Kabanata 34

22 2 0
                                    

[Kabanata 34]

"Meron akong ipapakita sa iyo, Binibini" tugon ni Joaquin habang nakatakip ang kaniyang mga kamay sa aking mga mata, para akong na excited sa kong ano man ang ipapakita niya sa akin.

Gabi na ngayon at nagkita ulit kami sa ilalim ng puno ng sampalok tumakas lang ako sa bahay dahil kapag nag-paalam ako baka hindi nila ako payagan kaya ayon.

Ginawa ko yung palagi kong ginagawa ko sa panahon ko iyon ay ang pagtakas tuwing gabi.

"Handa ka na ba?" tanong niya, excited naman akong tumango at nakangiti pa.

Nang tanggalin niya ang kaniyang mga kamay sa mata ko nakita ko na ang kaniyang gustong ipakita sa akin napanga-nga ako, mangha kung ano ang nasa harapan ko.

Napuno at napaliligiran ang puno ng mga umiilaw, at nagliliparan na magagandang mga alitaptap.

"Maganda ba?" nahihiyang tanong niya sa akin, lumingon lang ako sa kaniya, tumango at nakangiti ng malapad na parang isang tanga, wala akong masabi.

Naka-upo na kami ngayon sa damuhan at pinagmasdan ang mga alitaptap na nagliliparan, nakasandal din ako ngayon sa kaniyang balikat.

Ang ganda sa pakiramdam, kahit mga maliliit lang na mga pangyayari basta kasama ko siya hindi ko talaga maitatanggi na masayang masaya ako.

Umayos ako ng upo at tiningala siya.

"Joaquin?" tawag ko, lumingon naman siya sa akin at hinintay ang mga susunod na sasabihin ko.

"Naniniwala ka ba sa reinkarnasyon?" tanong ko, matagal ko na itong gustong itanong sa kaniya at ngayon lang ako nakahanap ng saktong tiyempo.

"Oo, Binibini ikaw ba naniniwala ka ba sa reinkarnasyon?" tanong niya pabalik.

"Oo naniniwala din ako, kung sakali bang mabuhay kang muli ano ang gusto mong mangyari sa buhay na iyon?" pagbabakasakali kong tanong.

"Wala na akong ibang gusto kundi ang makapiling ka ng paulit-ulit sa susunod kong mga buhay at hindi ko kailanman pagsasawaan iyon" napatigil ako sa mga narinig ko galing sa kaniya hindi ko akalain na gusto niya iyon ang mangyari.

"Paano kong hindi tayo pagtagpuin ng tadhana?" pambabara ko sa kaniya.

"Hahanapin at hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo para makasama at makapiling ka lang, sana ganuon ka din" nakangiti niyang tugon sabay hawi ng mga gahiblang buhok na nakatabig sa mukha ko.

"Hahanapin natin ang isa't isa ha kahit anong mangyari" nakangiti kong tugon sabay lahad ng hinliliit ko sa kaniya para mag pinky promise kami.

"Pangako?"

"Pangako" wika niya at ikinapit din ang hinliliit niya sa hinliliit ko at ngumiti ng napakatamis na ikinatibok ng puso ko ng mas mabilis pa..

"Nangangako din akong ikaw parin ang pipiliin kong mamahalin sa susunod na habang buhay" dag-dag niya pa sabay hawak sa magkabila kong pisngi at sa hindi inaasahan ay dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin na ikina-pikit ng marahan ng mga mata ko at naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa akin na ikinatigil ng mundo ko.

~'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para akong isang sira ulo, hilo at lito~

~Sa akin pang minanang piyano
Tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling mayro'ng tonong
Bigla na lang umusbong~

~Tungkol saan naman kaya'ng awitin para sa 'yo
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung ang tugma'y 'di wasto
Basta't isiping 'di magbabago
Damdamin ko sa iyo~

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon