Ikawalong Kabanata

17.1K 438 45
                                    

So Sorry

-

Nakatayo ako ngayon sa sala habang pasilip-silip sa lalaking nakahiga sa sofa. Halatang kulang na kulang siya sa tulog at pahinga sa sobrang himbing niya. Tulog na tulog siya doon at parang hindi magpapagising. 

Pero naisip ko, nakakahiya nga naman kung gigisingin ko siya----- para kasing mas mabuti kung hindi na siyang magigising panghabang-buhay!

"Ah.. parang medyo masama yun." Kontra komenta ko. Pero pwedeng tama rin naman.

Masyado siyang mapanganib at panigurado na magiging endangered species ang mga tao kapag nabuhay pa siya. Baka maging katayan din ng tao ang mundo dahil sa kanya. Pero iniisip ko lang yun ha, hindi ko naman siya gustong mamatay. 

Ayoko namang pangunahan ang buhay niya tulad ng ginagawa niya sakin----- Inaangkin akong sa kanya. May pa--I own you, I own you pa siya. Pati pagkain ko ay kontrolado. Kahit nga sa pagliligo ay gusto niyang siya na gagawa para sakin. Hindi ko tuloy alam kung manyak lang ba siya o baliw lang talaga.

Papaano ba niya nagagawa sakin ang mga bagay na yun na parang sobrang dali? 

Muli kong sinilip yung lalaking nakakakilabot pero hindi ko naman makita anng mukha niya. Nakapatong kasi ang dalawa nyang braso sa may bandang mukha. 

Sumagi sa isipan ko yung mga usap-usapan ng mga matatandang chismosa sa lugar namin. Masama raw ang ganyan kapag natutulog. Mahihirapan ka daw sa buhay kapag ginagawa yan.

Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa kanya at saka inayos yung dalawa niyang braso. Nangangamba rin  kasi ako na baka maisama ako sa kamalasan niya dahil alam ko namang wala siyang balak na pakawalan ako. Edi syempre ay madadamay ako. Hayy.. ayoko na naman ng dagdag na pasakit. Masyado nang marami.

Pinatong ko yung magkabilang kamay niya sa kanyang dibdib. Mukha tuloy siyang nasa kabaong. 

Napakamot ako sa pisngi nang mapansin ang mga iniisip at kinikilos ko. Minabuti ko nalang na gisingin siya.

"Huy.. Wala ka bang balak gumising? Alas syete na.. huy.. 7:30 yung pasok natin." Balak ko sana siyang tapikin para gisingin pero sa ibang banda dumako ang paningin ko.

"Hmm.." Umungol siya kaya para akong batang sinundan ang pagkibot ng labi niya. Napangiwi naman ako nung mapansing natulala na pala ako dun.

Bakit ba kasi ganun? May pagka-putla pala iyon. Makurba yung pang-ibabang labi at mukhang napakalambot. 

Napanganga ako nang makitang umawang pa iyon! 

"H-Hala siya.."

Hanggang sa makarating ako ng mag-isa sa eskwelahan ay di mawala-wala sa isip ko yung nakita ko kanina. Hindi ako makapaniwala. Hindi ba't iyon ang nakaunang halik sakin? Seryoso ba yun? Bakit parang ang gandang tignan? Mukhang malambot... pero bakit hindi ko naramdaman? At saka hindi bagay sa kanya! Mukha siyang kampon ng kasamaan para magkaroon ng ganun kagandang labi! 

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon