Kabanata 33

20 1 0
                                    

[Kabanata 33]

JOAQUIN'S POV

Binisita ni Maria si Ina sa aming tahanan kanina at dinala niya ako dito sa panciteria ni Aleng Isidora dahil paborito ko daw rito, hindi ko alam kung paano niya nalaman na dito ako palaging kumakain kapag namamasyal ako o bibili ng mga kagamitan para sa mga bata na gustong mag-aral at matuto.

Gusto ko sanang dalhin si Laura dito para matikman niya kung gaano ka sarap magluto si Aleng Isidora lalong lalo na yung sinigang na baboy iyon ang paborito ko.

Habang kumakain kami ni Maria at minsan nag kwe-kwentohan nakita ko papasok sina.

Isagani at Laura.

Nakita kong nanigas siya sa kinatatayuan niya ng magtama ang mata naming dalawa, muntik na siyang matumba dahil napahawak siya sa kaniyang puso.

Tatayo na sana ako para tulongan siya pero naka-alalay na sa kaniya si Isagani at tinanguan ako para iparating sa akin na ayos lang siya.

Nasasaktan ako na makitang may kasama siyang ibang lalaki pero alam kong mas nasasaktan siyang makita akong may kasamang ibang babae kaya bumulong ako sa kaniya at humingi ng tawad, ngumiti lang siya sa akin ng pagkatamis-tamis kaya gumaan ka agad ang pakiramdam ko.

Lumingon si Maria sa tinitigan ko nakita niya si Laura at nakangiting tumayo para yakapin si Laura nakangiwi naman siya pero nagawa parin niyang yakapin, ngitian at batiin si Maria.

CASSANDRA'S POV

Nakita kong papalapit si Maria sa akin at nginitian ako sabay yakap sa akin ng napakahigpit, napangiwi naman ako sa higpit pero niyakap ko pa din siya pabalik at nginitian.

"Magandang umaga sa iyo Laura at sa iyo din Ginoong Isagani" kapagkuwan ay bati niya sa amin ganuon din ang ginawa namin ni Isagani sa kaniya.

"Kung inyung pagbibigyan maari kayong umupo kasama namin ni Joaquin upang makipag kwentohan sa inyung dalawa" pag-aaya niya pa sa amin tatanggi na sana ako at sasabihin kay Isagani na umalis nalang sa panciteria pero naunahan na ako ni Isagani.

"Sige, Binibining Maria malugod naming tatanggapin ang iyong pag-anyaya sa amin" nakangiting pag-payag niya sa alok ni Maria.

Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod at makisama nalang.

E paano ko sila pakikisamahan ng maayos na nandito kaming dalawa ni Joaquin at hindi pa kami ang magkasama. This is really going to be awkward. Shocksss!!!

Sinigang ang pinili ko dahil 'yon ang paborito ko kaya binilhan ako ng Sinigang ni Isagani at Tortang Talong naman sa kaniya.

Nakita kong nakatitig si Joaquin kay Isagani bago nagtama ang mga mata namin, alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil pareha kami ng nararamdaman sa mga oras na ito.

Ang sakit talaga sa puso 'no na yung taong mahal mo may kasamang iba dahil hindi kayo pwedeng magsama ng kayo lang dahil delikado. Ang hirap naman napaka-hirap.

"Laura?"

"Binibining Laura?"

Napalingon ako sa tumatawag sa akin hindi ko alam na nakatulala pala ako sa kawalan at tumulo lang bigla yung mga luha ko, lumingon ako kay Isagani, Maria at kay Joaquin nakita ko ang emosyon niyang nag-aalala sa akin.

"A-Ano? May sinasabi ba k-kayo?" nauutal kong tugon, dahil nahihiya na 'ko

"Ayos ka lang ba bakit ka umiyak, Binibini?" nag-aalalang tanong ni Isagani sabay hawak ng kamay kong nakapatong sa lamesa, hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagseselos sa mga mata ni Joaquin bago nawala iyon at umiwas ng lingon.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon