The Sunset- Unang Yugto
Defeat part III'm not the main character.
Matagal ko ng naisip na hindi lang ako, dahil simula palang ng bata ako namulat na ako do'n. Kaya ganon nalang siguro kadali saakin ang mang-iwan dahil ganon din ang ginawa nila saakin.
But no matter how I lie to myself, no matter how I cut our line. There's still a sting of pain, poisoning me. Bacause he's one of the precious people who made me feel home for a while. I'm negative.
I pack my bags and leave the town. Sumama ako kila tita Klaudia sa Batanggas sa pamilya ni Tito Ken. Pagkatapos ng mangyari saakin at sa bahay ayoko na munang manatili sa La-Union.
My father came home and they got into fight again. Hindi ko na alam ang pinag-lalaban ni mama, nag-kasakitan sila, Gabi na non at naalala kong tumatakbo ako kila tita Klaudia para mag maka-awang pigilan sila.
Tumulo ang luha ko at pasimple ko namang pinunasan, diretso lang ang tingin ko sa bintana. Nag-uusap sila Tito Ken at tita Klaudia sa harap, tulog naman sa hita ko si Claudine samantalang si Kurt ay hindi maka-tingin saakin.
Gusto ko siyang tawanan sa itsura niya, pero siguro tinitimbang niya lang ang emosyon ko. Naalala ko, andoon pala siya ng mag-makaawa ako. He's probably still shocked, dahil kahit ako gulat rin, ngayon ko lang kasi ginawa 'yon.
Madaling araw kami bumyahe at nakarating kami don ng mga mag-tatanghali na, dahil medyo naabutan kami ng traffic.
Sa Batanggas talagang nakatira si Tito Ken, nagkakilala sila ni tita Klaudia sa Maynila sa UP, kung hindi ako nagkakamali.
Pagkadating ay kagaad kaming pinakain ng mga kapatid ni Tito Ken bago nag-pahinga. I stayed there for weeks.
Umuwi ako ng malapit na ang July, pinapa-uwi ako ni Lola dahil malapit na ang birthday ko, sakto rin naman dahil 28 ngayon at dalawang araw mula ngayon ay birthday ni Dave.
"Amalia" pag-tawag saakin ni Tita Klaudia, napatingin naman ako sa pwesto niya at nag-taas ng kilay. Naka-sandal siya sa pintuan ng kwarto na tinutulugan ko.
"Itong tanong ko huwag mong bigyan ng malisya, pero kung sakaling pagpipiliin ka kung saan mo gustong tumira sa mama mo o sa Lola mo?"
Gusto kong matawa sa tanong niya. Really? She made me choose between The two who made me feel hell?
"Bakit tita?" Balik ko sa tanong niya pero hindi siya sumagot at mabilis na iniba ang usapan. I shrugged.
"Bakit hindi ko na kayo nakikita ng kaibigan mo?" Kumunot ang noo ko at napatigil sa pagliligpat ng gamit ko.
"Po? Sila Hez po ba?" Hindi ko alam pero sa pag-kasabi ni tita siya agad ang naisip ko.
"Hindi, yung isa yung lalaki" napa-ngisi siya. Tumibok ng malakas ang puso ko at nanlaki ang mata ko sa gulat. Why do I feel like she's referring to him?
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Romance"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...