Chapter 30

774 12 2
                                    

The Sunset- Unang Yugto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The Sunset- Unang Yugto

Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi at nag-palit ng damit. Nag-suot ako ng simpleng maong shorts at mustard t-shirt pagkatapos ay mataas kong pinusod ang kulot kong buhok.

Napansin ko na halos hanggang bewang ko na ang dating hanggang taas lang ng dibdib ko ang buhok ko. I sigh, siguro ay magpapagupit ako kapag dumating na si papa, wala na rin talaga kasi akong pera at hindi ko pa napag-isipan ang gagawin ko.

I have no plans in continuing the business I started, hindi pala 'yon madali katulad ng iniisip ko. Meron na si mama at abalang nag-tatanim ng halaman sa garden nang lumabas ako ng bahay. Hindi na ako nag-paalam dahil wala rin naman siyang paki-alam saakin. Naka-bukas ang gate tuwing happn kaya lumabas nalang ako at nag-lakad patungo sa bahay nila Setfano.

Ngayon ilalabas si Lola Venice sa hospital, sinundo na kanina ni Stefano si Lola hindi na ako sumabay dahil nga sa issue naming dalawa. Kahit magkaibigan na kami at maayos na hindi naman namin maipapaliwanag 'yon sa tao.

Dala ko lang ang cellphone ko at nag-lakad lang tulad ng dati. Nang makarating ako sa bahay nila ay mabilis akong pinagbuksan ni Stefano at agad din akong pumasok. Mabilis kong sinunggaban ng yakap si Lola Venice na naka-upo sa wheelchair sa Sala.

"Ang galing naman may nurse agad ako" pang-aasar niya, mahina naman akong natawa bago kumawala.

"Oo naman, siguraduhin kong hindi na kayo ulit papasok sa hospital" pag-sabay ko, napahalakhak naman siya.

Lumingon ako kay Stefano nang mag-lapag siya sa lamesa ng letche flan, naka-uniform pa rin siya pero naka-bukas na ang ilang butones pero kahit ganon ay maayos parin ang buhok niyang naka-wax. Halata pa rin ang nga pasa niya sa mukha at namamaga pa rin na para bang kahapon lang sila nag-suntukan ni Theo. I sigh speaking of that.

Ampangit na nga ng mukha niya may namamaga pa siyang mga pasa, basag ulo. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at nag-paalam kay Lola Venice bago mabilis siyang sinundan sa kusina.

I caught him standing in front of their tall refrigerator, grabbing something. Tumikhim naman ako dahilan para mapa-lingon siya saakin bahagyang nauntog pa siya, nagulat ko ata. Hinawakan niya ang ulo niya at takang lumingon saakin.

"Buti hindi nabawasan ang fans club mo dahil sa pasa mo sa mukha?" Pang-aasar ko pagkapasok ng kusina nila.

"Why are you worried" he raised his brow, sumandal naman ako sa counter top nila at tinaasan siya ng kilay.

"No" mabilis kong sagot. He immediately chuckled, he went beside me and leaned over the table with an ice cream on his hand.

"Well I can check my followers on Twitter and Instagram if it lessens, I'll update you" he teased while smirking, bumagsak naman ang ang mukha ko at agad siyang inirapan.

"Thanks, ugh" he laughed in my reaction.

"Can you be nice? We're friends ey? Lose it up?"

"Big word" I scoff.

Our Past Affliction (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon