Kabanata 5

100 3 0
                                    

[Kabanata 5]

Lumabas ako ng bahay nila upang mag pahangin lang saglit dahil wala akong kausap sa loob at sobrang bored na bored talaga ako.

Naglalakad ako ngayon sa labas ng bahay nina Maria at habang ako ay naghahanap ng mapag papahingahan ay sa di kalayoan may nakita akong isang malaking Puno ng Sampalok na sa ilalim ay may isang tao na umuupo habang ang kaniyang kamay ay nasa kanyang ulo.

Sino kaya iyon? Bakit nag-iisa lang siya sa ilalim ng puno? Dito rin ba siya nanggaling sa loob ng bahay nina Maria? Na bored din ba siya sa loob dahil wala din siyang kausap?

Hindi ko napigilan ang mga tanong sa aking isipan kaya napag desisyonan ko na siya ay lapitan at habang hindi pa ako naka lapit ng maayos ay bigla ko siyang namukhaan.....

"Siya yung lalaking nakita ko kanina!!!" hindi ko na mapigilan ang pag-sigaw dahil sa gulat buti nalang ay mahina lang ang boses ko.

Mahina naman ang boses ko ngunit narinig parin niya ako at nilingon "Sino ka at magpakilala?!" sigaw niya sa akin at tumayo ng tuwid sabay ilaw nang lampara sa paligid hanggang sa ako ay kaniyang nakita.

Napatakip ako sa mukha ko dahil sa silaw na galing sa kaniyang dalang lampara at hiya na rin.

"Ako ay nagpapahangin lamang dahil wala akong magawa sa loob at bigla akong may nakita dito kaya ayun ay aking pinuntahan ko at hindi ko naman namalayan na ikaw pala ay makikita kong muli" nakayuko ako habang nagpa-paliwanag sa kaniya at bigla akong nawalan ng kaba dahil nasagot ko ng maayos ang kaniyang tanong.

Buti nalang talaga na kikinig ako sa subject na history ni Prof. Roman dahil fave ko ang mga lesson niya. #safe. HAHAHAHA.

"Ipag paumanhin mo ang aking asal kanina binibini ngunit ano ang sinabi mo kanina narinig kasi kitang sumigaw na pa bulong" sabi pa niya at nag bow sa akin.

"Ahhh..... wala binugaw ko lang yung langaw na umaaligid" nakangiwi kong sabi.

"Kung iyong mamarapatin ay pwede ko bang malaman ang iyong pangalan, Binibini?" sabi niya na napakamot sa ulo.

Baka nahihiya siya ang cute naman kong ganon.

Dugdugdugdugdug

Ano bang nangyayari sa puso ko uy, parang sasabog na sa lakas nitong pag kabog.

"A-Ako nga pala si Laura" sabi ko sa kaniya at nginitian niya lang ako.

Hindi niya ba alam na magka galit ang aming mga ama?

"Napakagandang pangalan Binibini, Ako nga pala si Joaquin" nakangiti niyang tugon.

Joaquin pala ang pangalan niya sana nga talaga siya na yung hinahanap ko.


"Binibining Laura, kung iyong ipagpaumanhin hindi tama ang pagtatagpo nating ito baka kung makita tayo ng mga tao baka isipin nilang may namamagitan sa ating dalawa. Hindi pwedeng magkita ang isang babae at lalaki sa isang lugar na sila lang dalawa kapag hindi sila magkasintahan o asawa" dag-dag niyang wika.


Shit! hindi ko yun naalala ha nakalimutan ko atang nasa sinaunang panahon pala ako my god ang conservative pa naman ng mga people dito. Bahala na nga si batman basta matapos ko lang 'tong misyong to okay nako.


"Ano bang pake nila? wala naman tayong ginawang masama ah hindi nga natin kilala yung isa't isa at saka nagkataon lang na nagkita tayo dito kasi pareho tayong nababagot sa loob" mataray kong sagot sa kaniya, nagulat ata siya sa naging asal ko pero wala akong pake pero at the same time na guilty ako kaya iniba ko nalang yung topic.


"Kilala mo ba kung sino ang aking ama?" tanong ko sa kaniya at ngumiti lang siya ng bahagya "Oo" tugon niya pa.

Huh.. so alam niya na si Don Antonio ang ama ko? I mean yung ama pala ni Laura.

"Bakit ka nakipag kilala sa akin kung kilala mo pala kung sino ang aking ang ama?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya "wala naman tayong kasalanan sa pinag aawayan nila at masaya ako na sila ang pinagtagpo ng aking ina, dahil kung hindi iyon si ina baka wala kami ngayon ng kapatid ko dito sa mundong ito at masama ba na tanungin ang iyong pangalan, Binibini?" nakangiti niyang tugon.

"Hindi naman, akala ko lang kasi ay hindi mo alam ang nangyari sa kanilang dalawa" sabi ko naman sa kaniya at binigyan niya lang ulit ako ng isang ngiti.

Ang gentleman naman ng lalaking ito hindi katulad ng mga lalaki sa panahon ko halos lahat nalang ay manloloko kaunti nalang talaga ang mga natitirang matitino.

"Ginoong Joaquin, masaya akong makilala ka ngunit mauna na akong pumasok sa loob dahil baka hinahanap at nag aalala na sa akin ang aking mga magulang" tugon ko sa kaniya at tumango lang siya "ikaw? hindi ka pa ba papasok baka hinahanap ka na din" tugon ko ulit "dito muna ako binibini upang mag pahangin susunod ako maya-maya alam naman na nilang lumabas ako saglit" nakangiti na naman niyang tugon.

Dugdugdugdugdug

Bakit ba palagi siyang ngumingiti ng ganiyan ayan tuloy sasabog nanaman ulit sa lakas ng pagtibok ang aking puso.



Pag pasok kong muli sa bahay nina Maria ay bigla akong sinalubong ni Emilia "Laura saan ka nanggaling nag aalala kami kung saan ka pumunta" hinihingal niyang sabi.

"Ahhh...patawad po Ate Emilia lumabas lang ako saglit upang mag pahangin at mag papa-alam na sana ako sa inyu kanina pero meron kasi kayong mga kausap kaya lumabas nalang ako ng diretso" paliwanag ko naman sa kaniya.

"Oh siya, halika na upang umupo roon kasama sila ina at ama at iyong kaibigan upang mag kwentohan" sabi pa niya na parang naging maluwag ang kaniyang iniisip ng marinig ang aking paliwanag.


Nandito na ulit kami ngayon sa malaking lamesa at naka upo masaya silang nag kwentohan lahat at ako naman ay nakikinig lang sa kanila dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari dahil bago lang ako sa panahong ito at nasa tapat ko naman si Roberta ang naka tatandang kapatid daw ni Maria at ngayon ko lang din iyon nalaman dahil nabanggit nila iyon kanina sa mga pinag uusapan nila.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko talagang magkasalungat ang ugali nitong si Maria at saka si Roberta, ang sama ng tingin niya sa akin. Ano bang ginawa ko? Umuupo lang naman ako rito.

Pagkatapos nang ilang oras ay napag desisyonan na namin na umuwi na sa bahay hinatid naman kami ng pamilya ni Maria papalabas ng kanilang tahanan at masaya nila kaming pinasakay sa kalesa maliban kay Roberta na hanggang ngayon ay naka kibit balikat lang. Tskkk....

Naka uwi na kami ngayon sa bahay at sinabihan kami nina Don Antonio at Donya Esmeralda na matulog ng maaga upang makapag pahinga kami ng maayos pero bakit ang aga naman at alas-nwebe palang ng gabi sa panahon ko madaling araw na ako natutulog dahil palagi lang akong naka cellphone, dito ay wala pang wifi, signal, at gadgets boring naman.

Bigla ko namang na alala ang nangyari kanina ng maka usap ko si Ginoong Joaquin kahit sandali man lang.

Ang saya-saya ko dahil nalaman ko ang kaniyang pangalan at nakausap ko pa. Waahhhhhh.... Kakakilig naman.

Umupo ako ngayon sa tapat ng aking lamesa at kinuha ko ang rosas na inilagay sa sekretong cabinet ni Laura at pagtanaw ko ay meron na itong dalawang petals na nahulog.

Ang bilis naman ng takbo ng oras kailangan talaga pagbutihin ang misyon na ibinigay sa akin ni Manang Ofelia at seryosohin ito.

**********

Dear Diary,

Sana siya na nga ang taong aking hinahanap at kanina parang sasabog na talaga ang puso ko dahil ang cute niya pa at ang gentleman ng kinikilos niya parang na fall na talaga ako sa kaniya... Kyaaaahhhh!!!!!

Nahumaling,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon