The Sunset- Unang Yugto
Kumunot ang noo ko at agad lumapit kay Theo, basag ang labi niya at halos hindi makita ang mata niya dahil sa pasa.
"Anong nangyari sa'yo?" Agad Kong tanong sakanya pagkalapit at tinitigan ng maigi ang nlmga pasa niya.
Lumipat ang tingin niya saakin, at mabilis na hinawakan ang braso ko. Napalunok ako sa naging asta niya at bahagyang kinabahan.
"Theo" naiinis kong tawag sakanya.
"Huwag na huwag ka ng lalapit sa lalaking 'yon. Naiintindihan mo?" Madiin niyang sambit saakin. Agad nag-salubong ang kilay ko.
"Ano? Sino?" Tanong ko, pero mabilis niya lang akong nilagpasan at binitawan ang braso ko. Naiwan akong tulala at maraming tanong, sino naman ang tinutukoy niya? At bakit marami siyang pasa? Hindi siya nakikipag-away, hindi siya ganong tao.
"Theo!" Inis kong tawag, wala na akong paki-alam kung mayroon kaming mga kaklase sa paligid. Mabilis ko siyang hinarap at sinundan sa upuan.
"Alam mo kung sino Lia" malamig niyang tugon. Mas lalo namang kumunot ang noo ko at nalunod ulit sa mga katanungan ko.
"Nakipag-away ka? Kanino? At bakit?" Naiirita ko nang tanong, bakit ang hirap niya kausap s amga ganitong bagay? I have no clue what he is talking about.
Mas lalo niya lang akong pinagaalala dahil sa mga pasa niya sa mukha. Hinilot ko ang sentido ko at umupo sa tabi niya, kinalma ko muna ang sarili ko bago muling humarap sakanya.
"Just tell me please" I said with my hoarse voice. Tinitigan niya lang naman ako ng maigi bago umiling at tumingin sa kabilang direksyon. I sigh for defeat.
Sumandal ako sa upuan ko at sinubukang isipin ang sinabi niya saakin kanina. Pinapasakit niya ang ulo ko, he doesn't even want to talk to me. Galit siya? Nagtatanong lang naman ako.
Pumasok pa siya Ngayon, mas maganda kung mag-pahinga nalang siya. Ang nga pasa niya ay hindi biro, para talaga siyang nakipagbugbugan. Hindi ako pinansin ni Theo Hanggang mag vacant, ni-hindi siya tumayo sa kinauupuan niya. Tinatanong rin siya ng ioang nga teachers namin kung ayos lang ba siya, at halos pare-pareho ang sagot niya.
"May ipapabili ka ba? G-ugusto mo ba ng yelo? Cold compress? Hihingi ako sa clinic" I asked gently.
"Bahala ka" he answered, napa-awang naman ang labi ko at mabilis na tinalikuran siya. I'm trying to remain calm. Hindi ko alam bakit ganito siya, ang nasa-isip ko lang ay siguro masakit ang mga pasa niya kaya siya nag-susungit.
Mag-isa akong bumaba ng building at naunang pumunta muna sa clinic para humingi ng cold compress. Unang pag-tapak ko palang ay agad akong napa-tigil ng mag-kasalubong kami ni Stefano. Mukha na siyang paalis, pero hindi yon ang mas kinagulat ko, may pasa rin siya katulad ng kay Theo.
Umawang ang labi niya at mukhang nagulat din na makita ako. I scoff silently at bumaba ang tingin sa kamay niya, agad niya namang tinago ang cold compress salikuran niya. I knew it, Napa-singhap ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.
Now, it all makes sense now.
"Lia" he uttered. I just gave him a sharp glance.
"Sumunod ka" I whispered.
Hindi ko inantay ang sagot niya at agad siyang tinalikuran. Pumunta ako sa lugar na walang masyadong estudyante at kung saan kami palaging nag-uusap. Narinig ko ang pag-tigil ng paa niya, 'yon ang naging hudyat ko para humarap sakanya.
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Romance"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...