The Sunset- Unang Yugto
It's funny how you say to people that you have trust issues and they will say 'Ako rin' and proceeds to backstab you behind your back.
But it's not the stab in the back hurts, it's when you see who's the one who stabbed you.
Kaya sa maaga kong edad, na realize ko na mas magandang itago ko na lang ang nararamdaman ko. And Never-ever reveal it.
But I'm always stubborn.
Sumulyap ako sa lalaking nasa harapan ko at hindi ko maiwasang isipin na katulad din siya ng ibang lalaking nakilala ko.
He's been staring at me for about an hour now, it's giving me chills down to my spine. It's really creepy.
I maybe judging him too much, but that's okay. Hindi ko naman siya Kilala kaya malaya akong husgahan siya at wala rin lang naman din akong balak kilalanin siya. O ang tulad niya.
Kumuha ako ng chips sa lamesa at dahan-dahang sinubo 'yon sa bunganga ko habang nakatitig pa rin sakanya, I know I did a very embarrassing moment on him. Pero ang oa naman niyang mangonsenya.
Malay ko bang may tao sa loob ng kotse? At tyaka naka-bawi naman siya agad. Umawang ang bibig ko at nag-iwas ng tingin sakanya. Nararamdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko nang naalala ang nangyari.
Sa totoo lang mukha siyang fuckboy. Ay sigeh playboy nalang para mas sosyal pakinggan.
Pero I mean gwapo siya, he has the looks okay? Maganda ang genes ng magulang niya. But the way he stared at me. Bumuntong hininga ako. Para siya yung mga napapanood kong lalaki sa tiktok.
Yung mga nag-thithurdtrap? Kala mo kinagwapo nila, Hindi naman tumutugma yung bunganga nila sa lyrics.
He has a rough feature; he has firm eyebrows and jaw. His manly face and scent can really attract the attention of girls.
I don't want to give the whole detail about his body, he's attractive done. But he's still creepy.
"Lia!" Sigaw saakin ni Dave, inis ko naman siyang sinulyapan at nag-taas ng kilay.
"May tanong ako" He ask.
"Oh?"
"Paano kung naging ipis ako? Aapakan mo ba ako?" Bumagsak ang panga ko kasabay ng pagtawa niya ng malakas sa mukha ko, tumalsik pa nga ang laway niya.
Yuck!
"Ambaho ng bunganga mo!" pag-papatol ko at tinulak palayo ang mukha niya, may mga nonsense talaga siyang sinasabi minsan. Sanay na ako pero nakaka-inis pa rin.
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Romance"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...