The Sunset- Unang Yugto."Girl guilty na yan!" Artemis said while nodding, nangiwi naman ako pinatong ang baba sa palad.
"Dapat nag-sorry ka na rin! Nag-sorry na nga siya" she said again, agad naman akong umiling at inismiran siya.
"Why would I? Dapat lang mag-sorry siya pero sana 'yong maayos, naka-earphones kaya ako non!" Reklamo ko.
"Arte neto, nag-sorry na nga eh!" Pinalo ako ni Artemis.
"Well, sorry not accepted! Pagkatapos kong ma-cyberbullied ganon lang kadali?"
"For the record may kasalanan ka rin" singit ni Hez, sumingkit naman ang mata ko at muling umismid.
"Ay wow!" Natatawang pinalo ni Artemis ang braso ko. "Gusto ata neto ng sinusuyo!"She laugh.
"Aray ha?" Sakristo kong sabi.
"Gaga, jowa ka? Kailangan suyuin?" Natatawa niyang sinabi, kinalabit niya si Hez at tumawa ng tumawa. "Feeler ka rin minsan eh! Haba ng hair chaka naman"
"Putangina ka talaga Artemis" reklamo ko at pinagtatadyak ang paa niya sa baba ng lamesahan, tumawa lang naman siya ng tumawa habang sinasangga ang paa ko.
"Tama na yan, yung mga pagkain" suway ni Hez saamin, inirapan ko lang si Artemis at tumigil sa pagsisipa sakanya.
"Totoo naman ah! Bakit pati apology ineearn narin ngayon?"
"Oo, para maging deserving siya" pag-sasakay ko sa kalokohan niya. Humalakhak lang naman siya.
"Ano yon Ms. Universe?"
"Bwisit to" bulong ko bago bumaling kay Hez.
"Ano?" Masungit kong sabi Kay Hez, tinaasan ko pa siya ng kilay, inambahan niya lang naman ako ng suntok.
"Mag-sorry ka rin" baling niya saakin. "...kayong dalawa talaga mga loka-loka" umiling-iling siya at pinag-patuloy ang pag-kain niya ng fishball.
Kakatapos lang ng mga klase namin, kasulukuyan kaming nasa plaza kumakain ng meryenda. Naka-uniform pa kaming tatlo maliban kay Artemis na naka Floral blouse na pero ang pang-baba ay nakapalda parin. Na-kwento ko rin sakanila ang nangyari kagabi, dahil parang ayaw akong patulugin ng mga sinabi niya.
Now he's sorry on what he did, what's next? Gusto ko man maniwala sakanya, pero hindi kaya tanggapin ng isip ko. Ayokong isispin niya na tinaggap ko ang patawad niya, because deep inside I know this is not over yet. No not yet, dahil hindi ko pa siya kayang patawarin at mang-hingi ng tawad sakanya.
"Hoy si Dave yun noh? HOY DAVID!" Tili ni Artemis, bahagyang tinakpan ko pa ang tenga ko sa lakas ng sigaw niya.
"Ano ba ang ingay mo!" Reklamo ko at pinalo siya, humalakhak naman siya at sinenyasan si Dave na lumapit.
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Roman d'amour"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...