Kabanata 29

25 1 0
                                    

[Kabanata 29]

Pumunta ako sa palengke at kasama ko ngayon si Isay, buti nalang ay pinayagan kami ni Ama dahil nababagot na din ako doon sa silid kaya sinabihan ko siyang bibili ako ng mga bagong kagamitan para sa akin.

"Binibini, ano po ba ang una niyong bibilhin?" masayang tanong ni Isay.

"Doon muna tayo sa mga kasuotan upang atin ng palitan ng bago ang mga maluma kong gamit" sagot ko at tumango naman siya.

Masaya kaming naglakad ni Isay patungo sa bilihan ng mga kasuotan, 'di kalayuan ay nakita na namin ang mga magaganda't magagarang baro't saya na naka sabit sa loob at sa labas.

Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng may biglang kumapit sa aking braso, nilingon ko kung sino iyon ngunit ganun nalang din at bigla akong natulos sa aking kinatatayuan ng makilala ko kung sino ang aking nakita.

"Maria" sabi ng isip ko.

Mas lalo akong natulos sa aking kinatatayuan ng makita kung sino ang kasama nito.

"Joaquin" sabi ulit ng munting tinig sa isip ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hawak ni Maria na nakatitig at nakangiti sa akin, parang biglang kinapos ako ng hininga ng makita kong nakahawak si Maria ng mahigpit sa braso ni Joaquin na ngayon ay nakatitig sa akin.

Bigla kong hinawakan ang aking dibdib kung saan naroon ang aking puso dahil bigla itong kumirot na para bang pinipiga.

Ano bang nangyayari sa akin? Naapektohan pa ba ako? Bawal ito, kailangan ko siyang kalimotan hindi ito maari....

"Binibini!" mahinang sigaw ni Isay "Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalalang tanong nito, tinulungan din ako ni Maria para di matumba nagsasalita siya ngunit hindi ko iyon pinansin dahil tinitigan ko ulit si Joaquin na ngayon ay nakatitig parin sa akin at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pag-aalala. Mas lalo pang kumirot ang puso ko sa mga nakikita ko.

Hindi ko alam ngunit bigla nalang umikot at nandilim ang paligid, pero matutumba na sana ako sa sahig ng maramdaman ko na may matipunong mga braso ang sumalo sa akin.

Nagmulat ako ng mata sa isang estrangherong silid at na-amoy ko din ang baho ng mga kemikal, at matatapang na amoy ng mga halamang gamot.

Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko si Isay na mabilis na lumapit sa akin kasama sina Joaquin at Maria.

"N-Nasaan ako?" tanong ko kay Isay.

"Nasa pagamutan ho tayo, Binibini" aniya.

"Hindi ko ho muna sinabi ni Don Antonio ang nangyari sa iyo dahil alam ko pong mag-aalala at ikulong ka po niya ulit sa iyong silid" dag-dag pa niya sa mahinang boses para ako lang ang makarinig, gumaan ang pakiramdam ko ng dahil sa kaniyang sinabi.

"Masama pa ba ang iyong pakiramdam, Laura?" tanong ni Maria at nilingon siya hindi ko alam pero para akong niirita sa kaniya na hindi ko naman iyon nararamdaman sa kaniya noong una ko siyang makilala, pero ngayon sa tingin ko ay pina-plastik lang niya ako...

Ewan ko naguguluhan na ako.. urgh!!

Tumingin ako kay Joaquin na walang imik ngunit bakas pa din sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Kapagkuwan ay bigla itong nagsalita "ipagpaumanhin mo kanina ang aking mapangahas na ginawa kanina ngunit sinalo lamang kita upang hindi ka matumba" paliwanag niya pero nasasaktan ako sa kadahilanang nagpa-paumanhin siya na hinawakan ako.

Alam ko namang hindi iyon tama ngunit bakit ako nagkakaganito?

May Maria na siya at malapit na sila bumuo ng pamilya, hindi na dapat ako nasasaktan kailangan ko na talagang ibaon sa limot ang lahat ng nangyaring kasama ko si Joaquin.

"Mahina pala ang iyong puso bakit hindi mo sinabi? Ngayon lang namin nalaman sabi ng doktor na tumingin sa iyo kanina" tugon naman ni Maria.

"Pasensya na kung hindi ko nasabi sa iyo dahil kahapon ko lang din nalaman na mahina pala ang aking puso" sagot ko sa kaniya.

"Magpagaling ka ha, marami pa tayong pag-uusapan at gagawin dalawa" dag-dag niya pa tumango lang ako at ngumiti ng bahagya.

Umuwi na kami ni Isay galing sa pagamutan dahil sabi ng doktor pahinga lang daw ang kailangan ko at hindi ako dapat gagawa ng mga bagay na ikakapahamak ng aking puso.

Ano ba kasi tong puso ni Laura ang hina naman nadadamay pa tuloy ako.

Pagdating namin sa bahay ay nagtaka sila kung bakit wala akong dinalang mga pinalmili kaya sinabihan ko nalang sila na wala akong nagustohan at babalik nalang ulit sa palengke, buti nalang ay naniwala sila sa akin.

Dumiretso ka-agad ako sa aking silid upang doon magpahinga dahil sa pagod na aking naramdaman.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at paggising ko ay magtatakipsilim na, inayos ko muna ang aking sarili at ipinusod ng maayos ang aking maikling buhok at bumaba dahil pinatawag na ako ni Ina upang sabay-sabay na kaming magsasalo-salo sa hapagkainan lahat.

Kapagkuwan ay binasag na ni Don Antonio ang nakakabinging katahimikan.

"Napag-usapan ito namin ating dalawang mga pamilya na ikaw Laura ay ipagkasundong ipakasal sa anak ni Don Valenciano at Donya Celerina na si Ginoong Isagani" bigla akong nabilaukan sandali sa aking kinakain na pilit iniintindi ang mga salitang kaniyang binitawan.

Ang pamilya Montefalco ay kilala bilang pamilya na mahuhusay sa hukoman si Don Valenciano ang pinakamagaling sa paglilitis ng mga panig sa loob ng hukoman at ang anak naman nitong si Isagani Montefalco ay isang tanyag na abogado na halos lahat ng kaso ay naipanalo dahil sa angking galing at talino.

"Bakit nyo po siya ipapakasal sa anak ng mga Montefalco, Ama?" natatakang tanong ni Olivia bago tumingin sa akin.

"Ito ay nakabubuti para sa iyong kapatid at sa ating pamilya" pagkasabi nun ay tumayo na ito at dumiretsong nagtungo sa kanilang silid.

Anong nakabubuti sa akin? Hindi ko nga kilala ang kanilang anak at baka mapahamak pa ang pamilya ni Laura sa kasunduang ito, ano ba ang kanilang intensyon? Ang maging makapangyarihan?

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga sa aking kama ng biglang may kumatok at dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip doon ang ulo ni Olivia na ikinabangon ko at umupo siya sa gilid na kama.

"Maari ba kitang makausap?" tanong nito tumango naman ako.

"Ano na ang gagawin mo sa gusto ni Ama na ipakasal ka sa anak ng pamilyang Montefalco?" bumuntong hininga ito bago nagpatuloy "papayag ka ba? paano si Ginoong Joaquin?" dag-dag nito na mas gumulo pa sa utak ko, kaya malalim nalang akong napa buntong hininga dahil sa mga bagay-bagay.

"Hindi ko alam Ate, ayokong ikasal sa taong hindi ko lubos na kilala at nasasaktan din ako ngayon dahil ikakasal na si Joaquin at buntis si Maria" pag-amin ko na ikinagulat niya.

"A-Ano.. t-tama ba ang narinig ko?" nauutal na tanong nito kapagkuwan ay niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala Laura magiging maayos din ang lahat basta't iyo lang tularan ang nais ng iyong puso at huwag gawin ang mga bagay na ikakapahamak ng iyong sarili" saad niya na ikinagaan ng aking pakiramdam at yumakap ng mahigpit sa kaniya pabalik.

Kahit sabihin man ng isip ko na kalimotan na si Joaquin pero sinasabi naman ng puso ko na huwag siyang bitawan, ano ang aking gagawin? Ano ang aking paiiralin? Ang isip o ang puso ko na nadudurog kapag makita ko silang magkasama ni Maria? Mababaliw na talaga ako nito...

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon