Kabanata 11

44 2 0
                                    

[Kabanata 11]

Nandito ako ngayon sa silid ko at nagmumuni-muni hanggang sa may nagbukas nang pinto at pumasok doon si Donya Esmeralda.

"Laura, may hiling sana ako na hihingin sa iyo"

Ngumiti ako nang napakatamis bago sumagot "ano po iyon ina?"

Napansin kong parang namumutla si Donya Esmeralda "pwede bang ikaw muna ang mamalengke sa bayan? magpasama ka nalang kay Manang Ofelia" anito.

"Ayos lang ba pakiramdam mo ina?" nag aalala kung tanong kay Donya Esmeralda.

"Medyo masama ang pakiramdam ko, anak" paliwanag naman niya.

"Sige po ako na po ang gagawa, magpapasama nadin ako kay Manang Ofelia"

Tumango lang si Donya Esmeralda at umalis na sa silid ko, kaagad akong kumuha nang baro't saya at inayos ang pagkatali nang buhok ko. Nang makababa ako nakita ko kaagad si Manang Ofelia sa hamba nang pintoan habang may ngiti sa labi "humayo na tayo" masaya niyang tugon sa akin.

Nang makasakay kami sa kalesa nagtataka akong tumingin kay Manang Ofelia "may dumi ba ako sa mukha, Manang?" tanong ko, umiling naman ito "hindi nahuhumaling lang ako sa angking ganda na meron ka" pang-eechos naman niya sa akin, para akong na-overwhelmed sa sinabi ni manang.

"Maraming salamat po" nahihiya kong sabi.

Nang makarating kami sa bayan humiwalay sakin si Manang Ofelia dahil may bibilhin daw siya. Dahil bored ako naglakad lakad ako at may sumalubong saking lalaki "Magandang Umaga Binibining Laura" bati nito sakin.

"Magandang Umaga din sa iyo, Ginoo" wika ko at pilit na ngumiti.

"Nakakahumaling talaga ang iyong--" di natapos nang lalaki ang kaniyang sinasabi dahil may kumuha nang atensyon nito.

"Kuya! Kuya!" sigaw nang isang pamilyar na boses ngunit hindi ito si Joaquin ka boses lang pala niya. Nang makalapit ang lalaking sumisigaw ganon nalang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya "kyahhh! ang gwapo naman" pabulong kong sigaw.

Pero hindi pwede mag padala sa gwapo-gwapo na iyan may misyon pa akong gagampanan tandaan mo iyan Cassandra at isa pa mas gwapo naman si Joaquin kaysa sa kaniya. hehe...

"Magandang Umaga sa iyo, Binibini" bati nito "Magandang Umaga din, maiwan ko muna kayo" sabi ko at iniwan sila at hindi ko na nilingon pa.

Natagpuan ko si Manang Ofelia na namimili nang gulay at iba pang ingredients para sa lulutuin "Manang ano po ba lulutuin niyo?" tanong ko.

"Adobo at Pancit Ala Baltazar" naka ngisi niyang sagot.

Napakunot ako nang noo sa huling sinabi ni Manang Ofelia "Pancit Ala Baltazar? meron pabang ganun Manang? bakit andami namang sekretong mga pagkain ng pamilya ni Laura" nagtataka kung tanong sa kaniya.

"Oo, at tanging mga nasa mansyon na yun lang ang may alam kung paano iyon lulutuin, kaya wag mo lakasan ang boses mo baka marinig ka ng mga tao, at isipin nilang wala kang alam sa sarili mong pamilya" pabulong na wika ni Manang Ofelia sa akin.

Tumango ako para sagutin si Manang, nang makita namin ang kalesa kaagad akong inalalayan nang cochero sa paghakbang sa kalesa at iyon din ang ginawa ng cochero kay Manang Ofelia para sumakay na sa kalesa at umuwi.

Nakarating na kami sa bahay at si Manang Ofelia dumiretso sa kusina habang ako papunta sa kwarto.

I check the cabinet where the flower and the diary was there 365 days.

Pag di ko mahanap ang taong makakapag- patibok ng aking puso ay magiging mesirable ba talaga ako?.

"Lord God, give me the sign... please" pipi kong hiling.

Nakarinig akong may kumatok sa silid ko "pasok" malumanay kong sagot at bumukas ang pinto at pumasok doon si Don Antonio, kaagad akong bumangon at ngumiti sa kaniya.

"Naparito ho kayo, Ama?" nagtataka kong tanong sa kaniya dahil hindi naman niya ako palaging binibisita dito sa silid ko.

"Anak, may nasagap kasi akong balita" habang nagu-gulohan ang kaniyang mukha.

"Ano po iyon?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya na meron daw siyang nasagap na balita ano naman kaya iyon?...

"Na magkasintahan daw kayo ni Joaquin" wika nito at nag kibit-balikat.

Lumaki ang mata ko sa sinabi ni ama "Magkasintahan? eh di ko nga inamin ang feelings ko para sa hudyo na yun" pabulong kung tugon sa aking sarili pero nagu-gulohan pa din ako sa sinabi niya.

"Saan niyo po iyan nalaman?" tanong ko, "kwento-kwento sa bayan" sagot naman ni Don Antonio.

"Anak, may hiling ako" anito "ano po iyon, Ama?" dag-dag ko pang tanong.

"Wag na wag mong hahayaan ang mga Martinez na makapasok sa buhay mo, o kahit hawakan ka lang kase hindi ko gusto na kahit kuko lang nang iyong kamay ay mahahawakan nila" nakataas niyang kilay habang binibigyan niya ako ng paalala.

Dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit, tumango nalang ako at ngumiti "Maraming salamat anak" nginitian ko lang siya ulit "walang anuman ho, Ama"

"Wag mong hahayaan ang mga Martinez na makapasok sa buhay mo"

"Kahit hawakan kalang"

Parang sirang plaka ang utak ko na paulit-ulit yung sinasabi "mas mabuti na siguro yun, para di na ako ma-distract kay Joaquin" bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa pagkahiga at pinilit na pinikit ang mata ko pero di talaga ako dinalaw nang antok.

"I miss you Mom, Dad gagawin ko lang ang misyong ito at babalik na ako sa inyo" wika ko sa hangin.

Nang magising ako bumaba ako sa hapagkainan at nakita ko ang pamilya ni Laura na kumakain. Tumingin sa akin si Don Antonio "Laura anak, halika at sumalo kana sa hapagkainan" nakangiting wika ni Donya Esmeralda.

Umupo kaagad ako sa tabi ni Donya Esmeralda "kumusta ang iyong tulog" tanong ni ina sakin "maayos lang naman po, Ina" balita ko sa kaniya.

Tumango-tango ito at sumubo ulit, nakatingin sa akin si Emilia habang may ngiti sa labi, ngumiti din ako sa kaniya at kumain ulit.

Lumapit sakin si Manang Ofelia at nilagyan nang tubig ang baso ko "Ina, maari po ba kaming pumunta sa pasyalan naming magkakapatid?" pagpa-paalam ni Emilia kay Donya Esmeralda.

Bago pa makasagot si Donya Esmeralda sa tanong ni Emilia inunahan na siya ni Don Antonio "hindi maari, anak" diretsong wika ni Ama "bakit po?" nagtataka ako kung bakit hindi niya kami papasyalin, baka tungkol na naman ito sa balitang na pulot niya kahapon.

"Baka puntahan ka nang mga Martinez doon o baka naman totoo yung chismis na may relasyon kayo nang anak nilang lalaki" nakataas na kilay niyang tanong.

"Ho?!...Eh hindi ko nga kilala ang anak nilang lalaki, Ama" sagot ko naman sa kaniya, umiling ito "hindi maari" wika nito na may pinalidad sa boses.

Nagbaba nalang ako nang tingin at kumain "nababagot na ako sa kwarto" bulong ko naman sa sarili ko habang patuloy na nakayuko.

Nang natapos kaming kumain umakyat kaagad ako sa silid ko at kinuha ang diary na bigay ni Manang Ofelia.

"How can i start this mission if kahit isang tapak ko lang sa labas ay hindi ako pinapayagan" sabi ko at bumuntong hininga.

**********

Dear Diary,

Sana mahanap kona si true love para makabalik na ako sa totoo kong mundo at para makasama ko na ang mga magulang ko, dahil sobrang miss na miss ko na talaga silang dalawa.

Nalulungkot,
Cassandra

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon