwan o taon at sobrang mami-miss ko sila pero alam ko sa sarili ko na makakahanap at makakahanap din ako ng solusyon para makita ko silang muli lalong lalo na si Joaquin.

Hinding-hindi ko din makakalimutan na may misyon pa akong gagampanan, ipinadala din sa akin ni Manang Ofelia ang diary at ang bulaklak para i-update ang mga nangyayari sa aking buhay sa panahong ito.

Kakarating lang namin ngayon sa daungan ng barko at bumaba na kami sa kalesa, tinulongan kami ng cochero na kunin ang aming mga gamit, ng nakuha na namin ito ay nag hintay muna kami ng saglit ni Manang Ofelia sa barko na aming sasakyan dahil napa-aga yata kami ng kaunti sa pag dating dito.


Makalipas ang ilang araw ay narating na namin ang Sugbo, may isang magandang babaeng sumalubong samin na may katandaan nadin "Laura, hija" kuha nito sa atensyon ko.

Siniko ako ni Manang Ofelia at bumulong "iyan ang tiya mo"

Kaagad naman akong lumapit sa babae at yumakap "Laura, ang ganda mo na hija" tinignan ako nang husto nang babae na para bang sinusuri ako kung ako ba talaga ang pamangkin niya.

"Parang hindi ikaw si Laura, hindi kase ganiyan ang kulay nang kaniyang mga mata, kulay kayumanggi iyon at may pagkamaitim nang kaunti pero ang sa'yo ay itim lang lahat" sabi nito.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya "shocks! bistado naba ako?" pabulong kong sabi.

Tumingin siya kay Manang Ofelia. "Manang, parang iba si Laura" anito.

"Donya Flora, aamin ako, hindi siya si Laura na inyong pamangkin, Dahil siya si Cassandra, isang dalaga na nanggaling sa makabagong panahon at meron siyang misyon dito na dapat gawin sa loob nang 365 na araw" pag amin naman ni Manang Ofelia kay Donya Flora.

Napatingin sakin si Donya Flora at ngumiti "may naka-engkwentro na akong ganito. Isang babae na hinanap ang magiging asawa niya sa hinaharap at ito'y kaniyang napagtagumpayan"

Nagkatinginan kami ni Manang Ofelia "So, can you help me?" excited kong tanong, nakita kong nagtaka siya at dun ko lang napansin bakit ganon ang reaksyon niya.

"Ahhhh... ang ibig ko pong sabihin ay, matutulungan niyo po ba ako sa misyon ko?" pagtama ko sa aking sinabi.

"Oo, siguro pero umuwi muna tayo, ang init dito sa Pier, dun natin pag-usapan ang misyon mo" anito.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon