Kabanata 21

24 0 0
                                    

[Kabanata 21]

LUCAS' POV

"Joaquin..." mahina tugon ng isang babae.

Bigla namang tumayo ang lalaki nilapitan ang babaeng kakarating lang, bigla namang napa atras ang babae ng makita niyang dahan-dahang lumalapit ang lalaki sa kaniya.

"B-Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? P-Pakiusap iwan mo muna ako" tanong at pagsusumamo ng baabe sa kaniya.

I saw the guy froze because of what the girl said.

"A-Alam mo na ba ang tungkol kay Maria? Na siya ay––" the girl cut him off.

"Na ano? Na ikakasal na kayo? Dahil oo alam ko na, alam na alam ko na!!!" sigaw ng babae na para bang punong-puno na siya sa mga nangyayari.

The girl immediately wiped the tears on the side of her cheeks.

"L-Laura, hindi ako papayag na magpakasal kay Maria at hindi naman talaga ako ang ama ng dinadala niya kaya pakiusap paniwalaan mo naman ako" pagpapaliwanag ng lalaki, na ikinagulat ng babaeng kaharap niya.

Mukhang nakita ng babae ang mga luhang namumuo sa mga mata ng lalaki habang nagsasalita.

Umiwas ng tingin sa kaniya ang babae na para bang ayaw niyang makita ang lubos na kalungkotan na nararamdaman ng lalaki sa mga oras na iyon.

"Hindi to pwede, hindi ito ka aya-aya dahil ikakasal ka na at magkakaroon na din kayo ng anak kaya bumalik ka na sa inyung tahanan baka hinahanap ka na ng iyong pamilya at ni Maria" tugon ng babae at aalis na sana ng bigla siyang hawakan ng lalaki para pigilan.

"Lahat ng ginawa nating pagkikita, paglalapit ng braso, pagtitig ng diretso sa mata ng isa't isa ay isang napaka pangahas na gawain ng isang binibini't ginoo na hindi naman magkasintahan, kaya pakiusap huwag ka nang lalapit sa akin" dag-dag pa ng babae habang tumutulo padin ang kaniyang mga luha.

Kinuha nadin niya ang kamay niyang hawak-hawak ng lalaki kanina at tumakbo papa-alis sa kinaruruonan ng lalaki.


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa napanaginipan ko "WHAT THE HELL IS THAT?" tanong ko sa sarili ko.

Nabigla ako ng may naramdaman akong basa sa pisngi ko, pinunsan ko ka-agad iyon dahil sa sobrang lakas ng agos non na para bang totoo ang nangyari.

Bumangon na ako kaagad sa kama at nag shower na para pumunta sa school, hindi na ako nagbreakfast kase doon nalang ako sa school kakain.

Pero kahit anong balewala ko di ko parin makalimutan ang panaginip ko.

"Bakit kamukha ko ang lalaking yun?"

Umiling ako ng umiling at winala sa isip ko ang napanaginipan ko at nag fucos ako sa pag da-drive.

Pagkarating ko sa school campus nakita ko kaagad si David at Jerome na pakalat kalat sa ground at nagtatawanan pa ang dalawang tokmol.

Kaya palihim akong lumapit sa kanila at pinag-untog ko ang ulo nila.

"Fudge!"

"Tang'na!"

They hissed and look at me.. masama silang nakatingin sakin pero tinawanan ko lang sila at inakbayan "libre ko nalang kayo, tara, kasi wala pa akong kain"

"Ang sabihin mo di ka marunong magluto" sabi ni Jerome.

"And that also... hehehe" sabi ko sabay tawa ng kaunti.

Nang makarating kami sa Canteen, kaagad akong lumapit sa counter at nag-order ng sinigang. Hindi ko alam pero paborito ko na talaga ang sinigang simula noong bata pa ako, nakaka-discount din ako dito kase nabibighani ang mga cashier sa kagwapohan ko.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon