Kabanata 26

25 1 0
                                    

[Kabanata 26]

Araw ng Lunes ngayon, at sobrang napakaganda ng gising ko at naririnig ko pang sabay-sabay na humu-huni ang mga ibon habang naka-dapo sa mga punoan sa paligid, nararamdaman ko naman ngayon ang mahinang hampas ng sariwang hangin sa pisngi ko kasabay ng pagsikat ng araw sa tapat ng aking bintana.

Sinasabayan ko ang mga ibon sa pag-huni habang masayang naliligo at nagbihis na din ng damit upang pumunta na sa ibaba.

Pagbaba ko ng hagdanan sinabihan ko ang mga tagapagsilbi na ako ang maghahanda ngayon ng agahan, ang lulutuin ko ay 'Sinigang De Baltazar'.

Tinulungan ko na silang ihanda ang mga sangkap at nagsimula na iyong lutuin sa palayok.

Nang natapos na kaming magluto ay isa-isa ko na silang pinuntahan lahat sa kanilang mga silid, para sabay-sabay na kaming kumain lahat sa hapag.

"Anak, napakagaling mo na talagang magluto at sobrang sarap pa" pagpuri ni Donya Esmeralda na ikinalaki ng ngiti ko.

"Mukhang napakaganda talaga ng iyong gising ngayon, Anak ko" pang-eechos pa ni Don Antonio sa'kin dahilan upang tumawa ang dalawa kong kapatid na si Olivia at Emilia.

Halata ba? Enebe eyyy!!!!

Tapos na kaming kumain at tapos na din naming iligpit lahat ng aming pinagkainan, dumiretso na din ako sa kwarto at sumunod naman si Olivia at Emilia sa akin habang hawak-hawak nila ang aking magkabilang braso.

"Laura, batid ko kung bakit ang ganda ng iyong gising ngayong umaga.." sabi ni Emilia at si Olivia naman ay tiningnan lang ako ng nakakaloko.

Alam kasi nila kung bakit ako ganito ngayon ay dahil sa nangyari kahapon sobrang kinikilig lang talaga ako.

WITTT!!! ENEBE YERN!!!! HUEHUEHUE!!! NAHIHIYA NA AKO SA MGA GINAGAWA KO!! OH KNOWS!!

Sabay-sabay nila akong kiniliti dahilan para mapatakbo ako sa kwarto at sinundan naman nila ako at doon kiniliti ulit sa aking kama.

"Ate, kilitiin na natin tong bunsong kapatid natin mukhang umiibig na ata ng labis kay...... Ginoong Joaquin hehe" pabulong na sabi ni Emilia at sumang-ayon naman sa kaniya si Olivia dahilan para mas kilitiin pa nila ako.

"HAHAHAHA!! ATE OLIVIA!! ATE EMILIA!!! I-ITIGIL NIYO NA HO.... IYAN S-SOBRANG NAKIKILITI NA P-PO... AKO!!!!" tumatawa kong sigaw sa kanila pero hindi padin sila tumigil sa pagkiliti sa akin.

Ilang minuto ay parang napagod na silang dalawa sa kaka-kiliti sa akin at huminto nadin at tumawa, kasabay nila akong niyakap ng sobrang higpit.

"Tandaan mo Laura, mahal na mahal ka naming lahat" malambing na tugon sa akin ni Olivia at sabay din nilang hinalikan ang magkabila kong pisngi dahilan upang mas gumanda ang aking araw ngayon.

Ilang oras din kaming nagkakatuwaang tatlo sa aking kwarto at bigla namang may kumatok sa pinto at tumambad sa amin ang isa sa pinagka-katiwalaan kong katulong na si Isay.

"Mga Binibini, pasensya na ho ngunit may panauhin po si Binibining Laura" nakangiting tugon ni Isay sa aming tatlo.

Bago at ang bata pa ni Isay na nasa labinlimang taon pa lamang ay nagsilbi na siya sa akin, nakilala ko siya noong bago pa akong napunta dito sa panahong ito. Si Isay ay nagtataglay ng kagandahan, maputi rin ang balat nito, matangos din ang kaniyang ilong at napagkamalan ko din siyang taga Espanya, ngunit hindi pala. Sabi niya ay dalawang buwan pa lamang siyang nagsisilbi sa akin pero madali ko siyang napagkatiwalaan dahil sa napaka-bait niya at alam din ni Isay ang tungkol sa amin ni Joaquin dahil isa din siya sa tumutulong sa akin upang magkita kami ni Joaquin sa labas.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon