The Sunset- Unang YugtoKinuha ko kay Theo ang isang baso ng kwek-kwek na binili ko, agad ko 'yon nilagyan ng sauce bago muling bumalik Kay Theo. Tamang-tama namang nag-babayad na rin anman siya. Kinuha ko ang baso niya at nag-presintang ako na ang maglalagay ng sauce.
"Suka o sauce?" I ask, saglit siyang sumulyap saakin at tinuro ang sauce. Tumango naman agad ako.
"Ayaw mo ng suka?"
"Nope, sauce lang" he assured, napangiwi ako at mahinang napa-irap sakanya bago binigay na ang baso niya.
"Good mood ka today?"
"Hmm?" Kumunot ang noo ko at tumingin sakanya, gumilid kami sa tabing tindahan dahil madami ang taong bumibili.
"Kailan pala ang birthday mo?" Tanong ko, agad naman siyang napa-ngisi at mangahang tumingin saakin.
"Wala kang mata" pang-aasar ko.
"Matagal pa, huwag ka ng bumili ng regalo" he answered, kumunot naman ang noo ko at mahinang pinalo ang braso niya. He laughed.
"Bakit?" Natatawa niyang sambit saakin.
Ngayon ko lang kasi napansin na hindi ko pa pala alam kung kailan ang birthday niya, I was planning to give him a simple gift. Since siya ang tumayo sa tabi ko at siempre kaibigan ko siya kahit na ampangit ng pakikitungo ko.
"Kailan nga?"
"December" mas lalong sumama ang mukha ko at masama siyang tinignan. December? Eh di sana alam ko!
"Kidding, sa May pa" he answered, smirking. Mas lalong kumunot ang noo ko at pabirong nagdabog sa harapan niya.
"Ang incomplete mo sumagot no? Kailan? month lang sinabi mo" seryoso kong tinig.
"Matagal pa sa 30, besides I'm not having a birthday party"
"Huh?" May 30 huh?
"I was planning to do a charity work at DSWD or bantay bata" pag-papalowanah niya, tumingin siya sa harapan at kumain ng kwek-kwek.
Napatitig naman ako sakanya at bahagyang napakurap. I don't know what to feel, hindi ko pa nga talaga siya kilala.
"That's good, charity work. Gusto ko din Ng ganayan kaso, pfft" mahina akong natawa at nag-thumns down. Lumingon naman siya saakin na naka-kunot noo.
"Wala akong pera"
"Charity work does not need any money, tyaka iin-vite naman kita. Helping is enough, Lia"
"Oo na, ineenglish mo na naman ako" inirapan ko siya at sinubo ang isang buong kwek-kwek sa bunganga ko.
"Ayaw mo talaga may birthday party?" Pang-babalik ko sa topic. Muli siyang lumingon saakin at naka-ngiting umiling.
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Romance"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...