Kabanata 17

31 2 0
                                    

[Kabanata 17]

Nagising ako dahil sa ibang amoy ng aking paligid. Ang mga amoy ay hindi ko gusto at nawi-werdohan ako, kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata kahit ang bigat imulat ay pinilit ko pa din at isang puting kisame ang namulatan ko, pinaikot ko pa ang paningin ko at pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko at nakita kong may nakakabit itong IV at iba pang kaechosan sa hospital.

Speaking of Hospital.... Bakit ako nandito? shocks what happen?!...

"Baby, you're awake....." sabi ng pamilyar na boses kaya ka-agad ko itong nilingon at nakita ko ang Mommy ko.

Yes! my Mommy!

"Mommy......"

"Yes baby? need anything?"

"Mommy...." yun lang talaga ang kataga na lumalabas sa bibig ko.

"Hmmm.... anong masakit sa'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Ba't kayo nandito? paano kayo napunta dito Mom?" buti nalang ay may lumabas na din na ibang mga salita sa bibig ko.

"Baby, nandito kami kase binabantayan ka namin ng Daddy mo"

They are.... what?! All this time binabantayan lang pala nila ako? Pero hindi man lang sila nagpakita? This is crazy!!!!

"Mom! ba't di kayo nagpakita sakin?" hindi ko na napigilan ang pagbalikwas ko ng bangon dahil sa nalaman ko.

Sinuway ka-agad ni Mommy ang pagbalikwas ko ng bangon kaya humiga nalang ako ulit dahil nahilo ako sa ginawa ko.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mommy "what do you mean? you are in coma for 7 months baby and thank god dahil nagising ka na ngayon"

I'm in coma? eh... kasama ko lang naman si Manang Ofelia ah?

"Don't kid around Mom, I'm with--"

"We're not kidding, Casey" nagsalita si Daddy.

"I dont understand, you two" nalilito kong sabi.

"Casey" lumapit sakin si Dad.

"Nong gabing tumakas ka sa bahay at pumunta sa birthday party ng kaibigan mo ay umuwi kang lasing pagkatapos mong ma-ihatid si Liza sa kanilang bahay, at tatawid ka na sana para iligtas ang matandang muntik ng masagasaan pero nailigtas mo siya sa paparating na sasakyan kaya ikaw ang nasagasaan, buti nalang talaga nakita ka ka-agad ni David para ma dala ka sa hospital" pagpapaliwanag ni Dad sakin.

Ohh!! So I'm in a coma for 7 months? Pero bakit ako napunta sa past kung na coma pala ako? Urghhh!!! Naiirita na ako.

Shocks! Hindi din ba nila alam na si Manang Ofelia yung matandang nailigtas ko?

"Pero... what?! Si David yung nagdala sa akin sa hospital?" tanong ko sa isip.

"Duhh! dahil sa katangahan mo Cassandra yan ang napala mo" sabi ng isang parte sa isip ko.

Mabuti na ding nangyari to kase nakilala ko si Joaquin...

Speaking of Joaquin.... Kamusta na kaya siya? at paano ako nakabalik dito sa totoong mundo ko, hindi ko pa nga tapos ang misyon ko? alam kaya niya na wala na ako doon sa panahon nila? Alam na ba niya kung sino talaga ako?

Ano na kaya ginagawa niya ngayon? nami-miss din kaya niya ako? or baka hinahanap na niya ako hindi man lang ako nakapag paalam, pero hindi ko din naman alam na makakabalik na pala ka agad ako dito sa panahon ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ah" tugon ng pamilyar na boses.

Si David....

Yes, I know him from head to toe kahit liko ng bituka niya alam ko dahil sa loob ng ilang taon ko siyang nakasama nasa-ulo ko na siya, magaling siyang magsinungaling, magaling siyang magpaikot, lahat ng kalokohan magaling siya.

"Hey!" pukaw niya sa diwa ko.

"Hey din sayo, Kumusta?" nakayuko kong wika sa kaniya.

"Wait? Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan sayo? Let me repeat kamusta ka Casey?"

Weirdo talaga ng lalaking to kahit kailangan haystt...

"Ahm...ano...ah....kase.... I just want to say thank you for bringing me here" nahihiya kong sabi sa kaniya.

"Don't be shy, I will save you no matter what" pagka sabi niya non nawala nalang ng parang bola yung hiya ko.

See? ang galing niyang mambola diba? sino naman kayang taong hindi u-unahin ang sariling buhay kapag may nangyaring hindi inaasahan? duh? WALA! Tskkk....

"You will save me, huh?" ini-angat ko ang aking ulo at nanghahamon na tumingin sa kaniya.

Ngumisi siya "yes babe, i can" pagmamalaki niyang sabi.

"Ows?" di ko makapaniwalang sabi na may bahid na sarkasmo pero itinago ko iyon.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong pumungay ang mata niya at kumislap iyon "i miss you being talkative like this, i miss the old days"

"Miss mo?" pang-eechos ko pa.

"Yeah, namiss ko 'to" ngisi pa niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" humagalpak ako ng tawa at sumeryoso ulit at humarap sa kaniya na nakakunot ang noo "bakit mo kasi sinayang? bumalik na nga ng paulit-ulit, paulit-ulit mo ding sinayang TSK!"

"I regret all of it" napakamot ito sa batok habang nagsasalita.

"You should" at tinaasan ko siya ng kilay.

Nagtaka akong napatingin sa kaniya dahil madilim ang aura nito, that kind of aura of his is the possessive one. Iyan ang gusto ko sa kaniya na hinding-hindi ko makakalimutan.

Pero noon na iyon meron na akong Joaquin duhhh....

"Why? what's with the dark face?" pagmamaang-maangan kong tanong.

"Nagseselos ako sa magiging makatuloyan mo"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Woah! I didn't see that coming.

"Ayoko pa pumasok sa isang relasyon. I want my heart to rest for a while from heartaches" sabay yuko ko ng ulo.

Lumamla ang mga mata niya habang nakatitig sakin "You're so beautiful, I can't take my eyes on your angelic face"

"Luh! angelic face, pero demonyo ang ugali ko heheheh....." pambi-biro ko naman sa kaniya.

"I love you...." wika niya sabay halik sa noo ko at umalis na.

Napatitig ako sa pinto na nilabasan niya at napangiti ako dahil wala ng epekto ang mga sweet gestures ni David sakin.

"Yes! naka move on na ako!!!!" naka ngiti kong tugon sa sarili.

Nag-iisa nalang ako ngayon sa kwarto dahil lumabas muna sina Mommy at Daddy, at umuwi na rin si David pero hindi pa din mawala sa aking isip na mag alala kay Joaquin, nami-miss ko na ang baritonong boses niya, at ang napaka gwapo at maamo niyang mukha.

Totoo ba talaga to, masaya ako dahil nakasama ko na muli sina Mommy and Daddy but merong parte sa akin na malungkot dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi man lang ako nakapag paalam sa kaniya.

I miss you, Joaquin.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon