Kabanata 44

10 1 0
                                    

[Kabanata 44]

Nandito parin ako ngayon sa silid nakatanga sa kawalan habang hawak-hawak ang papel at pluma na nasa harap ko ngayon, hindi ko alam kung anong isusulat ko wala akong masabi pero kailangan.

Hindi pwedeng wala akong masulat dito, para to sa kaligtasan ni Joaquin.

Para to sa kaligtasan ng taong mahal ko...

Kahit ayaw ko pinilit ko paring iangat ang aking mga kamay para igalaw iyon at magsulat, nasasaktan ako sa kung ano ang dapat kong isabi sa kaniya dito sa liham na ito.

Ang sakit, sobra.

"Cassandra?" natauhan ako bigla ng may tumawag sa akin at alam kong si Manang Ofelia yun dahil siya lang naman ang nakakaalam kung sino talaga ang totoong ako.

Lumingon ako sa kaniya na nakapasok na sa aking silid at naglalakad papalapit sa akin tumayo naman ako kaagad at walang sabi-sabing tumakbo patungo sa kaniya at yumakap ako ng mahigpit sa kaniya habang umiiyak.

Buti nalang at may isang tao pang nakakaalam kung sino ako sa totoong buhay, at nagpapasalamat ako na si Manang Ofelia yun.

Umupo kaming dalawa ni Manang Ofelia sa dulo ng kama habang hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay.

"Cassandra, kaunti nalang ang natitira mong panahon para mapagtagumpayan ang iyong misyon" pagpapaliwanag niya sa akin na tinanguan ko naman.

"Alam ko po iyon Manang pero wala na ho akong pake kung magiging miserable ulit ang buhay ko sa panahon ko ang importante ay mailigtas ko si Joaquin sa kapahamakan dahil mahal ko siya"

"Manang yung dumukot po sa akin, yung pinuno nila na hindi ko kilala pero natatandaan ko pa ang boses. Kilala niya ho ang totoong ako at sinabi niya sa akin na kapag tatanggi ako sa kasal namin ni Isagani ay papatayin niya si Joaquin, hindi ko po hahayaang saktan nila ang mahal ko kaya tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko dito" dag-dag kong wika sa kaniya tinuyo lang ni Manang Ofelia ang mga luhang masaganang tumutulo sa aking mga mata.

Walang imik lang siya at wala ng sinabi pang iba sa akin, sana naiintindihan niyo po ako, Manang.

Napag-desisyonan kong bumaba para uminom sana ng tubig ng bigla akong sinalubong ni Isay na bakas ang alala sa mukha kaya nag aalala narin ako sa kung ano man ang kaniyang sasabihin.

"B-Binibini, nandiyan ho sa baba si Binibining Maria gusto niya raw ho kayong makausap" halos pabulong na sabi sa akin ni Isay.

Ako naman hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na iyon, ngunit nangingibabaw pa din ang kagustohan kong makausap siya ng masinsinan.

Kaya tinungo ko ang daan pababa at nakita ko siyang nakaupo sa salas at nakatitig ng matiim sa akin, kahit ganun nginitian ko pa din siya at nilapitan.

"Kamusta, Maria? buti nalang at nandito ka maari bang dun tayo sa may hardin mag usap upang tayong dalawa lang?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming paligid, tumango lang siya bilang tugon at sinundan ako patungo sa may hardin.

Pagkarating namin sa hardin at pau-upuin ko na sana siya ng bigla nalang siyang nagsalita "bakit?"

Alam ko ng yun ang itatanong niya kaya yumuko ako bago nagsalita "pasensya na" wala ng ibang salita pa ang lumabas sa bibig ko kundi ang humingi ng patawad sa kaniya.

Tumingin ako sa tyan niyang may kalakihan na at bigla nalang tumulo ang luha ko kay Joaquin ba talaga iyang batang dinadala mo, Maria?

Tumingin ako sa kaniya nagulat ako ng natigilan siya anong nangyari?

"Oo, naman kay Joaquin 'tong batang dinadala ko!" singhal na dipensa niya nagulat ako at nagugulohan na din sa kaniya.

Bakit niya sinagot yung tanong? Nagsalita ba ako at tinanong yun? Hindi ko lang ba yun guni-guni?

"Aalis na ako, huwag kanang magpapakita sa akin, sa amin ni Joaquin" galit na wika niya at humakbang na papaalis ng hinawakan ko siya sa kamay at pigilan dahil gusto kong itanong sa kaniya kung bakit nasagot niya yung tanong na iniisip ko kanina.

Nag pumiglas siya at malakas na inagaw sa akin yung kamay niya ng may nahulog galing sa loob ng damit niya, natulos siya sa kinatatayuan at tumitig doon pareho kaming nakatitig dung dalawa bago nagtama ang aming mga mata.

U-Unan?!

"P-Pano?... d-diko.... maintindihan" nau-utal ako at binabalik balik ko ang tingin sa unan at sa tiyan niyang hindi na malaki ngayon.

"P-Pano nangyari.... 'to?"

"B-Bakit?"

Ako na naman ngayon nagugulohan sa kaniya, ilang minuto ang nakalipas mukhang nakabawi na siya sa gulat at dali-daling kinuha ang pabilog na unan at itinago iyon sa likod niya at parang hindi mapakali sa kinatatayuan niya at nakayuko lang.

"Buong pagkakataon nagsinungaling ka lang pala sa aming lahat? Bakit? Maria, bakit?!" diko napigilang hindi sumigaw sa harap niya sobrang gulong gulo na ngayon yung utak ko sa kung ano ang una kong iisipin.

"Bakit Maria? Ba't ka nagsinungaling?" halos pabulong pero may diin kong sabi kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, nag angat siya ng tingin sa akin bago nagsalita "L-Laura..."

"Bakit nagawa mo sa akin to, sa amin, kay Joaquin?"

Kung kanina siya yung galit at ako yung humihingi ng pasensya ngayon hindi ko alam kong bakit bumaliktad lahat.

"Dahil mahal ko si Joaquin at akin lang siya" nakatitig na siya ngayon sa mata ko habang sinasabi ang mga salitang yan.

Mapakla naman akong tumawa bago siya sinagot "Mahal? Maria, nahihibang ka na ba?! Pinaglaruan mo kaming lahat! Lalong lalo na si Joaquin, yan ba ang pagmamahal sa iyo? Ha?!"

"Oo Laura hibang na hibang nako dahil mahal ko siya, pinaglaruan ko kayo at nagsinungaling ako dahil mahal ko siya, inagaw mo siya sa akin ako dapat ang mamahalin niya at hindi ikaw, isa kang ahas inakit mo siya at alam mong mas nauna ko siyang nakilala kaysa sayo!"

"Pero sa tingin ko hindi kayo magkakaroong masayang buhay dalawa dahil magka away ang pamilya ninyu" sarkastikong dag-dag niya.

"Maria, kahit ano pang ipagbintang mo sa akin hindi ko kayang gawin yun sayo, hindi ko kayang agawan ka at alam ng panginoon kung paano ako naghirap na kalimotan at isantabi ang nararamdaman ko kay Joaquin at ipaubaya siya sayo dahil kaibigan kita, dahil mas pinahahalagahan ko yung pagkakaibigan natin kaysa sa nararamdaman ko" may diin kong sabi sa kaniya, masagana na ngayong tumutulo yung mga luha ko hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Sobrang laki ng respeto ko sayo Maria dahil kaibigan kita, itinuring na din kitang kapatid dahil sa mabait at mapagmahal ka pero bakit? Bakit mo nagawa yun? Ano bang kasalanan ko sayo? Anong nagawa ko para gawin mo yon sakin? samin?" nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kaniya umaasang masagot niya ang kaguluhang bumabagabag ngayon sa puso't isip ko.

Kailangan ko ng kasagotan sobrang nagugulohan na ako kung bakit niya nagawa yun sakin, pano na yung pagkakaibigan namin? Pano na yung pagkakaibigan nila ng totoong Laura?

Wala akong narinig na sagot galing kay Maria pinakatitigan ko siya at nakayuko na ulit ngayon parang natigilan sa mga salitang aking sinabi kanina sa harap niya.

"Ano Maria? Sisirain mo nalang ba yung pagkakaibigan natin? Ganun nalang ba 'yon kadali sayo?" hindi ulit siya nakasagot kaya alam kong oo ang sagot niya dahil tahimik siya.

"Kung ganiyanan lang naman sige tapusin na natin tong pagkakaibigan na 'to, 'wag kang mag alala hindi ako magsasalita hihintayin kong malaman nila ang pagsisinungaling na ginawa mo sa aming lahat lalong lalo na kay Joaquin. At pakiusap huwag ka nang magpakita pa sa akin pagod nako Maria, pagod na pagod nako sa kakatanggap ng mga masasakit na problema at mga pangyayari, lubayan niyo na ako pakiusap" pagkasabi ko nun hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at umalis na ako kaagad at iniwan ko siyang nakatayo at nakayuko sa hardin.

Ayoko na sobra na 'to, sobrang nasasaktan na ako para kay Laura dahil yung nag iisang kaibigan niya niloko siya.

Miedo de Perderte de NuevoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon