Kabanata 37

28 1 0
                                    

[Kabanata 37]

DAVID'S POV

"Anong pangalan niya doon?" tanong ulit ni Lucas.

"Laura.... Laura Baltazar"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko kaya nagtaka ako kung bakit.

"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Can i hear her voice?" nagbabasakaling tanong niya.

Nagtataka man ako kinuha ko pa din yung cellphone ko at pinindot ko yung isang recording.

It was her on our first anniversary, i was falling for her that time but i can't say it in front of her.

"Hi love!!! Surprise!!!" excited na sigaw iyon ni Casey ng pumasok ako sa condo ko.

Nirecord ko 'yun dahil alam kong pupunta siya sa condo ko at nararamdaman ko ding may gagawin siya, kaya sobrang timing dahil na record ko 'yun.

Highschool palang ay lumipat na ako sa condo nina Mommy at Daddy ang saya ko nga noon dahil pinayagan nila ako dahil malapit lang daw sa school ko noon.

"Happy 1st Anniversary!!!" boses ulit ni Casey mula sa cellphone kaya in-off ko na dahil namimiss ko lang siya ng sobra kapag naririnig ko 'yung boses niya.

Gulat ang mukha ni Lucas ng tingnan ko siya.

"S-She's her.... l-literally... h-her" nauutal at 'di makapaniwalang tugon niya.

Naguguluhan ulit ako sa kaniya pero ng marealize ko ang ibig sabihin ng sinabi niya nagulat din ako.

Si Casey? at Lucas? Sila pala ang para sa isa't isa?


LUCAS' POV

Nang marinig ko ang boses ni Cassandra mula sa recording na pinarinig sa akin ni David nagulat ako.

Siya... Siya nga... Pero paano? Bakit? Mahal pa din siya ng kaibigan ko... Anong mangyayari kung totoo pa lang ang mga panaginip na iyon ay nangyari na noon?

"Tawagan kaya natin yung mga magulang niya at tanungin tungkol sa pinag-usapan natin kanina" sabi ko sa kaniya tumango naman siya bilang sagot.

Denial na ni David ang numero ng mga magulang ni Cassandra at ilang minuto ang lumipas ng sagotin nila ang tawag at pinindot niya ang speaker para marinig naming dalawa.

"Hello" sabi ng babaeng nasa kabilang linya na nakasisiguro akong Mommy 'yun ni Cassandra

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam kapag sinasabi ng utak ko ang pangalan na Cassandra o Casey, nakakapag palakas ng tibok sa puso.

"Hello po? Tita... uhmm may itatanong po kasi sana ako sa inyu" nagising ang diwa ko ng magsalita di David kaya tinuon ko ang atensiyon ko sa kaniya at sa cellphone.

Narinig kong pumayag ang nasa kabilang linya kaya nag umpisa ngnag tanong si David, habang ako naghihintay lang sa kanilang dalawa.

"Tita... Alam ko pong ang weird nitong itatanong ko pero ano po ba ang ibig sabihin kapag nananaginip po kayo ng tungkol sa'yo na nandoon sa sinaunang panahon at pag-gising mo ay parang totoo ang nangyari doon sa panaginip mo?" tanong ni David.

"Nararamdaman mo ba na nangyari na 'yan lahat sa'yo noon kahit hindi pa?" pabalik na tanong ng Mommy ni Cassandra.

"Oo" sabay kaming sumagot ni David na dahilan upang magkatinginan kaming dalawa, napasapo nalang din kami dalawa sa noo.

Natahimik ang nasa kabilang linya at inakala naming na-off na pero wala pa pala.

Ilang minuto din kaming naghintay bago namin narinig ang dalawang buntong hininga.

"Hindi namin alam kung ano ang mga nangyari sa mga panaginip niyong dalawa David at Lucas, pero nakasisiguro ako na ang mga iyan ay pwede ding maging parte ng una niyo pang buhay" tugon niya sa amin

"Ang maipapayo lang namin sa inyung dalawa ay dapat niyong pagsama-samahin para malaman niyo ang paglakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bawat panaginip niyong dalawa" dag-dag niyang payo na dapat naming gawing dalawa ni David para malaman namin ang lahat ng mga pangyayari.

Inihatid na ako ni David sa bahay dahil gabing-gabi na, dumiretso na ka-agad ako sa cr upang mag shower at matulog na.

Nakahiga na ako ngayon sa kama at kanina pa ako pabaling-baling ng posisyon dahil hindi talaga ako makatulog.

Ano nga ba ang totoong mga pangyayari? Totoo ba ang mga sinabi ni Tita Tessa yung sinabi niya kanina? Is it really true?

Hindi pa din ako mapakali dahil sa mga tanong na bumabagabag sa utak ko, kaya bumangon ako at nag timpla ng gatas sa baba para makatulog ako.

"Meron akong ipapakita sa iyo, Binibini" tugon ko habang tinatakpan ang kaniyang mga mata gamit ang dalawa kong kamay.

Gabi na ngayon at nagkita ulit kami sa ilalim ng puno ng sampalok upang sorpresahin at ipakita sa kaniya ang magandang paligid.

"Handa ka na ba?" tanong ko, nasasabik naman siyang tumango at nakangiti pa.

Nang tanggalin ko ang mga kamay sa mata niya nakita ko ang pagka-mangha sa mukha niya na ikinasaya ko.

Dahil napuno at napaliligiran ang puno ng mga umiilaw, at nagliliparan na magagandang mga alitaptap.

"Maganda ba?" nahihiyang tanong ko sa kaniya, lumingon siya sa akin at tumango habang nakangiti ng malapad.

Kay ganda niyang tignan tuwing ngumingiti siya ng malapad.

Naka-upo na kami ngayon sa damuhan at pinagmasdan ang mga alitaptap na nagliliparan, nakasandal din siya ngayon sa balikat ko.

Bigla naman siyang umayos ng upo at tiningala ako.

"Joaquin?"

"Naniniwala ka ba sa reinkarnasyon?" tanong niya.

"Oo, Binibini ikaw ba naniniwala ka ba sa reinkarnasyon?" walang pag-aalinlangang sagot ko kaya tinanong ko siya pabalik.

"Oo naniniwala din ako, kung sakali bang mabuhay kang muli ano ang gusto mong mangyari sa buhay na iyon?"

"Wala na akong ibang gusto kundi ang makapiling ka ng paulit-ulit sa susunod kong mga buhay at hindi ko kailanman pagsasawaan iyon"

Kung ipapanganak man akong muli... Wala na akong ibang gustong makasama sa buhay na iyon kun'di... SIYA.

"Paano kong hindi tayo pagtagpuin ng tadhana?"

"Hahanapin at hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo para makasama at makapiling ka lang, sana ganuon ka din" nakangiti kong tugon sabay hawi ng mga gahiblang buhok na nakatabig sa mukha niya.

Hahanapin kita kahit anong mangyari.

"Hahanapin natin ang isa't isa ha kahit anong mangyari" nakangiti niyang tugon sabay lahad ng hinliliit niya sa akin.

"Pangako?"

"Pangako" wika ko at ikinapit din ang hinliliit ko sa hinliliit niya at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

"Nangangako din akong ikaw parin ang pipiliin kong mamahalin sa susunod na habang buhay" dag-dag ko pa.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya para halikan ang malambot niyang mga labi.

Ang halik na puno ng pagmamahal na gusto kong maramdaman niya mula sa akin.

Gumising akong hindi napabalikwas sa halip ay napangiti ako ng malapad.

It's really her, hindi na malabo ang mukha niya sa panaginip ko and i really am so glad...

Alam kong panaginip lang 'yon pero parang hindi eh kasi nangyari na 'yon.... Noon.

I didn't know na we've promised to find each other in our next lives and now i finally found her.

The love of my life.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon