Chapter 7

1.4K 62 4
                                    

The Sunset- Unang Yugto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The Sunset- Unang Yugto

Kung alam ko sana sa simpleng pag-patol ko sakanya sa convenience store ay mauuwi sa muling pagkagulo ng buhay ko ay sana nanahimik nalang ako at hinayaang lamunin ako ng hiya.

Indeed my impulsiveness is the one causing me trouble. Every single time! Bakit ba kasi pinanganak akong short tempered?

Kaninang pagtapak ko sa canteen, hindi ko pa na bibilang ang segundo ng may umakbay saakin na nagpatigil ng buong sistema ko ganon rin ang mga tao sa paligid. From that moment I know he's planning something.

What the fuck? That's my initial reaction. Halos manginig ako sa dito ng hawakan niya ako.

Namumula ang buong mukha ko habang naka-takip ang dalawang palad ko. Naka-upo ako ngayon sa isa sa mga cubicle ng comfort room, kinakalma ang sarili ko.

Why is he doing this? Hindi pa ba siya kuntento sa mga ginawa niya saakin?! Those stares, hindi ko pa man din nakikita ay nararamdaman ko na.

The cyberbullying they did is still fresh on my mind, it still gives me anxiety at night. I don't want attention, I just want them to understand me.

Did I ask for this? Sana hindi ko nalang siya pinatulan kagabi.

Huminga ako ng malalim at hinilamos ang mukha ko bago napagdesisyunan tumayo, dahil kahit anong pagsisi ay wala rin magagawa dahil heto na. Pero agad din nanlambot ang tuhod ko at bumalik sa pagkaka-upo.

Ilang minuto pa bago ako naka-bawi ng lakas, kaagad akong tumayo at lumabas ng cr dahil malapit na din ang susunod kong klase.

Pero may muling humigit saakin, I smell his familiar perfume makes me know who he is. Hindi ko na kailangan lumingon dahil kilalang kilala ko kung kaninong pabango 'to.

"Biatawan mo ako" I commanded, hindi naman siya sumagot at umaktong walang narinig.

He encircles his hand around my shoulders making me feel more irritated. Matangkad akong tao pero dahil sakanya ay nagmumukha akong maliit, he's taller than me, hanggang balikat niya lang ako.

"Ano ba!" Reklamo ko ulit nang magsimula siyang maglakad. I try to take his hand off me but it's no use, mas malakas siya saakin.

Yuck! Yuck kadiri!

Dahil sa pwesto at sa pag-sigaw ko sakanya ay naka-agaw kami ng pansin lalo na ang mga kababaihan, kinagat ko ang ibabang labi ko at tinadyakan ang paa niya.

Dahil doon ay napatigil siya at mahinang napadaing sa sakit, pero kahit sa ginawang kong pag-tadyak ay hindi niya pa rin ako binitawan. In fact mas dumiin pa ang pag-hawak niya na bumaba na sa braso ko.

"What the hell?!" Naiinis niyang reklamo.

"Ano bang ginagawa mo?!" Kumunot ang noo ko at sinubukang tanggalin muli ang kamay niya sa balikat ko.

Our Past Affliction (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon