Natuwa akoooo~ natutuwa akooooooooo~ dumarami na ang nagcocomment----nagbabasa-----at nagagandahan sa Fermindoza Boys! Kyaaah~ May Fermindoza Boys: Falling In Death na po. Horror yun 'kuno' hahahahaha!
May naguguluhan daw, bakit wala pa daw ang bida Fermindoza? Aba baka nasa ibang bansa pa at nagbabalak mang-agaw ng sabaw ng lugaw na may langaw? XD Joke ko tawa ko XD
Kihan
-
Napatayo agad ako at patakbong umalis. May kumikirot na parte sa sistema ko na siyang nag-udyok sakin para lumayo. Hindi ko rin naman maintindihan eh pero bakit ganoon? Pakiramdam ko ay naloko ako. Sa iba niya sinabi ang pangalan niya nang ganoon pa kadali. Pero.. tama bang maramdaman ko 'to dahil lang sa simpleng bagay na yun?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko, kung bakit ko biglang naramdamang nalugi ako, na biglang gusto kong lumayo at wag silang makita. Hindi ko talaga maintindihan. Ganito ba talaga kapag bobo? Maski sarili mo ay di mo kayang analisahin? Na kailangan mong tumakbo palayo para lang makatakas sa mga isipin?
Napasinok ako at doon ko lang naramdaman na nagsisipatakan na pala ang luha ko.
"Ano ba.. bakit ba ko umiiyak? *sniff* H-Hindi naman nakakaiyak eh.." Sininok na naman ako kaya kumubli nalang ako sa may likuran ng eskwelahan at doon mag-isang pinakinggan ang sinok ko. Pinunasan ko rin ang mga luha ko at saka mariing pumikit.
"H-Hindi.. huk! Hindi naman maganda pangalan niya.. huk! Pang...huk! Pangit."
Huminga ako ng malalim at saka dinilaan ang hinlalaki ko para lagyan ng krus ang noo ko gamit ang laway. Ganoon kasi ang ginagawa ng mga matatanda sa lugar namin dun sa mga apo nilang sanggol pa. Baka tumalab rin sakin.
"Natty?"
Napalingon agad ako dun sa nagsalita. Nakita ko agad ang pares ng asul niyang mata at ang nakangiti niyang labi sakin. May parang maliwanag na aura na naman ang lumulukob sa simpleng tindig niya. Ganyan talaga siya simula ng makita ko siya. Isang mala-prinsipeng anghel sa eskwelahan na kinagigiliwan ng marami.
"Hello! Bakit ka nga pala tumatakbo kanina? HInabol nga kita kasi baka kung sinong tinatakbuhan mo." Pinagmasdan ko siya at doon ko lang din napansin na nagpupunas pala siya ng pawis. "Ang init!"
Naiinitan siya.. hinabol niya pa ako. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagsisisi sa sarili ko. "Pasensya na. Napagod ka pa tuloy, dapat di mo nalang ako pinansin Damien."
"Haha! You're a friend, Natty. Of course I'll ran to you whenever you need someone."
"Huh? Pero hindi ko naman kailangan ng kasama eh."
Napahawak siya sa dibdib niya. "Ouch! Ang sakit mo pala magsalita Natty. Pati kanina, iniwan mo lang ako." Ngumuso siya at saka nagmukhang nakakaawang malungkot. Naguluhan naman ako dun sa sinasabi niya. Anong iniwan ko siya? Kailan ko siya iniwan?
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mistero / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...