The Sunset-Unang Yugto
"Drink" mariing utos niya, padabog ko namang kinuha ang water bottle sa kamay niya at ininom 'yon.
Kung hindi lang masakit ang ulo ko ay baka nasapak ko na siya, this bastard just carry me out of the bar like a sack of rice and drove me to a random store. Kumalma na rin naman ako at unti-unti ng nahihinasmasan pero masakit pa rin ang ulo ko.
"Masakit pa ang ulo mo? I'll buy you Advil" pag-papakitang tao niya, napa-irap naman ako.
"Huwag na" agad akong umiling at hinilamos ang mukha ko paakyat sa buhok, using my fingers I comb my hair upward.
"What are you doing there earlier, did your friends leave you? Did Matt leave you?" Tanong niya, halata sa boses niya naiirita siya. Umangat naman ang tingin ko sakanya. Naiirita siya para saan?
"Hindi nila gagawin 'yon, siguro nasa dancefloor lang" mahinahong kong sagot at pinag-patuloy ko ang pagmasahe ko sa buhok.
"Anong ginagawa nila don?" He asks again, kumunot naman ang noo ko at taka siyang tinignan.
"Ewan ko nag-dadasal siguro" pamimilosopo ko sabay irap sakanya, mahina naman siyang natawa at inilingan ako.
"Same old Lia huh?" Namulsa siya. "What I'm trying to say why did they leave you, alone? Obviously you're drunken alone and yet they leave you" he said, muli naman akong napa-irap at tinapon sa dibdib niya ang wala ng lamang water bottle.
"Huwag ka nangang mag-panggap na may pake ka at sigurado ako kapag andoon ka mas malala pa ang gagawin mo" naiinis kong sambit sakanya kasabay ng pag-hulog ng bote sa sahig.
Hindi siya sunagot at huminga lang ng malalim bago yumuko at pinulot ang bote sa lupa bago nag-lakad paalis para itapon ang bote sa basurahan at mabilis na bumalik.
"I'll call Matteo, stay here" utos niya, tinignan niya ako ng mariin bago umalis, napa-irap naman ako ulit sa kawalan at sinandal ang ulo ko sa pader.
Malalim na ang gabi at halos wala na ring mga sasakyan, bumuntong hininga ako at walang nagawa kundi antayin siya. I just realized that I left my sling bag, nilalamig na rin ako dahil naka croptop ako at tattered jeans. What are we even doing here? Pwede naman sa labas lang kami ng bar.
Dapat hinyaan niya na lang ako sa bar kanina, kaya ko naman ang sarili ko. I'm sober up at kagigising ko lang kanina kaya nahihilo ako dahil nabigla ang katawan ko.
Ilang minuto pa ay bumalik na rin siya na may dalang puting t-shirt, tinapon niya 'yon sa mukha ko bago tumabi saakin ng upo. Ang bastos talaga!
"Seriously?!" Naiinis na tanong ko, hindi niya naman ako sinagot pero nakita ko ang paggalaw ng mata niya sa ibang direksyon, I scoff. Napa-iling ako at nag-matigas. I set his shirt aside, manigas nalang ako sa lamig keysa tanggapin ang pesteng t-shirt niya. I rather die.
He scoff.
"Anong sabi ni Matt?"
"Unattended" simple niyang sagot, agad ko naman naipalo ang kamay ko sa bangko sa inis.
"Putek na yan oh!" Bumuntong hininga ako at kinagat ang kaliwang pisngi ko.
"Subukan mo ulit!" Pag-uutos ko, pagod naman niya akong binalingan.
"That's a bar Lia, it's unattended, baka deadbat na ang cellphone non dahil pumapatay mag-isa ang tawag" paliwanag niya, tinitignan ko lang naman siya at pinaood siyang suklayin ang sariling buhok.
"Paano na 'to ngayon?" Naiirita kong tanong, I'm getting more and more frustrated because of my situation, this man just drove ne into a random places and now my friends are unattended! Great.
BINABASA MO ANG
Our Past Affliction (Elyu Series #1)
Romance"No matter what happens, see you at home Lia" Gender discrimination, oppression, violence, rights, bullying, cyber bullying, suicide, victim-blaming, drugs and depression. Lia was not happy when she accidentally made contact with Stefano. A transfe...